𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐫

8 2 0
                                    

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko. Gagi, anong nangyari? Nakakahiya. "Hi Ate!" bati ni Allen kaya lumaki na naman ang mata ko.

"Allen? Ma? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko, pabalik balik sa kanila ang tingin ko tapos napatingin ako kay Mina ng wala sa oras.

"Anak, umalis na kami sa Tito Robert mo, na-realize ko na sumosobra na siya kaya umalis na kaming dalawa ng kapatid mo sa puder niya." sagot ni Mama, oh my gosh? Totoo ba 'to?

Totoo bang natauhan na si Mama? "Pwede ba muna kaming makitira dito?" tanong ni Mama at tumingin pa kay Mina.

"Ha? Tita siyempre naman po. Ayos lang po, basta kayo po ni Allen. For sure din naman po na gusto ni Aki na nandito kayo at siyempre para may mother figure din po ako hehe." sagot ni Mina, ngumiti naman si Mama.

"Sure ka, Mins?" tanong ko, tumango tango naman siya. "Oo naman parang others naman eh." saad pa ni Mina habang tumatawa.

Niyakap ko naman siya. "Thank you, Mins. Sobrang swerte ko sayo." saad ko, ngumiti naman siya. "Sobra nga. Chariz." saad niya at tumawa ulit.

Napatingin naman ako kay Yeonjun na nakaupo sa sofa. Kanina pa din tingin ng tingin si Allen sakanya. "Nandito ka pa din pala, hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?" tanong ko kay Yeonjun.

Ngumiti naman siya. "Yung mga gunggong na yun? Never. Haha. By the way, hinintay lang talaga kita magising tapos uuwi na din ako." saad niya, napangiti naman ako.

Gagi, ang gwapo. "Boyfriend ka ba ng anak ko?" tanong ni Mama bigla kaya lumaki ang mata ko at si Mina naman ay nakangisi tapos si Yeonjun ay namula hindi ko alam kung bakit.

"Ah, hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Aki." awkward na sagot ni Yeonjun, ouch. kaibigan. Ansaket, ang hirap mong mahalin yeonjun.

"Ay ganon? Mabuti naman at may mga kaibigan ng lalaki si Aki, una niyang dinala sa bahay ay si Kai. Nako, napakabait." saad ni Mama, nagulat naman si Yeonjun.

"Sige po, mauna na po ako." saad ni Yeonjun at tumayo tapos tumingin saakin. "Bye Aki, Bye Mins!" pagpapaalam ni Yeonjun, kumaway na lang ako sakanya.

"Thank you, Yeonj." bati ko, ngumiti na lang siya sa akin at eto na naman ang puso ko, napakalakas ng tibok. "Ingat ka, ijo." paalam ni Mama, tumango naman si Yeonjun at umalis na.

"Anong pangalan niya, Ate?" tanong ni Allen pagkalabas ni Yeonjun. "Choi Yeonjun." sagot ko, ngumisi naman siya.

"Bagay kayo." saad ni Allen, lumaki muli ang mata ko at nag-init ang mukha ko. Gagi talaga 'to.

"True, Allen. Apir." saad ni Mina at nag-apir pa sila, umirap na lang ako. "Nga pala, may sasabihin ako." pag-iiba ko ng topic.

"Ano yun?" tanong ni Mama, huminga muna ako ng malalim. "Nagkita kami ni Papa kanina." saad ko, si Mama ay nagulat.

"It turns out may kapatid pala ako sakanya. Nag-usap kami Ma, sabi niya babawi daw siya bilang ama. Pinatawad ko siya para mawala na yung sakit and after that, I just feel complete." saad ko na may ngiti sa labi, tinignan ko naman sila.

Si Mama ay naluluha habang si Mina naman ay proud na ngiti at si Allen, well naguguluhan siya.

"Mabuti naman, anak. Mabuti naman na napatawad mo siya. Hindi ka na matatakot magmahal." saad ni Mama, may tumulo naman na luha sa mata ko.

"Tita, inlababo na po yang anak niyo eh." nagulat ako sa sinabi ni Mina at si Mama naman ay nagulat. "Na'ko, sino ang maswerteng lalaki na yan anak?" tanong ni Mama.

Kinurot ko naman ng palihim si Mina at umirap sakanya habang siya ay natatawa na lang.

Napa-buga ako ng hangin at umirap. "Si Yeonjun ma." saad ko, mas lalong nagulat si Mama at si Allen ay nagulat din.

"Sabi na nga ba!" sigaw ni Allen habang nagdidiwang, si Mama naman ay nakangiti at naluluha pa. "I'm so proud of you, anak." niyakap ako ni Mama at ako naman ay todo ang ngiti ko.

Sa wakas, malaya na ako. Pwede na'kong umibig. Pwede na akong umamin kay Yeonjun kaso natatakot ako na hindi kami mutual feelings lalo na inamin niya sakin na may iba na siyang gusto.

Napaisip tuloy ako kung sino ang maswerteng tao na yun at napa-ibig niya si Yeonjun.

Masasaktan na naman ba ako ulit? Pero kailangan kong i-try, aamin na ako sakanya bukas kaya wish me luck. Whoo!

Kaya mo yan Hwang Akira, nalagpasan mo nga ang lahat ng pagsubok eh, eto pa kaya?

Nothing is impossible because Everything is possible, chariz. Hehe. Kaya ko 'to.

Good Luck Hwang Akira, let's go! Sana magustuhan mo din ako Choi Yeonjun. Chariz, hindi ako aasa. Ang boring ng walang thrill.

Sana i-reject mo 'ko.

Baliw na ata ako.

𝐟𝐚𝐤𝐞 𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 , 𝐜.𝐲𝐣 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon