TRES

12 2 0
                                    

𝗧𝗥𝗘𝗦

KEISHA POV

Kinaumagahan nagpag-desisyonan mong umuwi na sa inyong bahay dahil baka hinahanap kana ng parents mo.

Pagkatung-tong na pagka tung-tong mo palang sa harap ng pintuan sa bahay nyo ay tila kinakabahan ka.

Tok! Tok! Tok!

“Sandali lang.”

Kumatok ka sa pinto at narinig mo ang boses ng iyong Ina.

Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ay tila nagulat ang iyong Ina ng makita ka.

Isang malakas na sampal ang iyong natanggap mula rito.

“Saan ka galing.”galit na saad nito

Mababakas sa tono ng pananalita nito ang galit na may halong pag-aalala.

“Kaninong damit yan?”

“Bakit hindi ka umuwi sa bahay kagabi?”

Sunod-sunod na tanong ng iyong Ina at ikaw naman hindi alam kung ano ang unang sasagutin sa tanong nito.

“Ma, muntik na akong magahasa.”naiiyak na sambit mo

“Pinagloloko mo ba ako, Keisha?”galit na saad ng Mama mo

“Ma? hindi kayo naniniwala sakin!”

“Nagsasabi ako ng totoo Ma.”

Pumasok sa loob ng kwarto mo ang iyong Ina at pinagbabato sayo ang mga damit mo.

“Lumayas ka sa pamamahay ko.”galit na sigaw nito

“Huwag ka ng babalik dito.”

“Lumayas ka sa harapan ko.”

Naiiyak kang napaupo sa sahig at pinagpupulot ang mga nakakalat mong mga damit.

Inilagay mo ito sa malaking bag, habang ang iyong Ina ay pinagbabato parin ang mga damit mo.

“Anong nangyayari dito?”wika ng iyong Ama

“Mahal, bakit nakakalat mga damit ni Keisha?”tanong nito sa kanyang asawa

“Keisha Anak, saan ka pupunta?”tawag ng Papa mo

Lumabas kana sa bahay nyo dahil hindi muna kayang harapin pa parents mo.

“Bakit?”

“Bakit hindi sila naniniwala sakin.”

“Totoo sinasabi ko muntik na akong magahasa.”

“Bakit hirap na hirap silang paniwalaan ako.”

Umiiyak na sambit mo sa iyong sarili.

Lakad ka lang ng lakad at hindi mo alam kung saan ka pupunta, at kung saan ka matutulog.

Naisip mong puntahan ang lalakeng tumulong sayo, pumunta ka sa kanyang bahay para humingi ng tulong at maki-usap.

_

Tok! Tok! Tok!

Katok mo sa pinto.

Ilang saglit lang ay bumukas na ito at bumungad ang lalakeng topless habang nagpupunas ng kanyang buhok na basa.

Nakatingin lang ito ng diretso sayo, napatingin rin ito sa bag na dala mo.

“Anong maipaglilikod ko sayo binibini?”wika ni Dager

“Uhm, nakakahiya pero pwede bang humingi ng favor?”wika mo kay Dager

“Ano yon?”tanong nito

“Pwedeng makitulog dito sa bahay mo, huwag kang mag-alala babayaran ko naman pagtira ko dito?”mahabang wika mo

Inilapit ni Dager ang mukha nya sayo saka ito nagsalita.

“Okay.”maiksi nitong sagot

“Pero ibang bayad gusto ko, siguraduhin mong mapaliligaya mo ko ah.”nakangiting wika ni Dager

Napayakap ka naman sa iyong katawan.

“HAHAHA!”

Kitang kita mo ang dimple nito sa magkabilang pisngi habang tumatawa ang lalake.

“Anong iniisip mo HAHAHA.”natatawang wika ni Dager

“Pasok na Keisha, tara ipapakita ko sayo magiging kwarto mo.”wika ni Dager

Sumunod ka nalang sinabi ni Dager.

“Dager, thank you ah.”wika mo kay Dager

“Wag kang mag thank you, paparamihin ko utang mo sakin para *****************!”

Hindi muna maintindihan ang sinasabi ni Dager dahil pabulong nya itong winika.

To be continued.

MY BOYFRIEND IS A KILLER Where stories live. Discover now