Ang Malas na Araw ni Jessica

48 1 1
                                    

"Oh Romeo, my Romeo! " nakangiti si Jessica habang hinahaplos at niyayakap-yakap ang likod ng lalaking naka pula na nakatalikod sa kanya

"Bakit di ka humarap at ako'y yakapin, my Romeo?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang gumalaw ang parang estatwa kung kumilos na lalaking naka pula at humarap sa kanya

"My name's not Romeo, I'm Niel, your worst nightmare!wahahahahahaha!!"

Parang demonyo kung tumawa ang lalaking may balbas, mukhang gusgusin, pango ang ilong, may mole sa ilalim ng bibig at may buhok buhok na nakikita sa loob ng ilong nito. In short mukha siyang aswang

"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"

Nagpupumiglas si Jess sa takot habang nakapikit ang mga mata hanggang sa nahulog ito sa kama niya at nauntog ang ulo sa mesa malapit sa kama niya sa loob ng kwarto.

Dahil sa pagkakauntog niya ay nagising siya mula sa napakasamang panaginip niyang iyon.

"Waaaaahhhhh!!!ang panget!!!ang sakit!!!ang pangeeeeeetttt!!"

Tumayo si Jessica at tumakbo sa c.r at pinaligu-an ang katawan ng isang napakalamig na tubig mula sa poso.Hindi niya namalayan na may suot pa rin pala siyang damit

Nang marinig ng mommy niya ang sigaw na iyon ay agad itong umakyat sa kwarto ni Jessica at tinignan kung napano na ito.

"ANAK?ANAK?OKAY KA LANG?NASAAN KA?"

Kinakabaha na ang mommy ni Jessica habang hinahanap ito. Hanggang sa makita niya ito na naliligong tulala sa hangin

"Hoy!Jecka!anu nanamang nangyayari sayo?ha?bakit napasigaw ka at naligong may suot pa na damit?abay labhan mo yang damit mo at wag mag aksaya ng tubig"

"Ma, ang paget talaga niya, ang panget talaga, gusto kong sumuka"

"Sino?at anu ba ang pinagsasabi mo Jecka?ha?gumising ka nga, nananaginip ka pa yata eh"

Na alimpungatan na si Jessica at saka niya na realize na it was just a dream, a dream na pwedeng mangyari sa totoong buhay

"Wala ma, panaginip lang,nightmare" she smiled saka tumayo para tumungo sa c.r

"Fix yourself na at nag aantay ang breakfast sa baba" lumabas na ng kwarto ni Jessica si mommy nia

Sa hapagkainan....

"Oh princess,how's your sleep?" Tanong ng daddy nia na nangangape sa harap nito habang nagbabasa ng dyaryo

"Ok naman,just had a nightmare"

"Oh.kaya pala nakarinig ako ng ingay kanina sa kwarto mo,princess, sa uulitin drink a milk before you go to sleep at mag pray, okay?"

"Yan nga din palaging paalala ko sa ianya, daddy" sabi ng mommy niya habang nilalatag sa lamesa ang pancake na paboritong breakfast nilang mag ama

"Can we not talk about it na lang po?"

" oh siya,pero maiba lang ako?one week na lang bago ang family reunion natin, nasan na yung ipapakilala mong boyfriend anak? Diba nangako ka na ipakikilala mo si Niel ba yung pangalan nun?"

"Shet naalala pa nila" bulong nito sa sarili

"May sinasabi ka anak?"

"Ay wala po mommy, sabi ko, tetext ko po siya para makapag handa kami"

"Handa para saan?"

"Ay wala po dad, sige I have to go now, malelate po ako eh" mabilis niyang inubos ang pancake at gatas na nasa plato niya saka nag madaling lumabas ng bahay nila bitbit ang bag pack na paborito niya.

Sa school...

Habang nag lelecture ang teacher nila sa, naka lutang naman sa uangin ang isip at kaluluwa ni Jess, habang namomoblema sa isang malaking gulo na sinimulan niya

" if x is 2 and y is 10 , then x + y is equals to?"

Sigaw ng strikto at kinakatakutan na terror teacher ni Jessica sa math.

"Miss Jessica Nakalutang Sa Himpapawid!"

Pasigaw na pagtawag sa kanya ng kanyang propesor sa Math.

Napatayo naman si Jeka sa gulat.

"Ay punyeta!!" Pasigaw na sabi ni Jessica na wala pa din sa sarili.

Sa sobrang gulat ay napatayo ito bigla.Dahil sa biglaang pagtayo nahulog ang notes niya sa sahig at nag sipagtawanan naman ang mga kaklase nito.

"SINO ANG PUNYETA MISS JESSICA?ARE YOU CURSING YOUR TEACHER?!" Nang gagalaiti sa galit ang teacher nito.

"PRINCIPAL'S OFFICE!!NOW"

Sa Principal's Office

"Miss Jessica ano itong narinig ko na minira mo daw ang teacher mo?"

"Principal Mayer hindi ko naman po kasi sadya yun, nagulat po kasi ako kay Miss kaya napamura ako"

Nagpa wink wink ng mga mata niya si Jessica na tila ba umaarte na kawawa habang hinahawinamg kanyang mahabang buhok

"She's not listening on my discussion Ma'am" nanlaki ang mga mata ng guro ni Jessica habang naiirita nitong tinitignan si Jessica.

"High blood ka naman po Miss,wag ganyan,sige ka lalo kang pumapanget niya..sorry na po hindi na mauulit"

Pabirong sabi nito

"Walang sorry sa akin,I cannot accept your apology.I want to give you sanctions"

"Miss naman sorry na po kasi" hinimas himas nito ang kamay ng guro habang naka smile na abot tenga

"If that's what your teacher want, then bibigyan kita ng sanction Miss Jessica"

"POOOOOO?Miss naman---"

"2 Days kang maglilinis ng girls' CR sa Math Building starting tomorrow"

"Ako lang po?..ay oo nga naman ako lang alangan naman tatlo po tayo ano? Eh ako lang yung may kasalanan..hihihi"

Tinignan lang siya ng masama ng kanyang guro at si Principal Mayer naman ay napatawa lang sa sinabi ni Jessica.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My 24-hour boyfriendWhere stories live. Discover now