Chapter 24

38.3K 804 18
                                    

Order published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.


Chapter 24

Naging masaya ang relasyon namin ni Ethan sa mga lumipas na buwan. Hindi niya ako pinipilit na magpakilala sa mga magulang niya. Inintindi niya ang rason kong hindi pa ako handa dahil gusto ko munang makapagtapos.

Hindi ko na rin nailihim pa kung bakit gusto ko munang humantong sa ganoong sitwasyon bago ang lahat. He knows what my father went through with my mother's family.

Siniguro niyang mabait ang pamilya niya at hindi ko kailanman dadanasin ang ganoon pero hindi no'n nabago ang desisyon ko. Wala akong ideya sa pamilya niya. Alam kong matataqas silang tao dahil na rin sa estado ni Ethan. His wealth, power and social status are what makes me worry about them.

Bihira sa mga taong mataas ang antas sa buhay ang mababait. Ayaw kong dumating sa punto na ayawan nila ako dahil nag-aaral pa lang ako. Kapag nakapagtapos na ako, iyon man lang ay maipagmalaki ko.

"Sabi nga po ni Mama ko, baka hindi na po ako makapag-aral sa susunod na taon kasi hindi niya na po talaga kaya."

Nilingon ko si Eris, isa sa mga estudyante ko. Nakasabay ko siya kanina sa gate papasok. Mabait siyang bata at active rin sa klase. Masaya at bibo kung tutuusin. Hindi ko akalain na sa kabila noon ay may suliranin siyang dinadala sa araw-araw.

"Ilan ba kayong magkakapatid, Eris? At saka, ano ang trabaho ng Mama mo?"

"Isa po siyang pokpok, ma'am."

Nasamid ako sa iniinom na tubig dahil sa naging sagot niya. Huminto ako sa paglalakad at nanglalaki ang mga mata siyang binalingan. She stopped from walking, too. Binalingan niya ako at binigyan ng nagtatakang tingin.

"Bakit po, ma'am?"

Alanganin akong natawa. "Huwag mo naman sana tawagin sa ganoong paraan ang nanay mo, Eris. Puwede mong sabihin na sa isang bar siya nagtatrabaho."

"Ma'am, iyon naman po talaga ang tawag sa trabaho niya. Iba-iba pong lalaki at ang sabi ng kapitbahay namin, nakita niya daw po itong may kahalikan na matanda. Pokpok daw po ang tawag doon."

Anim na taon pa lang si Eris pero mulat na siya sa mga ganoong pangyayari sa buhay. I don't know how would she be able to enjoy his childhood knowing that her mother works that way.

Sabi nila walang masama sa pagtatrabaho sa ganoong klase ng lugar hangga't wala ka namang ginagawang mali. Pero ang pagbebenta ng sarili... hindi ba at masama iyon?

"Paano ang kinabukasan mo kung hindi ka na mag-aaral, Eris? Kung ganiyan ang trabaho ng mama mo, hindi ba at mas kailangan mong magpursigi dahil dadating ang panahon, ikaw ang mag-aalis sa kaniya sa putikan."

Hindi siya sumagot. Inosente niya akong tinitigan sa mga mata na para bang pilit niyang iniintindi ang mga sinabi ko, para bang sinusubukan niyang itatak sa isip niya para maging inspirasyon niyang magsikap.

"Paano po ako gaganahan mag-aral kung palagi pong kumakalam ang sikmura ko, Ma'am Fatima?"

Natahimik ako. Bago niya pa man ako talikuran ay napansin ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Pinanood ko siyang maglakad papunta sa classroom. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Ako man noon ay pumapasok rin sa klase ng gutom.

Marahil, ang kaibahan lang namin ni Eris ay matibay ang loob ko. Na kahit nanghihina na ang tuhod sa gutom, magpapatuloy pa rin dahil sa kagustuhang makaahon sa hirap.

My eyes blinked repeatedly when I saw Royce walking across my way. Tiningnan ko siya ngunit diretso lang ang atensyon ng mga mata niya at tila ba walang nakikita. Tila ba hindi niya ako nakikita.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now