Chapter Four

299 13 0
                                    


NAPATITIG si Francis nang marahan kay Francheska habang nagsasayaw ito sa gitna kasama ang kaibigan nito na si Lalaine. Hindi pa rin siya makahuma sa sinabi ng dalaga sa kanya kanina. Gusto niya sanang ipaulit pero kaagad na umatras si Francheska at iniwasan na siyang muli nito. He was too stunned to speak up. Gusto niyang tanungin kung seryoso ba ito sa kanya. He wanted to make sure of that.

"Dance with her," anang Lalaine na hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. "Hindi ka makakabawi kung hindi ka gagalaw," dagdag pa nito.

Sinabihan niya si Lalaine tungkol sa nangyari sa kanila ni Francheska kahit hindi naman niya sinasadya ang mga nangyari noon sa kanila. Ilang beses naman niya sinubukang makausap si Francheska noon pero bigla na lamang itong umalis.

Nagbitaw nang isang malalim na buntong-hininga si Francis. "Lasing na siya, Lalaine. I guess she needs go home." wika niya rito.

Binalingan nila ng tingin si Francheska. Nakita niyang naghe-headbang na ito sa gitna ng dance floor. Gusto niya matawa dahil naaliw siya dalaga. Isa itong respetadong tao sa trabaho nito pero ngayon ay para itong batang nagsasayaw sa harap ng maraming tao.

The crowd was cheering her when Francheska twerked and grinded. Humagalpak ng tawa si Lalaine sa kaibigan nito. Si Francis naman ay kaagad na tumayo sa kinauupuan para kunin si Francheska.

"Still the same Francheska," aniya nang makalapit na siya dalaga. He held her waist and whispered into her ear. "Francheska, we need to go home."

Napapitlag ang dalaga at nag-angat ng tingin sa kanya. Akala niya ay manenermon na naman ito bagkus ay humarap ang dalaga sa kanya at walang abog na yinakap siya nito. Narinig niya ang pagsinghap ng mga tauhan ni Lalaine sa kanila. Francis was too stunned to speak. Inalalayan niya lamang ang dalaga dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan na lamang ito.

But he felt something inside when he felt her skin on him. He felt the sudden urge to kiss this woman who was clinging on her. Nakapikit ang mga mata ni Francheska habang nangunyapit sa kanyang leeg. He looked away.

"I--I'll drive you home," bulong niya kay Francheska. Mahinang tumango ang dalaga.

"As long as you won't ditch me again," ganting bulong nito.

Nabigla siya sa namutawi sa bibig ni Francheska. She still didnt forget what happened two years ago. Parang naging malalim ang sugat na naibigay niya sa dalaga.

Binuhat niya si Francheska at nagpaalam na siya kay Lalaine. Lalaine just nodded her head. Hindi naman nag-atubili si Cheska at nangunyapit ito sa leeg niya. Francis didn't mind the questioning gaze from Lalaine's staff.

Dumiritso siya sa parking area ng hotel at nang makita niya kung saan nakaparada ang kotse niya ay agad niyang binuksan ang shot gun seat para maipwesto nang maayos si Cheska. Cheska was already snoring. Hindi niya napigilan na mapangiti sa dalaga. Kahit noon pa man ay natutuwa na talaga siya rito pero kailangan niya iyong pigilan. He didn't want his abuela to get the wrong idea. Ayaw niyang bigyan kahulugan ng kanyang abuela ang lahat. He knew that his abuela was planning to pair him with Francheska.

"D--Do you really have to do that?" Francheska suddenly spoke. He was astounded. He was fixing her seatbelt for her. Napatingin siya sa mukha ni Francheska. Nakapikit ang mga mata nito. She was just sleep talking. "That hurts like hell, Francis. Do you really have to hurt me that way?" she asked again.

Napatikhim si Francis at isinara ang pinto ng koste. Umikot siya para pumwesto sa driver seat. Francheska's head was just at the side, but she kept on murmuring.

Nasaktan ko ba talaga siya noon? Napahiya ko ba talaga si Francheska?

Francis asked himself repeatedly. He just let out a deep sigh and drove his car as fast as he could.

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon