Chapter 46

1.6K 27 16
                                    

Chapter 46

DIANNE'S POV

5pm. Sumakay ako ng taxi habang umiiyak. I can't drive in this state, like duh! Para akong tanga kung ganun. Hindi ko lang kase mapigilan ang mala-waterfalls kong luha ngayon. Kanina ang tapang-tapang ko pa, nang nakaalis na ako ng gate ng bahay--doon na ako nag break down. Sobrang naste-stress  na kase ako sa Tatay kong mayaman. All he cares is his money and status. Ba't ayaw niyang alalahanin ang puso ko? Mahal ko ang taong pinagbabawal niya. The fuck! Naranasan naman niya sigurong magmahal noon kay Mommy diba? Sana, inisip na niya lang kung gaano kahirap pigilan 'to.

Nagpunta ako sa Moon Cafe, yung restaurant na malapit sa park namin ni Nikolas. Oo, tinawag ko na talagang park namin. Because that was the place na naging kami, malaking memorya para sa aming dalawa.

I fished my phone from my pocket at tinexan siya. Ghad! I so need him right now.

Message:

Where are you? Meet me at moon cafe malapit sa park, ASAP.

Pagkapasok ko, nilapitan ako ng waitress at inofferan agad ng menu. I raised my hand, "Later, I'm waiting for someone", sabi ko smiling sweetly at her. Ang cute nilang tignan with their colorful skirts.

Tumunganga lang ako through the glass door habang mag-isang nakaupo dito. Hanggang sa napagtanto kong walang balak magreply si Nikolas sa akin. Kaya, I  tried calling his cellphone pero wala ding sumasagot. Where the hell is he? I waited for more minutes at umabot iyon ng isang oras. Sh*t!

Impatient, kinuha ko ang bag ko at padabog na umalis sa restaurant. Bwisit na buhay 'to! Kung kelan ko siya kailangan tsaka namang wala! Pinahiran ko ang luha kong sunod-sunod ng tumulo. I   then remember to call my friends.

Pero. . .

The number you have dialled is out of coverage area please try your call later.

"Sorry sis, nasa christening ako ngayon ng inaanak ko"

"May dinaluhan akong kasal, kakanta ako mamaya"

Kapag minamalas ka nga naman, oo. Inis na inis ako! I stomped my feet habang sinasabunot ang buhok ko. Ano ba 'tong araw na 'to?!

Kanina sa bahay at 12 pm nang nagising ako, hinarap ako ni AJ at ni Daddy with serious looks tapos malalaman kong ayaw ni Dad kay Nikolas dahil sa bwisit na bibig ni Andrea na hindi makapaghintay na ako ang magexplain sa butihin kong ama. Nagkulong ako sa kwarto at nagwala pero kumatok ang maid namin, aayusin daw kase ang ilaw sa loob. E hindi ko naman pwedeng idelay, kase kagabi pa ako nagrereklamo about sa ilaw. Kaya, wala akong nagawa kundi lumabas. Pagdating ko sa sala, nanood na lang ako ng TV. At 2pm, may narinig akong malalakas na yabag. Yun! Nagalsa-balutan ang magaling kong pinsan. Siyempre dahil sa galit ako sa kanya, hindi ko siya pinansin. Nang pinabalik na ako sa kwarto ko, sumunod naman ako. Sa pagmumukmok, naalala kong tawagan ulit si Dad at kumbinsihin siya ulit ngunit pinagalitan na naman ako. At dahil sobrang stress na talaga ako, I cried again and walked out. Ayokong gumamit ng driver, itsismis pa ako nun na makikipagkita kay Nikolas, lagot pa ako. Sumakay ako sa taxi at dumating dito. . then, more shits happened. Ang swerte ko talaga! Ang swerte swerte lungs!

Idinukdok ko ang heel ko sa kalsada dahil sa inis nang another kamalasan na naman! Nasira ang heel ko. 

"WAAAAAA!!", ngumuwa na ako sa gilid ng kalsada at napaupo na lang. Pero I'm not literally sitting sa daan, I'm just bending my knee then naupo.

I was crying when I heard a screached sound sa harapan ko. Muntikan na akong matumba dahil sa gulat. Akala ko masasagasaan na ako. Lumabas ang isang figure ng lalaki, medyo madilim kase kaya di ko masyadong makita ang mukha. He's wearing sunglasses pa.

Courting Mr. Panget (Vhong-Anne)-REVISINGWhere stories live. Discover now