My Forbidden Love (32)

339 26 0
                                    


CHAPTER 32






Dayana's POV



Maaga akong nagising dahil sa pagtawag ng sekretarya ko sa Puerto Rico. At dahil di na ako makatulog pa ay tuluyan na akong bumangon at tumungo na ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo bago pumunta ng kusina para magluto ng breakfast naming tatlo.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naririnig ko sina Glen at Carlo na nagtatawanan sa kusina. Kaya agad na akong naglakad palabas. Kahit na nasa 2nd floor ka pa lang ay makikita mo na agad ang kusina at ang dining area. Nang sinilip ko silang dalawa ay laking gulat ko nang makita kong nakayakap si Carlo kay Glen at hinahalikan siya nito sa leeg niya.

Di ako makapaniwala sa aking nakikita. Lalo pa akong nagulat nang humarap na si Glen at hinalik halikan na siya ni Carlo sa labi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.





"May relasyon si Carlo at Glen? Akala ko ba si Mike ang boyfriend niya? Eh ano itong nakikita ko ngayon?" agad kong tanong sa aking isipan. Di muna ako bumaba ng hagdan at pinagmasdan ko muna ang kanilang ginagawa hanggang sa narinig ko ang usapan nilang dalawa.





"Kuya? Pa'no kung isang araw malaman ni Mommy yung tungkol sa relasyon nating dalawa?" tanong ni Glen habang magkayakap silang dalawa ni Carlo.





"Huwag kang mag alala baby, ako'ng bahala na haharap at magpaliwanag kay Ate. Hindi kita pababayaan. Ipaglalaban kita." sagot ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.





"I love you Kuya." sambit ni Glen habang nakikipag eye to eye ito kay Carlo.





"I love you more baby!" sagot ni Carlo sabay halik niya sa noo ni Glen at niyakap siya nang mahigpit.





Natulala ako sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanila o mandidiri. Gustung gusto ko na silang sugurin at sigawan at sumbatan sa kanilang ginagawa pero hindi ko kayang saktan ang damdamin ng aking anak na si Glen. Pero habang pinapanood ko silang dalawa ay nakita ko kung paano pahalagahan ni Carlo ang kanyang pamangkin at ganun din si Glen sa kanyang Tito. Tumulo yung luha ko nang makita ko kung gaano sila kasaya na dalawa sa kanilang ginagawa.

Kaya imbis na ikagalit ko yung relasyon nilang dalawa ay inunawa ko na lang ang kanilang nararamdaman, lalong lalo na si Glen. Kasi naisip ko kung ilalayo ko siya kay Carlo, hindi naman siya magiging masaya. Baka nga iyon pa ang magiging dahilan na lumayo ang loob ni Glen sa akin at baka magkaroon pa siya ng depression at ayokong mangyari yan sa nag iisa kong anak. Kaya kahit sobrang labag sa kalooban ko ang nakikita ko ay tinanggap ko nalang ito nang maluwag sa aking dibdib. Bumalik muna ako ng aking kwarto para mag ayos kasi baka mahalata nilang dalawa na umiyak ako. Bago ako lumabas ulit ng kwarto ay kinuha ko muna ang picture frame ng aking asawa at tinitigan ito.





Jose Alejandro Gabriel Palacios Lopez... Ayan kumpletong pangalan mo na ang binanggit ko ha?? Mahal, I'm really sorry sa magiging desisyon ko sa ating nag iisang anak ha. Sana mapatawad mo ako sa pag kunsinte ko sa ginagawa nila. Pero gusto ko lang naman na maging masaya ang ating anak. Ayoko siyang diktahan sa kanyang nararamdaman. Huwag kang mag alala mahal, gagabayan ko silang dalawa. pakipag usap ko sa litrato ng namayapa kong asawa.





Pagkatapos kong mag ayos ulit at makipag usap sa litrato ni Gabriel ay agad na akong bumaba ng hagdan at tumungo sa dining area. Napangiti ako nang makita kong napakasaya nilang dalawa habang kumakain kaya agad na akong nagsalita. Medyo nagulat pa nga sila nang maabutan ko pa silang nagsusubuan pero di na ako nag react pa.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant