Chapter 22

1.6K 16 8
                                    

Chapter 22

DIANNE'S POV

Napakamatanong naman ni Nikolas kanina. Anong nangyayari sa kanya? Eh hindi naman importante yun. At tsaka isa pa, ayokong pag-usapan ulit si Erwan. Baka ano pa isipin niya.

Tahimik lang siya buong maghapong kasama kami hanggang sa naguwian na. Sabi niya naman he's just tired. Dami daw kaseng gawain sa school at quizzes. Nauna nga siyang umuwi sa akin e. Pagod daw kaya pinabayaan ko na lang. Haay! Akala ko pa naman magiging masaya ang araw ngayon. Tss! Prinoproblema ko pa nga kung paano ko siya mapagtatanggol sa mga friends ko. Nakakastress!

KINABUKASAN. . .

'Mahal kita'

'Mahal kita'

'Mahal kita'

Arg! Ang ganda ng alarm clock ko. Whaha. Ninakaw ko ang tone kay Nikolas. Nirecord ko ng palihim habang sinasabi niya yan. Ngayon ko lang kase napalitan. Siyempre, bago ko pa lang din napagtanto ang totoo kong nararamdaman.

Kahit inaantok pa, bumangon na ako at nag-inat. Naisip kong pupunta pa pala ako kina Karylle, tutulong dun sa mga friends ko. Kinapa ko ang tsinelas at dumiretso sa CR. Naligo at nagawa na lahat ng dapat gawin. Then, I took my cellphone to text the birthday girl.

Message: 

Heyaa bitch!! Haha. Happy birthday!!!! Muah!

Pagpress ko ng send, I texted him also.

Message: 

Goodmorning my sunshine! I love you.

Napangiti ako. Makapunta na nga dun nang masimulan na. Tinawagan ko na sina Vice at magkita na lang daw kami dun kina Karylle. Matatagalan daw kase siya e. So, I took my key and drove my car.

NIKOLAS' POV

"Anak, bumili ka dun sa grocery store. Magluluto ako ng spaghetti", nasa kusina si Mama, nagkakalkal ng kung anu-ano. Hindi ko alam. Ako naman, andito sa salas at nanood ng Mr. Bean. Walang magawa e.

"Bakit ma? May okasyon ba?". Naalala ko. Birthday nga ngayon ni Karylle. Sana pupunta ako kaso, hindi pwede. Pinagbawalan ako e.

ARG!! Sa tuwing naaalala ko siya, naaalala ko rin ang pagsisinungaling niya. Sheet!!

"Wala naman. Masama bang magluto sa anak ko? Sige na! Bumili ka na dun"

Tumayo ako at nag-inat ng kamay sabay yawn. 'Sige na nga! Para naman magalaw ko katawan ko. Kanina pa ako nakaupo dito'

"Pera?", sabay lahad ko ng kamay. Haha. Wala akong pera e. Binigyan naman ako ni Mama at lumabas na ako.

Hindi matao ang subdivision namin. Ewan ko. Hapon na kase gumigising mga tao dito. Naglakad na ako patungo sa malapit na grocery store at namili ng dapat kong bilhin.

"1000 all in all sir", ibinigay ko na ang pera at umalis dala-dala ang isang medium-sized paperbag.

Nang palabas na ako ng glassdoor, nahuli ng tenga ko ang bulung-bulungan ng nasa may gilid. Katabi ng glass door.

"Ano ba yan! Ba't andito yang pangit dito? Nakakasira sa beauty ko. Ke aga-aga!"

Umiling na lang ako. Hindi ko sila pinansin at patuloy parin sa paglalakad.

Nang nasa street na ako ng bahay namin, nabigla ako ng bosina ng kotse sa likuran ko. Kaya't napatalon ako.

"PUCHA!!". Muntikan na kaseng malaglag ang mga dalahin ko.

Courting Mr. Panget (Vhong-Anne)-REVISINGWhere stories live. Discover now