Chapter 33

323 17 0
                                    

[ Hilaga ]

" Miss san tayo pupunta? " Tanong ko sa propesorang seryoso lang na nagmamaneho ngayon,

After she drags me out of that cafe ay basta basta niya lang ako pinasok sa sasakyan niya at ngayon papunta kami sa diko alam na lugar

" Something important huh. " Napamaang naman ako sa sinabi niya

Langya,

" Sabi ko naman po kasama ko– " she cuts me off, I just sighed

" You're with that girl. Next time if you'll just gonna reason out make sure it is real. " Pagputol niya sakin,

" Eh totoo naman eh.. " sabi ko at napasandal nalang sa upuan at nag crossed arms

" just shut your mouth. " Sabi niya,

Hindi nalang ako sumagot at tumingin tingin nalang sa labas

" Miss san napo tayo? " Pabalik kong tanong, eh sa baka isalvage ako ni miss noe

" Kung balak niyo po akong isalvage pwede po last wish? I want to eat Ginataang Palaka.. " sabi ko at tumingin sa kanya

Bigla naman umalog ulo ko, gosh bigla kasi pumreno ehhh

Buti naka seat belt ako

" Nu ba yan miss, pabigla bigla ka nalang look oh buti nalang may seat belt.. " I said at tinuro pa ang seat belt like a child habang nakatingin sa kanya

Matalim lang siyang nakatingin sakin while frowning

" You want to eat what? " Tanong niya, nabigla ba siya dahil dun sa ginataang palaka? Masarap kaya yun balita ko lang

" Ginataang Palaka po? " Hindi ko siguradong sagot

You're acting like a kid North

Wehh? Ayy naku ewan sa kanya lang toh, pag kina ate kasi iba rin

" You like to eat a freaking hell frog? " Ay grabe mag mura miss ah, pero oo I find it challenging and exciting

" Sabi kasi nila masarap daw yun, yung palakang bukid ba yun.. " sabi ko at nag act na nag iisip

I badly want to taste it

" You freakin what? What's with you? " Lalong kumunot yung noo niya, hihi naiinis na yan

" Sa probinsya po yun natitikman, hmm masabi nga kina ate na gagala kami sa probinsyang may ganun.. " sabi ko at tiningnan siya

She just rolled her eyes at me at nagsimula na ulit mag drive

" Stating nonsense again. " Sabi niya, aba non sense daw eh gutom lang naman ako

Tiningnan ko na lang yung phone ko to see the time, hella 6pm na yan, ilang oras ba kami bumyahe?

" Miss gutom na ako.. " sabi at nag pout habang hinihimas himas ang tiyan, that's for real

Nasanay kasi akong 5pm kumakain sa Spain

" Eat your saliva. " Sabi niya na nakapag pout lalo sakin, walanghiya tong kidnapper nato

Ito lang ata yung kidnapper na pilosopa at maldita pero maganda...

Aaminin ko namang maganda si Miss, kaso red flaggggg!!!! Tapos maldita pa!!!! Pero mabait yan oo, siguro? Mga 0.001% lang hehe atleast mabait pa din

Tumingin nalang ulit ako sa labas only to see we are in a city na hindi ko alam

Nilibot ko naman ang tingin baka may makita ako kung nasa kami,

" Batangas.. " sabi ko, ngii ang layo na neto ahh

Bed Of Roses • La Fuentes University [ Completed ]Where stories live. Discover now