4

373 24 13
                                    

After that lunch ay nag-iba na ulit ang set-up nila ni Jane. More like, she feels na unti-unting bumalik sa dati.

After kasi ng klase niya ay nakita niyang naghihintay si Jane sa labas ng classroom niya.

"Jea." tawag nito sa kanya, the usual eye smile isn't there but somehow, she can sense na masaya pa din ito being there with her.

"Jane." tawag niya din dito pabalik.

"sabay na tayo pumunta sa club room." sabi nito na tinanguan naman ni Janella.

Nagsimula na silang maglakad, magkatabi sila at halos magkadikit na ang mga kamay pero parang nangangapa sila sa hangin.

Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang humawak sa kamay ng isa.

I miss holding your hand Jane.

I miss having your hand in mine Jea.

Parehong nasa isip ng dalawa.

+++++

Nang dumating na sila sa club room ay nakita nilang andun na ang mga kaibigan at members nila. Ang iba ay nag e-ensayo at nagpapatugtog while yung iba ay nag-uusap lang.

They then parted ways dahil deretso na si Jane sa upuan niya while si Janella naman ay pumunta na sa harap to announce something.

"hi everyone!" naka ngiting bati ni Janella sa mga kasama, they all smiled and gave their greetings in return bago siya nagsalita ulit.

"As you all know, approved na ulit ng head ng school yung Battle of the Bands natin this year, kaya kung sino man ang sasali sa inyo, you have to fill in the application form before 11:59 tonight." panimula niya.

"and bukas, I'll announce sino ang mga sumali and the way on how this year's Battle of the Bands will happen." dugtong niya dito.

"and as for the soloist and duo's, may different category tayo na pwede niyong salihan. hanggang mamayang 11:59 lang din ang pasahan ng form." sabi pa niya.

"good luck sa mga gustong sumali and sa mga hindi sasali, it's fine, as long as you still find it in you to enjoy music." sabi niya bago nagpaalam na sa mga ito.

Nagsialisan na ang iba nilang mga members after magpasalamat sa kanya at magpaalam.

Kahit kasi marami ang nakakapasok sa club nila after the audition na pinapagawa nila ay hindi lahat ng members ay naglalakas loob na sumali sa Battle of the Bands or sa solo and duo na contests.

Either nahihiya pa sila or mas gusto lang nila maging kumportable sila sa club na sinalihan nila.

Automatically may plus points na naman ang mga may club na nasalihan dahil na din sa requirement ito ng school nila. The points is not that high but yung aim ng school is to have their students enjoy life despite being a college student.

And yun din ang pinu-push nila Janella sa club nila. As long as nag e-enjoy ka sa music and naipapakita mo yung talent mo, kahit hindi ka sumali sa mga events, it's fine.

Kaya hindi din nila din pinu-push ang mga members nila na sumali, instead they encourage them, and if hindi pa handa ang mga ito na sumali o wala talaga silang plano sumali sa kung ano mang events, then okay lang. Be at your own pace basta may safe haven ka sa school.

"Jea, napag-usapan namin na sabay tayo mag dinner tonight, we also invited Marc and Kim and libre din daw sila tonight." sabi ni Joj kay Janella ng makalapit siya sa mga ito.

"tayo ba lahat kasama?" she asked, wanting to know kung si Jane na nakatingin sa kanya ay sasama ba.

"oo, kaya sama ka din ha?" nakangiting sabi ni Joshua sa kanya.

"sure thing." sabi niya at ngumiti din.

"yaaay! tara na mga ate! dadaanan pa natin yung gunggong kong kuya eh!" masiglang sabi ni Lili na kanina pa gustong umalis.

Natawa naman sila sa sinabi nito.

"marinig ka ng kuya mo batukan ka na naman nu'n." natatawang sabi ni Joshua dito.

"hayaan mo 'yun, wala naman dito eh." nakangising sagot ni Lili.

Nakasunod lang sila Jane, Janella at Joj sa dalawa ng maisipan ni Joj na magpahuli nalang sa paglalakad.

ang hirap maging fifth wheel jusko Pao, gunggong ka din talaga ang tagal mo matapos sa sayaw mooo!!!

Reklamo nito sa isip niya habang pinagmamasdan sina Jane at Janella na magkatabing naglalakad at puro palitan ng ngiti ang ginagawa.

parang hindi mag jowa 'tung dalawa Lord help!!

Naisipan naman niyang i-text na si Paolo na mabilis naman nakapag reply.

To Pao-siraulo:

Tapos ka na ba jan?! papunta na kami! siraulo ka, ang hirap maging fifth wheel!! dali na para dalawa na tayong walang jowa dito!!!! 😭😭😭

From Pao-siraulo:

Eh kung d mo ako binasted babae ka edi sana tayo na ngayon! Pero oo, tapos na kami dito, bihis lang ako saktong pagdating niyo alis na agad tayo. 😊

To Pao-siraulo:

Tapos ano? aawayin ako ng mga feelingera mong fangirls? no thanks! mabuti pang maging single noh! Duuh 😒

From Pao-siraulo:

Pakialam ba nila? Hindi naman sila ikaw. Tss. Payagan mo kaya akong ligawan ka ulit?

Kinilig naman si Joj sa usapan nila. Kaya lang naman niya hindi sinagot si Paulo ay dahil talaga sa maraming may gusto dito. Gwapo, mabait, mayaman, matalino tsaka dancer pa, ang dami niyang kaagaw pag nagkataon.

To Pao-siraulo:

shut off ka nalang jan! malapit na kami!

Huminga siya ng malalim at nilagay sa bulsa ang phone niya.

Lord, give me a sign kung dapat ko na bang sundin ang puso ko.

What Separates UsWhere stories live. Discover now