𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐞

9 2 0
                                    

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

"What is it?" tanong ko sa Papa ko na kaharap ko ngayon, eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Ngayon ay malalaman na ni Yeonjun ang dahilan.

Nakakainis. "Galit ka pa rin ba?" tanong niya, napatingin naman ako sakanya at unti unting tumango. Hindi ko inakala na may kapatid pala ako sakanya.

"Sorry anak, sorry kung iniwan ko kayo ng mama mo." saad niya, nanatili akong tahimik. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko kaya kasi kahit anong gawin ko siya parin yung tatay ko.

"You left us. Sobrang sakit, Pa. Palibhasa hindi mo alam yung pinagdaanan namin ni Mama, lalo na ni Mama habang ikaw, eto. Maganda yung bahay." saad ko, pinipigilan kong pakawalan ang luha ko na unti na lang ay lalabas na.

"Alam ko kaya nga nung maka-ahon ahon ako ay hinanap kita at ang mama mo para sa ganon naman ay makabawi ako sayo, masustensahan kita. Sorry, anak. Sana mapatawad mo ako, promise, I will do anything para mapatawad mo lang ako. Mahal kita anak." saad niya, doon na tumulo ang luha ko.

All this time akala ko hindi ako mahal ng tatay ko pero nagkamali pala ako. Mahal niya ako, humikbi ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Akala ko hindi mo ako mahal. Akala ko kinalimutan mo na ako pero mali pala ako. Sinaktan ko lang ang sarili ko para mapaniwala ko ang sarili ko sa isa pa lang mali." saad ko, pinatahan naman ako ni Papa.

Kumalas naman kami sa yakap at ako naman ay tumahimik na at hindi na lang nagsalita.

"Pinapatawad mo na ba ako?" tanong ni Papa, tumingin naman ako sa mga mata niya. Malungkot ito at parang umaasa.

Siguro nga na dapat ko ng i-let go ang mga masasalamuot na nangyari sa buhay ko. Siguro eto na yung time na magpatawad para gumaan na muli ang nararamdaman ko.

Siguro eto na yung tamang panahon para itama ang lahat. Unti unti akong tumango at ngumiti. Si papa naman ay agad akong niyakap.

"Salamat, Anak. Salamat." saad niya, napatawa ako ng mahina at niyakap siya pabalik.

After a minute ay kumalas na din kami sa pagkakayakap. "Anak, may tanong ako." saad ni Papa, tumingin naman ako sakanya na nagtataka.

"Ano po yun?" tanong ko, ano naman kaya an gusto niyang itanong? "Jowa mo ba yung lalaking kasama mo dito?" tanong ni Papa, nagulat naman ako.

"Luh, hindi po. Magkaibigan lang po kami." sagot ko, pero nakita ko ang ngisi ni Papa. "Sigurado ka? Kasi ang nakikita ko ay may gusto ka sa taong yun at siya din ay may lihim na pagtingin sayo." saad ni Papa.

Si Yeonjun? Luh, may gusto yung iba. "Pa, magkaibigan lang kami." saad ko, tumaas naman ang kilay nito. "Iba ang nakikita ko anak. Umamin ka na." saad ni Papa, napa-buntong hininga na lamang ako.

"Gusto ko siya pero hindi ko alam kung gusto niya din ba 'ko. Ayaw kong umasa." saad ko, napangisi naman si Papa.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Papa, napangiti naman ako. "Choi Yeonjun po." saad ko, nagulat naman si Papa.

"Nga naman. Isang Choi, siguro siya ang anak ng business partner ko." saad ni Papa, napatawa naman ako. "Sige po, Pa. Uwi na po kaming dalawa." saad ko, tumango naman siya.

"Ingat kayong dalawa." saad ni Papa, tumango naman ako, niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.

-•-

"Ano nga palang pinag-usapan niyo ng Papa mo?" tanong ni Yeonjun pagkalabas namin ng bahay ni Papa. Ngumiti ako.

"Basta, about sa family ko." sagot ko, kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko. Feeling ko ay wala ng kulang dahil napatawad ko na siya at nakilala ko pa ang mga kapatid ko.

"May sasabihin nga pala ako sayo since nabuking na naman ako." saad ko, napakunot naman siya ng noo. "Don't worry, I trust you na katulad ni Kai." saad ko.

Napangiti naman siya. Tsaka ako nagsimulang magkwento sakanya at yung mga sinabi ko din kay Kai, masaya ako na nakikinig siya.

After no'n ay tahimik na uli ako. "I'm sorry, I didn't know na pinagdaanan mo yun tapos I just threatened you." saad niya, pareho kaming napatawa.

"Yeah. Sorry din kung hindi ko nasabi sayo. May trust issue kasi ako." saad ko, tumawa na lang siya ulit at tumango.

"Don't worry, walang makakalabas. Ang usapin natin ay secret lang." saad niya, napatango naman ako. "Thank you, then." sagot ko, ginulo niya na lang ang buhok ko.

Finally ay nakadating na din kami sa apartment ni Mina. "Gusto mo bang pumasok?" tanong ko kay Yeonjun, tumango naman siya.

Akala ko aayaw 'to, walang hiya pala ang isang 'to. Napatawa na lang ako. Binuksan ko na ang pinto at hindi ko inexpect ang makikita ko sa apartment ni Mina.

Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Paano nila nalaman ang apartment ni Mina? Ibig mo bang sabihin ay ― ? Omg wtf, andaming surprises naman ngayong araw hindi ko kineri.

"Ate!" sigaw ng kapatid ko bago ako mawalan ng malay dahil sa nangyari ngayon.

naramdaman ko na lang na may sumalo saakin. Hindi ko alam kung si Yeonjun ba 'to o kung sino na lang.

𝐟𝐚𝐤𝐞 𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 , 𝐜.𝐲𝐣 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon