Chapter 48

29.3K 610 37
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 48

I haven't seen Ethan for the past days. Ilang araw rin kasing nagtitigil si Oliver sa bahay at walang dahilan para makalabas ako.

Whenever I had the chance and I was alone, I sent him messages to tell him that Felize and I were fine. Ayaw kong mag-alala siya sa tuwing hindi ko magagawang magparamdam sa kaniya.

Minsan, iniisip kong kahit pa hindi na ako tuluyang makaalala ay ayos na rin. I wanted to remember everything about my life with Ethan, or how much I loved him before. Pero sa tingin ko, hindi na rin kailangan.

With or without those memories back, I'm starting to have feelings for him. Sa ilang sandali na nagkakasama kami, nakakamangha na nagkaroon kaagad ako ng nararamdaman para sa kaniya.

Maybe it's because it's not hard to fall in love with him? O, maaaring hindi naman talaga siya nagawang kalimutang ng puso ko sa kabila ng lahat ng nangyari.

"How do you find Madrid so far?"

Nilingon ko si Oliver. We were both sitting on the chair at the terrace of our apartment. Felize was playing in the small backyard.  Papalubog na ang araw, ang langit ay kulay kahel na. Tumatama iyon sa aming balat.

For some reason, I find the moment peaceful despite the chaos in my head. Na kahit pa isang kaaway si Oliver, o Royce katulad ng sinasabi ni Ethan, hindi ko siya magawang itrato sa ganoong paraan dahil na rin sa naging kabutihan niya sa amin ni Felize.

"Maayos naman. Nagugustuhan ko na rin ang lugar." sagot ko.

He surely has taken my freedom away. Inilayo niya ako sa tunay kong asawa, maging ang anak namin. But at this point, I think what only matters is he let us live despite living in the bubble of lies. Binigyan niya si Felize ng maayos na buhay, itinuring na parang anak kahit pa alam niyang anak ito ng kaaway.

Bilang isang ina, sa tingin ko ay iyon lang naman ang mahalaga.

"This is a memorable place for me," aniya sa mababang boses. "This is where most of my childhood happened. Sa tuwing nandito ako sa bansang ito, nawawala ang lahat ng problema. Para bang nagagawa nitong pawiin sa isang mabilis na sulyap lang sa siyudad."

Nilingon ko siya. He's seriously eyeing the sky above us. His eyes seem familiar but not. Para bang kilala ko siya na hindi.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang alalahanin ang mga eksena sa pagitan namin noon. Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik sa isip ko ang mga ala-ala.

"Sana pala ay hindi na tayo nagpalipat-lipat ng lugar at dito na lang nanirahan."

Bago ko pa maisip ang sinabi ay nabitiwan ko na ang mga salita. Hindi ko nagawang tumingin sa kaniya. Sana ay huwag niyang maisip na may ideya na ako kung bakit kami nagpapalipat-lipat ng bansa. Na ginagawa niya 'yon dahil natutunton kami ni Ethan.

"I know. It made me grow tired, too." aniya. "Hindi na tayo aalis dito, Frances. Time will pass by, things will happen, but I will surely remain and die in this country no matter what."

Hindi ko na napigilan pa ang lingunin siya. Sadness was playing in his eyes. Para bang napapagod na siya sa nangyayari ngayon. Maybe he's growing tired from keeping me away from the reality? Maaring napapagod na rin siya itago sa akin ang katotohanan.

Kung sakali ba, sasabihin niya na sa akin ang dapat ko malaman? Ethan said that this man was really obsessed with me. That he's been loving me for too long that he's wiling to do anything even if it costs him death.

Suarez Empire Series 3: The Devil's TouchWhere stories live. Discover now