Muntik Na

310 4 0
                                    

Confident na confident si Jess na naglalakad sa hallway ng school building nila patungo sa classroom nila. Exam week kasi nila ngayon at alam niyang lahat ng mga kaklse niya ay di nanaman nakapag aral,at siya lang ang nakapag aral at siguradong may alam ng mga possible questions sa exams. Assumera din kasi minsan si Jess.

Pinagtitinginan lang siya ng mga tao sa paligid niya, papaano kasi suot suot nanaman niya ang  helmet niya..ay este ang lucky charm niya.

"hoy Jek!" tumatakbnong sinalubong ni Francheska Anika Dimagiba a.k.a French ang b.f.f niya

"oh?french? ang aga mo ah?"

"exams eh,teka nga,di yang ang inilapit ko eh, yang helmet mo!" kinuha ni French ang suot na helmet ni Jess

"anu ba?ibalik mo yan"

Pilit na kinukuha ni French ang helmet niya kay French pero inilalayo naman ito nito sa kaibigan

"bakit ba kasi suot suot mo to tuwing exams?"

"eh lucky charm ko yan,at yan ang nag poprotect sa utak ko, na magging firm at di umapaw ang mga pinag aralan ko kagabi"

Nag stop si French sa pag tatago ng helmet ni Jess saka ito tinititigan na parang di niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan

"sersoyoso? as in friend? anu ba nangyayari sa'yo ha? nilalagnat ka ba?" chineck ni French ang noo ni Jess

"gagi!di ah?" inalis ni Jess ang kamay ng kaibigan na panay sa pag dampi ng kamay nito sa noo niya.

"may aling aling ka ba friend? o nasobrahan ka ng pag-aaral?over loaded na ba yang utak mo?"

"hay ewan,pasok na nga tayo" kinaladkad niya si French papasok ng silid aralan nila.

Lunch break,suot suot pa din ni Jess ang helmet sa ulo niya,habang naka palupot sa bibig ang chupachups na lollipop.

Pinagtitinginan sila ng mga tao sa cafeteria,di lang kasi ang helmet ni Jess ang hawak niya kundi pati na din ang porma niya.

She's wearing a colored knee socks,na may white stockings sa at naka skater skirt na kulay pink.habang ang pang ibabaw naman niya ay ang all time favorite niyang adventure time printed shirt. Naka ponytàil ang hair na walang suklay suklay ang buhok basta na lang tinali.

Akala mo nasa runway si Jess e, maka lakad kasi siya parang kanya ang daan.

Si Jess kasi yung tipo ng tao na ñàpaka confident sa sarili, unlike sa ibang mga nerds na hiyang hiya na sa sarili.Kung pwede lang magtalukbong sila ng kumot maka tago lang mga taong nasa paligid nila.

So ayun na nga, naglalakad sila papasok ng cafeteria, walang pake sa mga naka palibot na nakatingin sa kanila, sanay na din kasi si French na pinagtitinginan sila ng mga tao eh. Dahil nga sa kakaiba si Jess.

Paupo na ng napiling table nila  ang magkaibigan nang biglang lumapit ang boyfriend ni French sa kanya.

"hi mol, tara lunch date tayo?" pag aya ng boyfriend ni French na si Miko

"mol?bakit mol?" nagtatakang tanong ni Jess

"mol...my only love" abot tengang ngiti ni French

"eeeeewwww....yuckkkkk"

"aba? aba? bitter ka friend?"

"eh nakaka suka eh...bbbbbrrrrrrrrr"

"palibhasa kasi wala ka pang boyfriend, sige maiwan ka na namin dyan,may DATE kasi kami ng BOYFRIEND ko!" saka umalis na din ang dalawa

"sige Jess alis na kami" paalam ni Miko

"aba? at diniinan pa talaga ang date at boyfriend ah? " tumayo si Jess nang marealize niya yung point ni French kung bakit niya diniinan yung mga word na yun at sinigawan si French " YOU'RE SO RUDE!!"

My 24-hour boyfriendWhere stories live. Discover now