𝐬𝐢𝐱

8 2 0
                                    

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

No school today ibig sabihin hindi ko makikita si Yeonjun, mabuti naman para matahimik naman ako. Ayaw ko talaga siya makita.

Pero kailangan ko nga palang pumasok ng trabaho. "Chat mo na lang ako pagtapos ka na Aki para sunduin na lang kita mamaya. Ingat!" kumaway na lang ako kay Mina at siya naman ay tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Pumasok na ako ng shop at nakita ko naman doon si Layla, katrabaho ko. "Good Morning." Bati niya, bumati na lang ako pabalik at ako na ang nanguna sa cashier.

Wala pang customer kaya parang break namin, binuksan ko muna ang cellphone ko dahil doon. Biglang tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Yeonjun. Paano nito nalaman ang phone number ko?

Sinagot ko na lang ito.

[ Akira | Yeonjun ]

"Problema mo?"

"Where are you?"

"Bakit?"

"Wanna go on a date?"

"Bakit? Para sundan si Lia?"

"How did you know?"

"Hula lang."

"So? Payag ka?"

"No."

"Bat naman hindi?"

"Basta, busy ako ngayon. Bye."

"Aki---"

Pinatay ko na lang ang tawag. "Sino yun? Boyfriend mo?" tanong ni Layla, pagkalabas niya ng kitchen. "Huh? Hindi ah. Ayaw kong magkajowa." sagot ko, tumaas naman ang kilay niya at tumango na lang kahit alam kong hindi siya naniniwala saakin.

Tumunog muli ang cellphone ko kaya mas lalo akong naiinis at tinignan ito. Mama. Si Mama pala. Sagutin ko kaya? pero baka ipagpilitan niya lang na bumalik ako sa bahay. Ayaw ko na. Sawa na'ko.

"Sagutin mo na, Aki. Mama mo na yan." saad ni Layla, napabuntong hininga na lang ako at pinindot ang red button at itinapat ko ang phone ko sa tenga ko.

[ Akira | Mama ]

"Anak..."

𝐟𝐚𝐤𝐞 𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 , 𝐜.𝐲𝐣 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon