02

0 0 0
                                    

I directly go to the registrar office, para magtanong sa mga schedules ko at kung anong section ba ako.

"Ito ang major subjects mo, may tatlo kang advance subject sa second year. And here's your schedule for this semester." Sabi ng registrar, kaya kinuha ko na ang mga dapat kung kunin. "And ow, I forgot, may weekend class ka. Don't ask any questions regarding about your designated schedules, irregular student ka remember that."

I left the registrar office, hindi ko pa tinignan ang mga subjects na papasokan ko, inuna ko ang room kung saan ang pasok ko sa oras ngayon.

"Geez! I hate this kind of schedule." I irritatedly rolled my eyes, I stopped and put my earphones on saka ulit naglakad para hanapin ang room.

Gaya ng ginagawa ko lagi, hindi ko pinapakialaman ang mga nangyayari sa paligid ko. Nang mahanap ko ang room ay pumwesto na ako sa dulo, malapit sa bintana.

Saka ko pa tinignan ng maayos ang schedule ko, tinandaan ko kaagad ang schedule saka ko inilagay sa bag. At dahil maaga pa at wala pa ang professor, kunti lang din ang mga andito sa loob ng room na halatang wala namang pake sa'kin, kinuha ko nalang ang notebook ko at gumuhit habang nakikinig ng musika.

Natapos nalang akong gumuhit ng paro paro wala pa rin and professor. Kaya naman tinanaw ko nalang ang labas, dahil nasa malapit sa bintana naman ako. Kita ko dito ang limang palapag na building department ata ng mga medtech.

Tama lang ang volume ng earphone ko kaya rinig ko ang tilian ng mga studyante. Hindi talaga nawawala ang mga tilian kahit saan akong paaralan pumasok.

Hindi na naman sila High school pa, ewan ko bakit pati sa college uso pa ang tilian. Dapat nga mag focus sila sa kurso nilang kinuha, hindi sa mga lalaking gwapo na nakikita nila at tinitilian pa.

"May transferee?" rinig kong tanong ng kung sino, dahil nga tama lang naman ang volume ng earphone ko rinig ko pa din ang pag-uusap nila at dahil na rin malapit sila sa akin.

Isn't if obvious?

I almost rolled my eyes, halata na man na may bago kaya malamang na transferee.

"Oo ata? O baka yan yung laging absent sa section na'tin?"

Hindi ko na pinakialaman ang pag-uusap ng dalawa. Wala rin naman akong pakialam sa kahit na sino pa rito. Hindi rin naman ako chismosa para makialam sa pinag-uusapan at mas lalong wala akong pakialam kung ako pa ang pag-uusapan nila.

Pumasok ang professor at umupo, hindi niya binati ng magandang umaga ang mga studyante niya. Tumayo ako at nagpasa ng class card. Nakasulat na doon ang pangalan ko, course code, section at time scheduled. Tinignan niya lang ako, at hindi nagsalita. Hindi rin naman ako nagtagal sa harap dahil pagkabigay ko sa class card ay bumalik na ako agad sa inuupuan ko.

"Zyrhea Mencedez? Are you related with Lucas?" She asked, tumango ako bilang sagot. Kaya napapatango nalang din siya. "Don't make a mess!" Para niya akong binalaan, wala na naman akong pakialam.

Lucas Mencedez is known as the school trouble maker, kahit saang school ata siya ilagay nakakagawa siya ng gulo. Hindi ko alam bakit may pinsan akong ang hilig sa gulo, kung pwede lang sana na lumpuhin siya ginawa ko na. Kilala siya ng lahat, at hindi na ako nagtaka kung bakit sinabi iyon ng Prof. Baka akala niya na gumagawa rin ako ng gulo.

Natapos ang discussion, tahimik lang ang mga studyante. Halata naman kase sa itsura ng professor na terror siya, kaya siguro takot ang mga studyante na mag-ingay habang nag discuss siya.

"Next meeting, we'll have a reporting." Kinuha niya ang isang bowl, kung saan may mga naka roll na papel. Panigurado na iyon ang topic na erereport namin. "Individual ang pag-report, that's why I have this bowl here. And the first person na mag report is, you." She looked at me with a smirk in her face. Mukhang mapapalaban ako sa terror na prof na'to.

Tumayo ako, hindi ko na siya hinintay na magsalita. Kumuha ako ng isang papel at bumalik agad sa upuan. Sunod sunod niyang tinawag ang iba hanggang sa nabigyan ng topic ang lahat.

"This subject is purposive communication, kaya matuto kayong makipag communicate sa paligid ninyo, lalong lalo na sa mga taong mukhang naputulan ng dila dahil hindi nagsasalita." Halatang ako ang pinariringgan niya, ano naman? Wala akong pakialam.

Hindi pa tapos ang klase niya tumayo na ako at lumabas ng room. Nakinig ulit ako ng music habang papumunta sa susunod na subject.

Ang hirap maging irregular student, bakit naman kase may advance subjects pa ako. Pwede naman na next year na ang mga to, gusto ata nilang maaga akong gagraduate.

Room 17 Aries.

Nakalagay sa taas ng bukana ng pinto. Pumasok ako ng hindi pinapansin ang mga nakatitig sa'kin, at umupo nalang sa bakanteng upuan. Kasunod ko lang na pumasok ang prof, kaya naman binababa ko muna ang earphones ko.

"Good morning class, Miss Mencedez give me your class card."

Gaya kanina hindi ako nagsalita, pinasa ko na ang class card. Natapos nalang ang klase ng walang sino mang maybalak na kausapin ako, well okay lang naman dahil wala akong panahon sa kanila.

"Mencedez, huh!" May isang lalaking humarang sa pintuan kaya hindi ako makalabas agad, magkasingtangkad lang naman kami. Familiar ang lalaking ito, hindi ko lang matandaaan saan ko nakita. "The cold introvert person is here at Saint De Castro University." I stared at his dark eyes, matatas ang pilik mata, hindi naman singkit pero magandang tignan ang mata niya.

Hindi siya tumabi kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung tutuusin isang mahinang tulak ko lang sa kanya tatabi na siya, sa payat niyang yan kaya siyang tangayin ng hangin.

Binalik ako ang earphones ko at nagplay ng music bago siya tignan ulit. Itinabingi ko ang ulo ko, maraming nakatingin sa labas kahit ang mga andito sa room ay naghihintay sa kung ano ang mangyayari.

"Ano ba Rey, padaanin mo na nga lang yan. Gutom na ako pre, tara na sa canteen. Haysss!" Reklamo ng isa, kaya naman ay tumabi na siya saka pa ako nakalabas sa room.

Tumabi ang mga studyanteng nakikichismis para may madaanan ako. Hindi ko nalang pinansin.

UnwantedWhere stories live. Discover now