Chapter 7

1.5K 17 2
                                    

Chapter 7

NIKOLAS BENGSON

Bukas..mga alas sa-is? I'll wait for you at the park beside Moon Cafe

Bukas..mga alas sa-is? I'll wait for you at the park beside Moon Cafe

Tila isang sarang plaka na pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Dianne. Inisa-isa ko ang mga ginawa niya sa akin. Simula noong nilapitan niya ako sa swing, binigyan ng origami, kinindatan, pagtulong sa akin mula sa grupo nina Erwan, pagyaya ng date at pagsabing I love you. Shit! Parang isang impossible dream lahat ng 'to. Unbelievable! Kung may mapagyayabang lang sana ako at may mukha na maipagmamalaki para isiping dahilan para ibigin ni Dianne. Pero langya, wala talaga!

Inumpog ko ang ulo sa lamesa. Ang gulo-gulo! Hindi ko na alam, tangna! I shook my head. Gusto kong isiping biro yun pero sabi niya, totoo daw.

"Hoy Nikolas! Anong problema mo dyan? Mukha ka na namang aning. Naka-drugs ka ba?"

Umayos ako ng upo. Nakakabanas namang mga kaklaseng 'to. Laging nakikialam. Kung nararamdaman lang sana nila ang nararamdaman ko ngayon. Ugh! Kagabi pa ako hindi makatulog. Hinila ko ang libro sa lamesa ko at binuklat ito. May test kase kami mayamaya pero hindi pa ako nakakapag-aral. Hindi pumapasok sa utak ko yung binabasa ko.

"Pakopya Nikolas ha?.. hehe"

Ngumiti ako. "Sige ba", sabi ko. Pero hindi ako magpapakopya no? Sinagot ko lang yun para tumahimik na siya. At tsaka, hindi ko rin alam kung may maisasagot ako mamaya.

Dianne, what are you doing to me? Binalik ko ang tuon ko sa aklat nang nakita ko ang mukha niya sa pahina nito. Napatalon ako at napasigaw. Shit, ano yun?

"Ano ba yan! Ang ingay mo!"

Umupo ako and blinked twice. Ano ba ito? Kung anu-ano na ang nakikita ko sa kaiisip sa kanya. I closed the book at isinuksok ko ang ulo ko sa lamesa. . 

I'm going crazy!

Kagabi pa kase 'to, lage ko siyang nakikita. Doon sa kusina namin,  sa Ref, sa sala, sa may TV. Ang pinapanood kong apoy sa dagat.. siya yung naging Angelica. Pati sa kwarto ko. . Nakikita ko ang mukha niya. . kahit sa dingding. .

"Good morning class" 

Dumating na ang guro namin at patay ako mamaya sa quiz, shit! Umayos ako ng upo.

"Please keep your notes under your chairs. Magsisimula na tayo sa test natin". Kinakabahan ako, sana nag-aral ako nang mabuti.

Isa-isang binigay ni Maam ang test questionnaire at sinimulan na naming sagutan iyun. Mabuti na lang at medyo okay lang ang test 1 kaya kampante ako sa sagot ko. Nang nasa test 2 na ako, dinalaw ako ng kabaliwan.

"Nikolas". Naririnig ko na naman ang boses ni Dianne. 

"I love you". Napatigil ako. Pati sa ilusyon ko, mahal niya parin ako. So, ibig din bang sabihin. . mahal ko din siya? Kase, iniisip kong mahal niya ako.? Ang gulo! Kasalanan to ng insomnia ko kagabi dahil sa kanya.

"I love you"

Pumikit ako. Ayan na naman...

"I love you"

Dianne... maha----

Holy shit!  Ba't ko nasulat sa answer sheet ko? Mahal ko na ba siya? Hindi pa naman ako sure eh pero, aaminin kong gustong-gusto ko siya. Inerase ko ang pangalan niyang naisulat ko. Mabuti na lang talaga at ginamit ko muna ang lapis.

TIME'S UP!!!

Pinasa ko na sa teacher namin ang papel at yung mga ibang estudyante rin ay nagpasa na rin. Nakita ko yung katabi ko kanina na sinabihan akong magpakopya ako ay nakatingin ng masama sa akin.  Hindi ko lang pinansin.

Naupo na ako.

Time check: 5pm. One hour to gom magsi-six na. Kinakabahan ako.

"Guys, kilala niyo ba si Bob Ong?". sigaw ni Mark na kaklase ko rin. Lumabas na kase si Maam. nagbigay lang siya ng test tapos, umalis na. May meeting siya siguro.

"Oo naman! Anong akala mo sa akin?", sagot naman ng isa naming kaklase na kaharap niya.

Sino ba namang di makakakilala kay Bob Ong? Sikat kaya yun. Pati na yung mga quotes niya, astig.

"Bakit mo naitanong?", tanong sa kanya ng isa.

"Kailangan kase ng kapatid ko yung mga quotes niya eh. Tinatamad akong mag net, ang daming tao. Kaya, sa inyo na lang ako hihingi ng tulong ha? Ilista niyo lang dito sa papel"

"Ngeek! Haha.. siniswerte ka yata!"

"Gago! Sige na, dali!

Ipinasa niya na ang papel. Tumatawa yung iba naming kaklase habang sinusulatan yun. Ang iba naman, parang wala lang pakialam, iba yung inaasikaso. 

Dumating na sa akin ang papel. Binasa ko muna ang nakasulat. 

*Para san ba ang cellphone na may camera?

Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.

*Huwag kang matakot magmahal ulit,

Hindi naman lahat ng tao katulad niya.

*Kung kailan kita namiss, doon mo ko natitiis.

*Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Natigilan ako sa panghuling linya. Ewan ko pero parang may kung ano akong naramdaman. Biglang pumasok sa isipan ko si Dianne at bumilis ang pulso ko. Paano kung may mahanap siyang iba? Paano kung dahil sa ginagawa ko ngayon, maubusan na ako ng chance na lapitan siya? Paano kung maubusan na siya ng pasensya sa akin? I don't wanna see her with another men. I don't know but it seems like.. I really like her.

No. It seems that, I already love her. 

"Nikolas, sagutan mo na", napalingon ako sa kaklase ko. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapagsulat.

*Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo.

Minsan isang tao lang ang kasama mo,

Buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

Bahala na. I'll take the risk. Tama, kailangan ko siyang kausapin at sabihin sa kanya ang totoo. Kahit siya lang.. kahit siya lang ang kasama ko dito, I'm okay. Kahit siya lang ang kakampi ko at kaaway ko ang lahat ng andito sa University, kakayanin ko. She gave me strength and inspires me.

Courting Mr. Panget (Vhong-Anne)-REVISINGWhere stories live. Discover now