Chapter 17: Blur

3K 53 0
                                    

[AMIA'S POV]

Maganda ang panahon kaya nagpunta sila sa paborito nilang puntahan. Iyon ay sa may batis at may magandang tanawin. Halata na rin halos ang tiyan ni Amia. Walang araw na hindi siya nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay Nito sa kanya ng pamilyang matagal na nawala sa kanya.

“Misis, ano kayang ipapangalan natin kay Baby?”

Nakasandal siya sa braso ni Samuel. Nakaupo sila sa ilalim ng puno. Nginitian niya ng matamis ang asawa. “Kapag babae gusto ko may Princess. Dati kasi noong bata pa ako, lagi kong sinasabi kay Nanay sana Princess nalang ipinangalan sa akin. Pangarap ko kasi noong maging prinsesa gaya ni Cinderella, Snow White at Belle.”

Ang isang parte ng puso niya ay biglang nangulila sa kanyang ina. Sana nasa tabi niya ang magulang niya hanggang ngayon. Hinalikan siya ni Samuel sa buhok. “I’m sure Nanay is very happy to see us now.  Your parents will be our baby’s angels.” Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong hinalikan. “Ikaw ang prinsesa ko, Amia. Hindi man ako prinsipe na nakatira sa isang malaking kastilyo at taga pagmana ng limpak limpak na salapi, hinding hindi naman kita iiwan. Ako ang magiging tagapagtanggol mo. At, mamahalin kita...”

Pumikit siya. Ang sarap pakinggan....

“Mula nang dumating ka sa buhay ko Samuel, nawala na sa isip ko lahat ng mga pangarap at pantasya ko kasi pinunan mo lahat ng kakulangan sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pa basta nandito ka lang sa tabi ko.”

Totoo ang sinabi niya. Pakiramdam niya nasa kanya na ang lahat ng yaman, kabutihan at kapayapaan sa bisig ng lalaking nagpa-ibig sa kanya.

“Magiging reyna ka na Misis dahil meron na tayong prinsipe.” Hinawakan nito ang tiyan niya gaya ng lagi na nitong ginagawa. “Baby, bilisan mo nang lumabas diyan ha. At wag pahirapan si Mommy, okay?”

Lagi nitong kinakausap ang tiyan niya. Bakas na bakas dito ang kasabikan sa paglabas ng baby nila. “Oh, bakit ka nakangiti?” tanong ni Samuel sa kanya.

“Nararamdaman ko na magiging isang mabuting ama ka, Mister.”

Ngumiti ito. “Honestly, I am so excited and nervous as well. Natatakot ako na baka hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging isang ama.”

“Nakikita ko kung paano mo ako alagaan. At ang galing galing galing mo mag-alaga. Kapag lumabas si Baby tiyak na ipagmamalaki ka niya.”

Nahawa siya sa tamis ng ngiti nito. Masayang masaya ang hitsura nito kahit alam niyang pagod na pagod ito. “Malakas talaga ang feeling ko na lalaki si Baby. I swear.”

“Oh, sige. Ano ipapangalan natin sa kanya kapag lalaki siya?”

“Probably my name! I want to have a junior you know.” Proud na proud na sabi nito.

“Tiyak na kasing gwapo mo ang baby natin.”

“Kami pa. ‘Di ba baby ang gwapo nating dalawa?”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Место, где живут истории. Откройте их для себя