UNO

60 3 0
                                    


KEISHA POV

Mabalis kang nagiimpake ng mga damit mo sa bahay ng boyfriend mo.

"Mabuti nalang ay nahuli na sya ng mga pulis."

"Nababaliw na sya."

Ilang sandali lang ay may narinig kang pamilyar na boses galing sa labas ng bahay.

"Mahal nakauwi na ako."

"Mahal?"

"Alam kong nandyan ka."

Kinabahan ka dahil alam mo kung kanino galing ang boses na yon hindi ka magkakamali kay Dager Heiz na boyfriend mo iyon.

Matapos mong ipakulong ang boyfriend mo ay hindi mo alam kung paano ito nakauwi agad.

Napatakip ka ng bibig dahil ruon.

"Paano sya nakalabas agad kanina lang sya nahuli."

"Mahal sumagot ka naman."padabog na binubuksan ni Dager lahat ng pintuan sa bawat kwarto

Kinuha mo ang cellphone mo nag dial ng number ng pulis, natataranta ka na at hindi mo alam kung saan ka tatago dahil nasa kwarto ka rin.

Bago pa man bumukas ang pinto sa kwarto kung saan ka naroon ay mabilis kang sumuksok sa ilalim ng kama.

Tumingin ka sa hawak mong cellphone at nagtataka ka dahil walang sumasagot na pulis sa kabilang linya.

Tanging tunog nang sapatos ng lalake ang naririnig mo.

Kinakabahan ka dahil maya-maya lang ay mahuhuli ka na nito.

Binuksan narin nito ang malaking kabinet nyo tanging sa ilalim nalang ng kama ang hindi.

"Mahal huwag ka ng magtago dahil nakita na kita."

Napabaling ang tingin mo sa kanan mo at nakita mo ngang naruon si Dager nakasilip sayo.

"Anong gagawin ko, dapat hindi ako umaktong natatakot."

"Oh Mahal!"nakangiting bigkas mo at pilit na pinapanindigan na walang halong takot ang boses mo

"Tulungan mo nga ako hilain mo ako dito, kanina ko pa hinuhuli yung ipis kaya napapunta ako sa ilalim ng kama kakahuli."mahabang salita mo

Nakakunot ang nuo ni Dager habang nakatingin sayo sa ilalim ng kama kinalaunan ay sinunod naman nito sinabi mo.

Nang magkaharap na kayong dalawa habang nakatayo ay nakatingin ito sa iyo, at para bang may sinusuri.

"Hmm. Bakit kase hinuli mo pa yung ipis, tingnan mo ang dumi na tuloy ng damit mo."wika ni Dager habang pinapagpag ang damit mong may dumi

Pati mukha mo ay pinunasan rin niya gamit ang kanyang damit.

"Para kang batang amusin pero, ang Ganda mo parin Mahal ko."

Mabilis ka nitong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Mahal natatakot akong mawala ka sakin."

"Kaya sisiguraduhin kong palagi lang akong nasa tabi mo, babantayan kita."

Kinabahan ka naman sa sinabi nito dahil, alam mong wala kang takas sa kanya.

"Mahal pinaglo-loloko mo ba ako!"kumalas sa pagkakayakap sayo si Dager

Nagtaka ka naman dahil sa naging akto nito dahil kanina lang ay malambing ang boses nya ngayon naman ay nakakatakot na para bang gustong pumatay.

"Mahal hindi."kinakabahang wika mo

"Hindi, eh ano ito bakit may maleta ka?"

"Huwag mong sabihing tatakas ka?"seryosong wika ni Dager

"Putangina, hindi ako papayag."bakas ang galit sa boses nito

"Hindi ka makaka-alis sa akin."mariin nitong sambit

"Sa akin ka lang."

"Hindi ako papayag na may ibang lalake pang humadlang sa pag-iibigan natin."

"Ako lang, ako lang ang Mahal mo maliwanag ba."wika ni Dager

Binuksan ni Dager ang maleta mo at pinaghahablot mga damit mo na nakalagay sa luob ng maleta mo saka pinagbabato ang mga ito kung saan-saan.

"Walang aalis."ma-awtoridad na wika nito

"Mahal anong ginagawa mo, bakit mo naman binato mga damit ko."wika mo

"Bakit ano sa tingin mo gagawin mo, hindi ba may balak kang tumakas?"seryosong wika ni Dager

"Mahal ano ka ba, hindi ako tatakas."pagdedepensa mo

"May hindi ba aalis, na may maleta at marami pang damit na nakalagay?"

"Kaya ko iniligay sa maleta ko yung mga damit ko kasi ano."wika mo at naghahanap ng maipapalusot kay Dager

"Kasi ano?"sigaw ni Dager

Napapitlag ka naman sa gulat dahil sa sigaw nito.

"Kasi balak kong lumipat sa kwarto mo, saka paano ko madadala lahat ng iyan kung hindi ako gagamit ng maleta diba?"palusot mong sambit

"Talaga Mahal?"malambing na tanong ni Dager

Tumango-tango ka naman dito.

"Hmm. Lilipat na sana ako kaso, kinalat mo lahat ng damit ko edi hindi na ako lilipat sa kwarto mo."wika mo pa

"Mahal sorry, ako na mag-iimpis ng mga damit mo ako na rin bahalang magdala sa kwarto ko ng mga damit mo."paghihingi ng pasensya ni Dager

Niyakap ka nito ng mahigpit yung tipong ayaw ka nitong pakawalan.

"I love you Mahal ko."malambing na wika ni Dager

"I love you too Mahal ko."malambing rin na sagot mo

"Putangina, lalo ko lang pinalala ang lahat!"wika mo sa sarili

Napapikit ka ng mariin dahil sa mga salitang binitawan mo kay Dager.

"Mabuti nalang hindi na sya naghinala pa dahil balak kong tumakas talaga."

"Pero wala na talaga akong takas sa kanya."

"Wala narin akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya, siya lang ito nababaliw na sa akin."

"Ang lalakeng ito, nababaliw na talaga sya."wika mo sa sarili

To be continued.

MY BOYFRIEND IS A KILLER Where stories live. Discover now