Chapter Fourteen

345 12 1
                                    



KUNG ibang pagkakataon lamang ay alam niyang magagalit siya sa kanyang Mommy pero ngayon ay hindi siya makaramdam ng galit. Her mother was just looking at her while she was weeping. Iyong Mommy niya ay hinahapuhap ang kanyang likuran. Right after she had a conversation with Francis, she immediately travelled to her mother's place. Gusto niyang malinawan tungkol sa naging plano nila ng abuela ni Francis.

"Anak... that was just a joke. Hindi ko alam na sineryoso iyon ng abuela ni Francis," anang kanyang Mommy habang patuloy sa paghimas-himas sa kanyang likuran.

"Ma, sana sinabihan mo ako," ungot niya pa.

"Hindi ko naman kasi alam na seryoso ang lola ni Francis, anak."

"You could have at least warn me, My. Hindi iyong inaakusahan ko ng kung ano-ano nalang ang inaakusa ko kay Francis. I thought he followed me on that island just to obey his abuela's demand."

Huminga nang malalim ang ina ni Cheska at iniayos siya ng upo. "Iyon na 'nga iyong pinagtataka namin, anak. Sabi ng abuela ni Francis na papunta ka raw ng Malapascua Island. I was really startled when she had someone followed you. Galit na galit ang apo niya. Mas galit pa sa akin na ako iyong nanay mo," mahinang tumawa ang Mommy ni Cheska. Puno ng mga luha ang kanyang mga mata habang nakatunghay sa kanyang Mommy. "I was really surprised. Hindi namin alam na sinundan ka pala niya. That resort where you stayed was on the verge of closing but Francis saved it. He saved it because of you."

"Mommy..."

Napabuga ng hangin si Cheska dahil pakiramdam niya ay gumaan ang kanyang dibdib nang makausap na niya ang kanyang Mommy. Pero bigla siyang natigilan nang may maalala,

"My, paano mo alam ang mga bagay na 'to?" she asked her curiosly.

Nag-iwas ng tingin ang kanyang Mommy sa kanya. "Ano e..."

"My--"

"Okay, sinakyan ko nalang ang investigator na hinire ng abuela ni Francis." Tila guilty nitong pag-amin sa kanya.

Napanguso siya at mahinang tinampal ang kamay ng kanyang Mommy. "Mommy hindi bagay sa iyo ang maging matchmaker." biro niya rito.

Natawa lamang ang kanyang Mommy at hinila siya para yakapin nang mahigpit. "Gusto ko ng magkaapo, Cheska."

She groaned but her mother just laughed harder.

FRANCIS went to his office after he had an encounter with Francheska . Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanya at naisipan niyang puntahan ang coffee shop kung saan tumatambay si Francheska. He just became curious about what his abuela said. Gusto niyang malaman kung mas masaya ba talaga si Franheska na wala siya. It was really bugging him that's he ask from Lalaine to give him report about Francheska

"Where have you been, Asis?" tanong ni Ruche sa kanya. Hindi niya namalayan na nasa opisina na pala niya ang pinsan niya. Tumawag ito sa kanya kanina dahil gusto nitong makipag-usap. Hindi niya alam tungkol saan.

"What do you need, Ruche?" he asked her as he sat on his couch. "May kailangan ka ba? Is this about the Francheska."

Tumayo si Ruche at tumabi sa kanya sa couch. Ruche leaned her head on his shoulder. "Asis, I know you check on her," malumanay na saad ni Ruche.

Huminga siya nang malalim at nilaro-laro ang buhok ng kanyang pinsan. Ruche knew about what happened to him the moment she left Francheska on that coffee shop. Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kanila lalo na kay Francheska. "I just want to see her. I missed her,"

Adler's Legacy #2: Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon