01

1 1 0
                                    

I'm now packing my things, I don't why we need to do this. Problema lang naman nila, bakit kailangan madamay pa kami ni Kuya.

"No, isasama ko si Zyrhea." Sigaw ni mommy, kanina pa sila nagtatalo ni Dad. "And you, Zyrten, stay with your Dad. Pareho kayong matigas ang ulo!"

Nagkamot lang ng batok si Kuya, probably didn't like the idea of Mom. Matigas lang ang ulo niya pero wala siyang balak na mag stay with Dad.

"But Mom, how about my studies? Nakakatamad na magpalipat lipat ng school, can you guys just talk about this one? Huwag niyo na kami idamay sa gulo niyo, nakakasawa na rin." Nagdabog siya palabas ng bahay, kaya sinundan ko.

"Woah, Kurt, bago na naman yan?" Hance said, kapitbahay namin, laki laki kase ng boses nito. He's talking to his cousin Kurt, nakakaasiwa pagmumukha niyan. Kung hindi lang siya kaibigan ng kapatid ko, hindi ko siya papansinin.

"Hi, Rhea, kamusta ang araw mo?" Ayan na nga sira na naman araw ko, sira na nga simula kaninang umaga dahil sa away nila Mommy.

"I have no time for your shitty talks, Kurt. Just shut the hell up, and don't you ever talk to me again." I glared at him before I enter our underground.

"Wanna go with Mom?" He asked, I didn't say anything. He knows my answer na naman kaya hindi ko na kailangan pang sumagot sa tanong niya. "Yeah, right. Who would be dare to stay with Dad after what he did." He punched the punching bag, hindi man lang naglagay ng gloves.

"I'd rather go with Mom than to stay here with Dad." I said, i have nothing to say about the issue that is currently happening in our family right now.

"May kilala naman ako, he owned a condo unit. Saka hindi niya pa naman ginagamit ang unit na yun, maybe I'll ask for his help? For sure tutulong sa'kin ang lokong 'yon." He didn't stop punching and kicking. "What can you say?" Tumingin siya sa'kin, umiling lang ako. Wala nga naman kase akong sasabihin. "Minsan sarap mong ibalibag, hindi ka nagsasalita. Tsk, bakit ba may kapatid akong di mahilig magsalita." Reklamo niya pa.

"I guess, you should use your friend's condo unit. May savings ka naman," yan lang tanging nasabi ko saka umalis na. Babalikan ko ang gamit ko para mailagay na sa kotse.

Kung hindi lang nagkagulo ang pamilya namin, hindi sana magiging ganito.

Kasalanan ito ni Daddy lahat, he's cheating and used Mom's savings para may panggastos siya sa babae niya. Ang kapal ng mukha, hindi na nadala noong mga panahon muntik na siyang mamatay dahil sa pinaggagawa niya.

"Let's go," Mom said. I opened the car at pumasok na. I saw my brother, looking at me with no emotions in his face. He's planning something.

Nag drive na si Mommy, I don't know where we are going. Dahil nasa backseat ako, nakatingin lang ako sa labas, tinatandaan kung saan kami dumadaan.

Bago kami umalis sa bahay, Kuya texted me to turn on my location para madali niya aking ma-locate at para malaman niya saan kami pupunta ni mommy.

I'm not familiar with this place, dumaan kami sa parang isang tannel. And I guess it took 10 minutes, bago kami nakalabas sa tannel na yun. May dinaanan din kaming mga naglalakihang puno, ang creepy ng lugar. Pagkalagpas namin sa bahaging iyon ay saka pa ako nakakita ng mga bahay. Magagara ang mga ito, modern design houses.

At habang nakatingin sa labas, I saw a unfamiliar guy who's flirting with a girl na halos wala nang saplot dahil sa subrang nipis na suot.

Nakailang liko pa ang kotse bago ito huminto sa isang simple bahay, maliit ito kung ikukumpara ko sa bahay namin dati. Sana may underground din dito. Simple pero attractive tignan, dalawang palapag at may terrace pa.

Pumasok si Mommy kaya sumunod ako, malinis ang loob halatang napaghandaan na yung pagdating namin.

"Apat lang ang kwarto sa second floor, pumili ka nalang ng room mo doon. Dito lang ako sa baba, it's tiring akyat baba, lagi pa naman akong nagmamadali." Mom said, at agad na pumasok sa isa sa dalawang magkatabing room.

Umakyat ako sa taas, and the place surprised me. May mini living room, isang flat screen tv na hindi ko alam anong size, may book shelf din na puno ng mga libro.

Pinili ko ang kwarto na malapit sa terrace, maganda dito magmuni muni.

Inayos ko ang aking mga gamit, saka pumunta sa terrace. Sumalubong sa'kin ang preskong hangin, ang ganda sa pakiramdam. May mga puno din naman kase kaya ang sarap langhapin ang hangin.

I put my earphones on, close my eyes while feeling the fresh air. And the moment I open my eyes, I stare at the guy who's I guess staring at me from afar.

That's creepy.

UnwantedWhere stories live. Discover now