Kabanata 20

222 7 0
                                    






Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabing iyon ng Doctor.


Magiging masaya ba ako dahil mag kakaanak na ako, o magiging malungkot dahil lalaki itong wala ama.

Kaylan may hindi ko maisip na mag kaanak sa Luke na iyon, dahil ang lahat sa amin ay tila hindi naman permanente.


Sa saglit na nag sama kami at tila ba naging masaya naman ako dahil nakilala ko siya. Hindi man naging maayos ang pag sasama namin ay masasabi kong masaya parin ako dahil dumaan siya sa buhay ko.

Hinimas ko ang wala pang umbok na tiyan ko. Hindi ako makapaniwalang may buhay na nakatakdang isilang sa akin sinapupunan.


Patuloy ang pag labas ng mainit na luha sa akin mata, iniisip ko na pag katapos nang mga pasakit na nangyari sa akin at may isang bagay na magandang nangyari.


"Kaylangan na natin umalis Halsey." Ani ni Ashi habang inaalalayan akong makasakay sa wheelchair.


"Asan si Aaron, Ashi?" Tanong ko sa tila nag mamadaling si Ashi.

"Nililinis ni Aaron ang history record mo sa Hospital." Anito.

"Wala akong maintindihan Ashi?!" Naguguluhang tanong ko ulit.

"Luke's men are looking for you. Wala akong idea sa mga nangyayari Halsey pero tingin ko ay kaylangan na natin makarating sa La Carlota." Aniya.


Kaagad ni Ashi na inilagay ang face mask sa akin mukha. Sobrang gulo ng mga pangyayari, pati ako'y hindi ko na rin alam.


Nang makalabas kami sa exit nang hospital ay nanduon ang kotse na sasakyan namin.

Kaagad akong tinulungan ng isa sa mga guard na nakabang sa amin ni Ashi.

"Gusto kong kausapin si Aaron." Ani ko Ashi. Kaagad naman nitong kinuha ang phone niya at idinaial ang pangalan nito.

Kaagad yun nag ring.

"A-aaron!" Halos manginig ang boses na sambit ko.

"Halsey go ahead to La Carlota. ang mga tauhan ni Cameron ay hinahanap ka sa Hospital kaylangan niyo na ni Ashi makaalis!" Anito sa akin.


"Pe-pero... Aaron! Paano ka?" Halos humagulgol na sabi ko sa kanya.


"I'm fine please Halsey, listen to me. Susunod ako sainyo i'll promise." Puno ng lambing at pakiusap na sabi nito.


"Please Aaron.." pakiusap ko nang maputol ang linya.

Nang maputol ang linya ay kaagad na kaming lumabas nang exit gamit ang sasakyan ni Aaron.


May dalawang escort na sasakyan sa amin likod. Hindi ko alam kung para saan pa ang escort na iyon.


"Our trip will be four hours, mas madali siguro at gabi naman." Sabi ni Ashi habang puno ng awa ang tingin sa akin.


Wala akong naisagot sa sinabi niyang iyon, isinandal ko na lamang nang ulo ko sa balikat niya.

Pakiramdam ko sobra na ang pagod ko. Kung ang paglayo sa pamilya ko at pag tatago ang kaylangan kong gawin upang maging ligtas kami nang anak ko ay gagawin ko.


Naging tahimik ang biyahe namin, ang mga street lights lang sa mahabang highway ang matatanaw mo mula sa madilim na gabi.


Walang ingay ang banayad na takbo lang ng sasakyan ang iyong maririnig.


Bumigat ang talukap ng akin mga mata sa katahimikan iyon.


Nguni't hindi pa man ako tuluyan nakakatulog ay naramdaman ko ang unti-unting pag bilis ng takbo nang sasakyan.


"A-anong nangyayari?" Tanong ko sa driver na nag mamando sa aming sasakyan.

"Mam may humarang sa dalawang sasakyan natin!" Ani ng driver at mas lalong binilisan ang takbo.

"Tatawagan ko si Aaron!" Ani ni Ashi na tila kinakabahan rin sa nangyayari.


Nilukob nang kaba ang akin puso, dahil tila bumalik sa akin ang nanyaring bahulan sa amin sa highway.


Kaagad sinagot ni Aaron ang tawag nakaloud speak iyon kaya't rinig na rinig namin ang boses nito.



"Dein, bilisan mo ang takbo paparating na ang mga sasakyan na humarang sa mga kotse na escort!" Halos isigaw nito sa driver.




"Sir delikado na nasa Sentro Bridge na kami pa pasok ng La Carlota." Anito.

Halos mapakapit sa akin si Ashi nang matanaw namin ang mga kotse na patungo sa amin sa front mirror.


Mabibilis ito tila ba handang banggain ang kotse namin.


"Ano bang nangyayari!" Halod ibulong ni Ashi sa akin habang nakakapit ito sa braso ko.

Halos magulat kaming lahat ng may malakas na putok ng baril na tumama sa side mirror nang sasakyan.


Mas binilisan ng Driver ang takbo kahit delikado ito. Dahil bangin ang babasagakan namin.

Pero mas kaylangan namin makatakas kaysa alalahanin ang pag kahulog.

Madilim ang paligid tanging kotse lang ang nakikita namin dahil sa malakas na front light nito.

"Bilisan mo pa!" Halos maisigaw ko dahil kaonti na lang ay makakalapit na sa amin ang kotse na mas nauuna sa iba pang nakasunod.

Narinig namin muli ang putok nang baril.

Halos maiyak si Ashi sa takot. Kaagad ko pinasandal ito sa akin, at ililagay ko ang dalawa kong kamay sa kanyang tenga upang maibasan ang pagkabalisa nito sa mga nangyayari.


Naramdaman ko ang pababa ng kabilang side nang sasakyan.


"Mam tumalon na po kayo malalaglag na ang sasakyan sa bangin!" Ani ni Dein ng i unlock ang mga pinto ng kotse.

Imikot ang sasakyan ng tamaan nang baril ang gulong nito.

Nawalan kaming ng preno.

Sumadsad ang sasakyan sa railings ng tulay, kita ko ang pag labas ni Dein at Ashi.

Hinawalan ni Ashi ang kamay ko nguni't tinabig ko na ito dahil tiyak na mahihila ko siya kasama sa bangin kung saan babagsak ang kotse at ako.

Trapped In His Arms ( COMPLETED )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin