CHAPTER 10

153 7 0
                                    

Louise Bautista

Nandito kami Ngayon ni Tyler sa Isang cafe. Magkaharap kaming nakaupo. Bakas sa kanya Ang pagkahiya sa nangyari kagabi. Ang totoo niyan, Wala Naman siya dapat ikahiya don Kasi yun lang Naman Ang gusto niyang itanong sa'kin naiintindihan ko kung bakit Niya nagawa yon. Kung tutuusin nga dapat Ako pa Ang mahiya dahil sa ginawa ko noon. Di manlang Ako nag paalam at nag pakita sa kanila. Kaya kung ano man yung saloobin na nailabas ni Tyler kagabi normal lang yon. Deserve Niya Naman talagang Malaman.

At kung mag tatanong kayo kung bakit Ako pumayag na mag coffee kasama siya Kasi gusto ko rin makabawi sa kanya. Kahit Dito manlang mapagaan ko Ang loob Niya Kasi ilang years niyang dinamdam yung ginawa ko. Sinaktan ko siya Ng ilang years. Napaka heartless Naman kung mawawalan lang Ako Ng pake. Naging kaibigan ko Naman siya dati, may pinagsamahan din kami, bakit Hindi ko maisipan Hindi siya gawan Ng mabuti at maging mabait uli sa kanya? I mean. Bakit pa nga ba Ako magagalit? Ano pa nga ba Ang dahilan para iwasan ko siya?

Matagal na yon, bakit ko pa babalikan? Hindi ba? Bigla ko lang naisip. Ano pa nga bang sense kung iiwasan ko siya at mag iinarte Akong Makita siya? Bakit Hindi Ako mag focus Ngayon? Sa present? Ngayon na malalaki na kami. Siguro Naman iba ang Tyler Ngayon sa Tyler noon.
Bakit Hindi ko siya pag bigyan Ngayon na makabawi sa nagawa nya rin sa'kin before?

Baka siguro ito na yung chance. Siguro tinadhana talaga 'to para maayos na, para maging okay na uli kami, at para magkalinawan na rin. Baka ito na yung chance para masabi namin yung saloobin Ng isa't Isa. Baka pinagmeet uli kami Hindi para guluhin Ang mga buhay namin, kundi para pag ayusin kami uli.

"Kamusta ka na Louie?" Tanong Niya.

Napangiti Ako Ng Malaki. "I think, it's been two to three weeks na simula nang magkita ulit tayo, Ngayon mo lang Ako kinamusta." Natatawa Kong Sabi. Natawa rin siya.

Tinawanan namin ang isa't Isa.

Lumanghap Ako Ng malalim. "I'm okay. I'm happy, Lalo na sa trabaho ko tsaka Masaya Ako Kay Kevin, Masaya kami." Sabi ko. Ngumiti siya at tumango-tango

Sumeryoso Ako. "Ikaw, Ang tagal din natin Hindi nag kita, kamusta ka?" Siya Naman Ang tinanong ko.

"I'm doing good. Nag stay Ako Dito dahil sa work ko, Sila mama naman nasa province na." Pag babahagi Niya.

"So, mag isa ka lang talaga Dito?" Paniniguro Kong tanong

"Yes." Sagot Niya.

Mag Isa lang pala siya Dito, Buti at kinaibigan Pala siya ni Kevin. Mabuti at may nakakausap na rin siya. Ang lungkot naman kung ganong Wala siyang kaibigan Dito sa syudad.

"About Doon sa nangyari kagabi, huwag mo nang isipin yon Tyler. Ayos lang sa'kin yon, actually kahit Hindi mo Naman Ako ayain mag coffee Ngayon, Hindi Naman magiging Kaso sa'kin yung pag hatid sayo sa unit mo." Sabi ko sa kanya. Alam ko kasing Hindi pa rin siya napapanatag.

Bahagya lang siyang tumango at natahimik kami. Maya-maya nag salita uli siya.

"Pero kung itatanong ko ba uli sayo yung tinanong ko kagabi, masasagot mo na ba ko?"

Biglang kumirot Ang puso ko. Heto na, mararamdaman ko na Naman yung sakit. Napayuko Ako Ng bahagya. Hindi agad Ako nakakibo.

"So, bakit Louie? Bakit Hindi mo sinabi sa'min? O sa akin man lang?" Pagpapatuloy Niya sa Tanong

Lumanghap Ako Ng malalim at ibunuga rin iyon Ng mabigat. Tumingin Ako sa gilid Kasi Doon kami nakapwesto sa may transparent window. "Mahirap Tyler, mahirap para sa'kin na sabihin pa sa inyo Ang pag Alis ko." Hinarap ko na siya. "Hindi ko kayang Sabihin sa inyo. Pakiramdam ko, mas mahihirapan Akong makaalis kung gugustuhin ko pang Makita ko kayo Kasi alam ko, pag Nakita ko kayo, iiyak lang Ako. Pagod na Kong umiyak non." Gumaralgal nag boses ko dahil humapdi na Ang mata ko. "Kung nasaktan kayo, nasaktan din Ako. Mas nasaktan Ako Kasi Ako yung lalayo sa inyo." Tumulo na Ang luha ko. Agad ko iyon pinahid.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now