Chapter 2

107 12 2
                                    


Chapter 2

Days had passed yet I have never seen him again at the bus station. Hindi ko na rin alam kung bakit paulit ulit nalang akong dumadaan doon. Secretly hoping that I'd see him again even for the last time.

I tried looking for him. Kahit anong hanap ko sa kanya sa campus it would lead to nothing. Since wala naman akong alam patungkol sakanya. Hanggang sa nabusy nalang ako sa mga schoolworks and events sa school.

Alas otso nang dumating ako sa room namin. There were five students in our room but they are not my classmates. Kaagad din naman silang umalis pagkapasok ko. At maya maya pa ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko ang iingay nila napagpasiyahan ko nalang tumingin sa labas ng bintana , sa quadrangle. Ilang beses akong napapatayo sa tuwing may makita akong kamukha niya. Tapos uupong animo'y pagod na pagod.

Hayss. Baliw na talaga ako.  Halos ilang araw na ata akong di masyadong nakakapagconcentrate mabuti nalang at di masyado ka hirap yung reporting namin. Sa awa ng Diyos nakapasa naman ako kahit papaano.

Naramdaman ko nalang bigla na may sumundot sa pisngi ko paglingon ko ay nakapalibot na pala sa akin ang apat kong kaibigan. Lahat sila ay may ngiti sa labi na para bang alam na alam nila ang nangyayari sa akin. Umakto akong nagtataka kung bakit sila kanina pa nakatingin sa akin.

Pabirong kinurot ni Shan ang pisngi ko sabay tawa. " Kanina ka pa diyan Avery halos di mo kami napapansin kung ano anong topic na pinag-uusapan namin tapos ikaw? Nasa ibang mundo ka ata?"

"Teka--- may lagnat ka ba ha?" Isa isa nilang nilagay ang kamay nila sa noo ko at pailing iling na dumistansya.

"Ano ba kayo may iniisip lang ako at bukod naman sa pinagsasabi niyang topic alam niyo namang di ako makakarelate diyan puro kaya tit--"

"Owemji!"

"Dapat ka nang masanay--"

"Ako din di makarelate."

"Isa kang makasalanan! Ang aga aga nung misa sa labas pero kung makapagsalita ka... " depensa ni Kate pero halata namang natatawa na.

At nagkagulo na nga silang lahat.

"Ay hindi ba?"

"Hindi!" They said in chorus, si Kath nagawa pang magsign of the cross. Isa rin toh makasign of the cross di naman Katoliko nakalimutan na ata religion niya. Sabagay pareho lang naman kami.

"Pero seriously sino ba hinahanap mo sa labas? Hmm.... nung isang araw ka pa ganyan wag mo sabihing si Kevin inaabangan mo?" Pagtukoy ni Shan sa isa sa mga manliligaw ko nung senior high school pa kami.

"Hindi ah. May ano lang---ano ba..."

"May ano?"

"Ah basta nagagandahan lang ako sa mga babae sa labas yung mga participants sa pageant mamaya? Ang ganda nila lahat parang may lahi."

"Sige sabi mo eh. Halika na nga at pumunta na tayo dun malamang kanina pa tayo hinahanap ni ma'am balita ko hindi pa nakakapagsimula yung booth ay dahil sa wala pang mga tigadesign nung room. Panu ba naman kasi low budget tong campus natin parang di private."

"Shh.... Marinig ka pa nung officers lagot ka" panakot pa ni Kate kay Shan na para bang di siya isa sa mga officers.

Mga baliw talaga.

Pumunta na kami sa may booth at tumulong na doon. It's a jail booth event na kadalasan kami ang nag-iimplement na kung sino man ang makakatapak ng mga nilatag na mga confetti sa iba't ibang sulok ng campus ay huhulihin at magbabayad ng pera o di kaya,'y dapat bumili ng mga tinitinda namin.

Ang unfair nga sabi ng iba pero masasarap naman yung mga tinitinda namin. Iilang estudyante din ang nahuli namin yung iba ay nagagalit pa at napapamura pero bumibili naman. Kadalasan sa ayaw bumili ay gumagawa ng mga dare na mapipilitan nila. Basically may choice silang di magbayad o bumili.

A Knock To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon