Evening Stroll (B)

149 4 0
                                    

Balik first pov ulit tayo ;)

LORELEI

"Aaahhh" sound effect ng paginom ni Loki 'yan. Mabuti at naubos rin namin lahat ng pagkain na binili ko matapos ang isang oras. Ayaw niya pang kumain nung una pero kapag sinusubuan ko na ay kinakain naman niya.

Pati ang pag-inom ng flavored iced refreshments tulad ng samalamig ay kinaayawan din niya. Hindi raw ito dumaan sa tamang safety and sanitation at baka contaminated din daw ang tubig at yelong ginamit.

Mukhang matutulog na lang kami pagdating sa apartment dahil sa dami ng nakain namin. None of us is a heavy eater so salamat sa pamimilit ko na ubusin niya ang kalahati dahil gusto yata niyang ipaubos sakin ang halos three-fourth ng street foods na nabili ko.

We remain seated for about half an hour, pinabababa ang aming kinain. Until Loki's head rested on my shoulder.

He didn't brought his books with him and left the one he's reading in the clubroom before coming in here, so he had nothing kahit ang pampalipas oras niya. Saglit lang din niyang ginamit ang phone niya. He only took pictures of what we ate and hid it again afterwards. Ang buong akala ko nga'y ima-myday niya pero wala naman akong nakita sa fb at Instagram niya.

Mula sa kanyang pagkakasandal, sinilip ko ang kaniyang mukha, na nagiging maamo lamang sa tuwing natutulog siya. Hinawi ko rin ang hibla ng buhok na humaharang sa mga mata niya. Bagamat halata ang puyat sa mga ito, nangingibabaw pa rin ang pagkapungay nila.

His lips caught my attention because of its natural hue, which gave the impression that lipstick had been applied, as well as his fairly pointed nose.

May tinatago ka rin palang kagwapuhan.

Kinuhanan ko na rin ng litrato kung sakaling kailanganin kong i-blackmail siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan na kinuhanan niya ako ng pictures habang natutulog noong unang buwan ko pa lang sa apartment!

Kung anong posisyon ng upo niya sa apartment ay siya rin posisyon niya ngayon. Naka cross ang hita niya habang ginawa naman niyang sandalan ang nananahimik kong balikat. 'Wag sana ako magka-stiff neck dito. Nakasukbit nang paharap ang bag niya.

I felt something warm on my hand, and when I glanced at it, I noticed his hand on top of mine. Hindi ko na tinanggal pa at baka ma-interrupt ko siya sa dreamland niya.

I took a glance at my phone's clock display and it read 7:45 pm. Maaga pa para hindi gabihin nang masyado. Wala naman nagaantay sa apartment kaya okay lang na ma-late nang kaunti.

Nagstar gazing muna ako. Nandito kami sa parte ng Park kung saan wala masyadong puno kaya malawak kong nakikita ang kalangitan.

Ilan ilan na lang ang natira at nawala na ang ibang tao dito sa Park pero nanatili pa rin ang mga vendor sa gilid.

Kaunti na lang din ang mga batang naghahabulan at ang ilan ay pawang nakaupo na rin sa mga wooden benches na nandoon. Mayroong nahiga sa nilatag nilang picnic blanket at nagstar gazing din tulad ko.

"Ala eh, Ineng, mukhang pagod na pagod iyang boypren mo ah? Halatang kulang sa tulog eh."

Nagulat ako nang may isang ginang ang lumapit sa amin at binasag ang katahimikan ko. Feeling ko nasa late thirties o nasa early forties na siya. It may sound like an insult, but she didn't strike me as someone who's five or six years older than me.

Ano raw? Boyfriend? I felt my cheeks heat up. Pasimple ko iyong hinawakan at tila ako'y may sinat nang nadama ko ang init niyon. Good thing madilim dito sa kinauupuan namin at malayo sa mga posteng may ilaw kaya hindi nakita ng ale ang mala-kamatis kong pisngi.

Nilingon ko si Loki at lihim na nagpasalamat nang makita kong mahimbing pa rin ang tulog niya.

She had something shining on her ring finger. A wedding ring, I supposed.

"Grabe naman po kayo, Misis! Hindi po ba pwedeng magkaibigan lang kami?" agad na dipensa ko.

Naramdaman kong mula sa pagkakapatong ay pinagsalikop ni Loki ang mga daliri namin.

Loki naman! Bakit ngayon pa umandar 'yang pagiging clingy mo?!

"Ganun ba? Sige, sabi mo eh." tapos ay tiningnan niya ang kamay namin.

"Sus, mga kabataan nga naman. Nakita na, dine-deny pa!" huling gatong pa niya bago umalis sa harapan namin.

Binitawan ko agad ang kamay niya pag-alis nung ale at marahas na kinalabit siya dahilan para magising (kuno) siya.

"Ni-plano mo 'yon, ano? Napagkamalan tuloy tayo!"

"Plan what?" inosente niyang tanong.

"Holding hands." tipid kong sagot.

Tumingin siya sa paligid. "I feel like doing it..." saad niya at muling kinuha ang kamay ko, "specially at romantic place as this." at muling pinagsalikop ito.

To be continued...


A/N: I had this on my drafts a long time ago and i just revised a few changes tapos naalala ko meron pala akong part 2, (which is this ud) That one comment from the first half really gave me courage to post this. I wanna surprise that person hehe.

Project Loki FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon