Chapter 40: Worth It

7.8K 116 8
                                    

[HIRO'S POV]

Nilapitan ni Hiro si Amia na nakaupo sa bench malapit sa bench. Maghapon lamang itong nakaupo doon. Mula nang umuwi sila galing sa Hospital isang linggo na ang nakakaraan ay walang kabuhay-buhay si Amia.

She was still blind.

"Misis...."

Kinapa-kapa nito ang mukha niya. Parang hinihiwa ang puso niya habang nakikitang wala itong gana.

"Naniniwala akong makakakita pa ako dahil iyon ang sabi mo....huwag mo akong iiwan ha." Bulong nito.

"Makakakita ka okay? Kaunting tiis nalang."

Humikbi ito. "Hindi ako natatakot mabulag. Natatakot ako dahil hindi na kita makikita. Hindi ko na makikitang lumaki si Samuel. Hindi ko na kayo maaalagaan. Wala na akong silbi..."

Niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit. "Paningin mo ang nawala sa'yo pero kami nandito lang kami. Hindi ka namin iiwan. Nandito ako, Amia. Kapag pagod ka nang lumaban, ako ang lalaban para sa'yo. Kung pakiramdam mo wala ng pag-asa, ako hindi kita isusuko. Mahal na mahal kita..."

"Parang nawawalan na ako ng pag-asa...."

"I can be your eyes, Amia. I can describe to you everything even the smallest particles. I can explain to you everything that you want to see. I will guide you everywhere you want to go, Amia. Hindi ako mapapagod gawin 'yun hanggang sa hindi bumabalik ang paningin mo."

"May buhay kang naghihintay sa'yo, Hiro. Walang mangyayari sa buhay nating dalawa kung pati ikaw ay magpapakabulag sa akin." Anito.

"Hindi totoo 'yan. Pagod ka na ba? Ako hindi pa. Kaya maghihintay pa rin ako sa araw na makakita ka."

"Duwag ako. Natatakot ako..."

"Natatakot din ako, Amia." Pag-amin niya. "Natatakot ako na mawala ang saya sa mga mata mo. At natatakot ako na baka pati ako sukuan mo...." tumingala siya sa langit. Baka sakaling mapigilan ang tulo ng mga luha niya. Pero hindi.

"Hindi ko na alam, Hiro...hindi ko alam."

"Just feel me, Amia...."Buong puso niyang hinalikan ito sa labi. Hinalikan niya ang bawat luhang tumutulo sa magandang mukha nito. He knew that Amia can hear the echo of his heartbeat, can feel the afire love from his lips and can perceive his undying love from his being.

[AMIA'S POV]

Bawat araw ay may liwanag na naaaninag si Amia. Paliwanag ng paliwanag ito. Nakakakita na siya kaso medyo malabo. Sa ikatlong linggo ay nag-umpisang magkaroon ng liwanag ang paningin niya. Pinili niyang wala munang pagsabihan kahit si Hiro.

Kahapon, nakita niya si Hiro na karga karga si Baby Samuel hanggang sa palinaw na ng palinaw. Maiyak iyak siya nang makakita siya bigla. Lalo na ng makita ang mag-ama niya sa harapan niya. Pinigilan lamang niyang lapitan ang mga ito dahil natatakot siya na baka bukas makalawa ay mawala ulit.

Pero mali siya. She can now see clearly. Paggising niya ngayong umaga ay nakakakita niya siya. Tumakbo siya sa harap ng salamin sa kwarto ni Hiro dahil doon siya lagi natutulog. Hinawakan niya ang mukha niya.Kinurap kurap ang mga mata.

Tuluyan na siyang naiyak.

Nakakakita na siya!

"Panginoon ko, maraming salamat po...."

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora