Chapter 29: Partways

3.3K 53 0
                                    


Pinasadahan muli ni Amia ang sarili sa salamin. Katatapos lamang ng welcome party ng anak nila ni Hiro. Maraming dumalong bisita kaya matagal-tagal din maubos ang mga tao. Alas dos na ng madaling araw. Lumabas siya ng kwarto upang silipin si Hiro. Lasing na lasing ito nang makita niya itong pumasok sa kwarto nito.


Napahinto siya sa pinto. Tama ba ang gagawin niya? Tama bang kausapin niya ito at itanong kung ano na namang tumatakbo sa isip nito? Dahil bago mag-umpisa ang party ay napakasuyo nito sa kanya pero pagkatapos naman ay may kahalikan na itong iba. Sumikip ang kanyang dibdib. Naguguluhan siya. Nasasaktan.


"What are you doing here?"


Napapitlag si Amia sa boses  na nanggaling sa likuran niya. It was Hiro, the mighty. His voice was not gentle and it made her ached even more. Unti unti siyang humarap dito. She saw a mess in him. She wanted to take care of him because the alcohol was killing the hope of his mellow side. Gusto niyang pawiin ang galit na lumulukob sa mga mata nito.


Hinawakan niya ito sa mukha kahit abot sa langit ang pag-aalangan niya. "Ma..magpahinga ka na, Hiro. Lasing na lasing ka na."

Tinabig nito ang kamay niya at marahas siyang tinulak dahilan para tumama ang likod niya sa pader.


 "Bakit?! Para makaalis ka na at makipagkita kay Kurt kaya gusto mo na akong matulog? Ano, Amia!!"


"H-Hiro...nasasaktan ako..." marahas ang hawak nito sa magkabilang braso niya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Anong kinalaman ni Kurt dito?"


Tumawa ito ng pagak. "Oh shut the bullshit, Amia! Tang ina lang, eh. Gustong gusto mong kasama si Kurt 'di ba? Bakit Amia? Anong meron sa kanya? Pera? Maraming pera o baka naman sex?"


Sinampal niya ito. Kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya upang gawin iyon ay marahil sa maling paratang nito sa pagkakaibigan nila ni Kurt. "Tama na, Hiro. Lasing ka na. Bitiwan mo na ako!"


Idinikit nito sa kanya ang katawan at ramdam na ramdam niya ang matigas na braso nito sa beywang niya. Ang kanang kamay naman nito ay sa hita niya nakahawak. "Ito ba? Ganito ba ang gusto mo?! Sige ibibigay ko sa'yo! Ako ang magbibigay sa'yo at hindi si Kurt!"


Nagpupumiglas siya hanggang sa ipasok siya nito sa kwarto. Napahiga siya sa kama. Nilukob ng takot ang dibdib niya sa nanlilisik na mata ni Hiro. Galit na  galit ito. Hindi pa niya nakikitang ganito kagalit si Hiro. Napaluha na lamang siya habang si Hiro ay tinatanggal ang damit nito sa harapan niya.


"You were so close with him and it sucks! Naiinis ako! Naiinis ako kapag hinahawakan ka niya at parang gustong gusto mo!" sigaw nito.


"Hiro, pakiusap naman oh!"


Umibabaw ito sa kanya sa paraang nakakasindak. Napasigaw siya. Ngumisi lamang si Hiro at hinalikan siya. The kiss was harsh and hardheaded. Nalalasahan niya ang dugo sa pagitan ng mga halik nila. She felt the sting of the pain on her lips. It is tolerable, but the pain in her heart and soul were so much strong to bear.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang