Chapter 25

341 15 0
                                    

[ Hilaga ]

" Heyy ahmm, can we talk? " Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Miss Akiera Raixen,

" Po? Anong pong pag uusapan natin? " Tanong ko dito na naka kunot ang noo,

Nasa labas na ako ng LFU ngayon, wala si Jam ewan asan yun, tinatawagan ko hindi sumasagot kaya magj-jeep ako ngayon,

" Just some matters. " Sagot niya sakin, naguguluhan man ay sumabay nadin ako,

Binuksan niya yung upuan katabi ng driver's seat tsaka naman ako pumasok at siya nadin ang nagsara nito, umikot naman siya para tumungo sa driver's seat,

One thing I notice to them is kahit ang yaman na nila wala silang personal driver, and also iilan lang mga maids nila,

I remember again yung nangyare sa office ni Miss Alvarez, napasarap tulog ko kaya ayun ala una na ako nakabangon,

Dali dali pa akong lumabas sa kwarto nun nung malaman na ala una na only to see Miss Alvarez busy on her laptop sa table niya,

Magpapa alam pa sana ako ng sabihin niyang excuse na daw ako sa klase ko,

Nagbigay daw siya ng excuse letter saying im sick even if im fine..

Naghintay nalang akong matapos ang isang oras bago lumabas na talaga sa office niya, doon na din ako nananghalian sapagkat napilit ako,

Oo tama, sa cafeteria nalang sana ako nun ng sinabi ni Miss na may mga pagkain na daw sa loob, tatanggi pa sana ako ng sabihin niyang hindi padin siya kumakain at hinintay akong magising,

Wala na akong nagawa kasi kargo de konsensya ko naman yun, pero naguguluhan padin ako

Pwede namang mauna siyang kumain eh, bat niya pa ako hinintay?

" Heyy.. " bigla akong napabalik sa kasalukuyan ng may tumapik sa pisngi ko,

Tumingin pako sa labas, nakahinto ang kotse,

Tumingin ako kay Miss Akiera na nag aalala ang mata ngayon, ha?

" Po? " Wala sa sariling tanong ko,

" I'm talking to you but seems you're in other dimension. " Sagot niya sakin,

" Sorry po, iniisip ko lang po yung mga projects and assignments sa school.. " hingi ko ng paumanhin,

Tumango lang naman siya at nagsimula ng magdrive ulit,

" San po tayo pupunta? " Tanong ko, hindi kasi ako pamilyar sa daang tinatahak namin ngayon,

Sa Holfera lang ako gumagala at sa village namin, dun lang,

" Raixen Sanctuary. " Sagot niya na nakapagpatingin sakin sa kanya na gulat,

" Ano pong gagawin natin dun? " Kabang tanong ko,

Alam ng lahat kung ano at sino ang andun sa sanctuary ng mga Raixen, at kapag nakapunta ka dun, hinding hindi kana makakabalik o makakalabas pa,

" Don't worry, you're not a prey, you're a family. " May binulong siya sa huli na diko alam,

Ano namang hindi daw ako kalaban?

Hindi nalang ako nagsalita, dapat ba akong magtiwala sa kanya? Sa taong kakakilala ko lang?

Magaan din naman ang loob ko sa kanya, I sighed,

Tiwala Hilaga at makakalabas ka rin dito.... Ng Buhay.

Sa di kalayuan ay tanaw ko na ang isang puting gate, at sa bawat gilid ng daan ay naglalakihang mga puno na may mga bulaklak sa palibot nito,

Parang yung sa rest house nila sa Holfera, if you remember yung pinagtatrabahoan ni Manang Lucia,

Bed Of Roses • La Fuentes University [ Completed ]Where stories live. Discover now