03

0 0 0
                                    

Pagkatapos kung bumili sa canteen, ay nagpunta ako sa library. Wala akong klase ng dalawang oras, hindi naman pwede lumabas kaya dito na ako tumambay.

Kumuha ako ng libro tungkol sa psychology, dahil yun ang report na nabunot ko kanina. At habang nagbabasa, may umupong lalaki sa harapan ko.

Pinagmasdan ko siya saglit bago nagbasa ulit.

Masasabi kung may itsura siya, medyo magulo ang buhok, matangos na ilong mahabang pilik mata, makapal na kilay, mapupulang labi, maputi, sakto ang pagka payat, at may salamin.

Inayos ko ang pagkaupo ko, at nag focus na sa binabasa. Bakit ko ba dinidiscribe ang isang 'to.

"Zyrhea Mencedez, nice name." Tinignan ko siya ulit, ngayon ay nakatingin na siya sa'kin. His hazel eyes caught my attention, ang ganda tignan.

I don't know why, but I easily get attracted to someone's eyes.

I put my earphones on, and start reading again. Hindi ko siya kinausap, at wala akong balak na kausapin siya kahit ang ganda pa ng mata niya.

"Hey, talk to me." Binaba niya ang earphones ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "Ow sorry, I just wanted you to be my friend?" ngumiti siya ng kunti, ramdam ko ang kabang nararamdaman niya habang nakatitigig sa'kin. "Okay, I know na you don't like talking to strangers. I'm Ganziel Andres, may kapatid ako siguro kaklase mo siya second year kase yun eh, or not? Kase sa pagkakaalam ko first ka pa lang naman pero may advance subjects ka di'ba? Malay mo magiging kaklase mo kapatid ko."

Bumuntong hininga ako, magsasalita na sana ng may tumapik sa balikat ni Ganziel.

"Focus on what you're reading, don't disturb her." He said, tinignan ko siya pero hindi ko na nakita ang mukha niya dahil tumalikod na agad ito at naglakad paalis.

"Kapatid ko yun, hindi kase mahilig makipag kaibigan sa iba kaya parang gusto niya na din akong madamay sa ganun niyang ugali." Dumaldal na naman itong isa, hindi na nadala ah. "Palibhasa kase namimili siya ng kinakaibigan."

Napapikit nalang ako at bumuntong hininga na naman saka tinignan ang makulit na to. "You know what, if you really want me to be your friend? Then you better shut your mouth up, you're disturbing me."

Nagbasa na ulit ako ng libro. Hindi na naman siya nagsalita pa ng kung ano ano, kaso paglabas ko sa library ay nakabuntot na siya sa'kin.

"What do you want?" Naiiritang tanong ko, andito na ako sa second floor nakasunod pa rin siya. Ano ba kailangan nito?

"Magkaklase kase tayo sa next subject kaya sasabay na ako sayo," he smiled at me pero hindi ko na siya tinignan pa ulit. Hinayaan ko nalang na parang buntot nakasunod sa'kin. "You know what Rhea, you can talk to me. I mean, I'm a friendly guy naman ayaw mo ba? Saka sa cute ko ba namang to ayaw mo'ko maging kaibigan? Look, everyone wants me to be their friend, kaya ang swerte mo dahil ako na mismo lumapit sa'yo."

I stopped and turned to his direction. "I don't care about you," tumalikod ako at maglalakad na sana ulit ng may maalala ako. "And also I don't do friends," nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok sa next subject.

Hindi ko alam kong sinasadya niya bang sa'kin pa tumabi, madami namang bakanteng upuan.

I really don't like people who loves to chase and keeps doing stupidity just to gain attention.

"May kwento ako," he started it again.

"Please, just shut up."

Kailan ba ako tatantanan ng lalaking to?

---

After my morning class, lumabas ako ng campus. I don't know where to go pero gusto ko munang makaalis sa school kahit saglit lang.

Mamayang 2 pm pa ang next class ko kaya may dalawang oras pa ako para gumala sa labas. I didn't crab a taxi or kahit anong vehicle na pwedeng sakyan, I just wanted to walk hanggang sa makarating ako sa lugar na tingin ko ay matatahimik ang kaluluwa ko.

It's annoying when that Ganziel keeps talking to me nonsense, wala na ba siyang ibang pwede guluhin? A guy like him irritates me the most.

After I guess 30 minutes of walking, nakarating ako sa isang lugar na may mga bench. Tumingin ako sa dinaanan ko, hindi ko namalayan na malayo layo na pala ako sa paaralan. But that doesn't matter at all, dahil andito na naman ako at ito ang gusto ko.

Umupo ako sa isang bench, at kinuha ang librong nahiram sa library. Nanghiram kase ako ng libro kanina. As usual, nakikinig pa din ako sa musika habang nagbabasa.

Andito ako ngayon sa bench na medyo may kalayuan sa kalsada, pero nakikita ko rito ang mga dumadaan.

After I finished the third chapter of the story I'm reading, I closed the book. Ngunit hindi ko kaagad naipasok sa bag ang libro, dahil ang mata ko ay nakatuon sa mga lalaking hindi familiar sa'kin.

They looks like a gangsters, wearing black coats. Hindi na nakakapagtaka kung ang mga ito ay nanggugulo.

"Enjoying the view?" I stop my music and turned to someone who's talking at my back.

Dahil hindi ako mahilig na makipag usap sa kahit kanino, tinignan ko lang siya at pinagmasdan saglit ang porma niya.

Same with the guys na nakasuot ng black coat, matangkad, matangos ang ilong, may brown na mata, may tattoo sa leeg, moreno. He looks expensive in my view.

After scanning him, inilagay ko na ang libro sa bag at tumayo. Hindi pinansin ang lalaking nagsalita, I don't like his stare at me. Bago pa ako makagawa ng kung ano, kailangan ko na siyang layuan. Baka may madukot pa akong mata kung hindi ako aalis.

Dahil wala namang ibang dadaanan, hindi maiwasang mapadaan sa grupo nila. Bago sila lampasan, nilagay ko na ang earphones ko sa tainga. Nilagay ko ang kamay sa aking bulsa at mahinanong naglakad. I remain emotionless, alam kong nakatingin sila sa'kin at ramdam ko ang bawat titig nila. But who cares? Kahit titigan nila ako, wala akong pakialam.

Dahil simula pa lang, ayoko nang makialam sa paligid ko. Ang malampasan sila ay hindi big deal sa'kin, hindi rin naman ako takot. I have no fair to no one.

"She's probably Zyrhea Mencedez."

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 25, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

UnwantedOnde histórias criam vida. Descubra agora