Chapter 4

23 6 0
                                    

Chapter 4

"Oh?! Saan ka galing, Av? Kanina ka pa namin hinahanap hindi ka man lang bumalik sa gym nag-alala tuloy kami sayo." Nakangusong wika ni Shan sa akin at niyakap ako.

"Bwiset kang babae ka akala ko may nangyaring masama sa iyo."

Kumunot naman ang noo nilang tatlo nang mapansin nila ang hawak kong pusa. Napatikhim ako at umaktong walang kaalam alam.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Parang uulan na oh!" umakto akong napatingin sa kalangitan. Totoo naman ang sinasabi ko malapit nang umulan dahil nagsimula nang magkulay gray ang kalangitan.

Pero hindi umepekto sakanila. Pagtingin ko muli sakanya ay nakaekis na ang kanilang mga braso at nakatingin sa akin ng mariin.

"Bakit?"

"Hindi ba't yan yung pusa kanina?"

"Tama ka Kath eto ngayon bakit ba?"

"Hmm.. nakakapagtaka naman kalong kalong mo ang pusa samantala kanina eh ayaw mo nga yan hawakan at lapitan parang nandidiri ka pa."

"Hindi ah!" depensa ko sa sinabi niya.

Inakbayan ako ni Shan at ginulo ang buhok ko sabay kurot sa pisngi ko nang malakas. Napangiwi ako sa sa sakit at sinamaan siya ng tingin.

"Kami ba ang pinagloloko mo Av? Anong pumasok sa kukute mo at bigla bigla ka nalang nagkaroon ng malambot na puso sa pusa? You hate cats! At paano mo yan napalapit sayo?"

"Basta. Akin na ang pusa na toh. Ako na ang nagmamay-ari nito. Hindi naman porke't ayoko sa pusa ay hindi ko na sila agad gusto. Ang cute kasi nito kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magdesisyon na ampunin nalang ito."

Kunware ay pinanggigilan ko ang pusa pero hindi pa rin umepekto sakanila ang pag-aacting ko.

"Hindi ka marunong magsinungaling, Av. Hindi talaga, kahit siguro mag audition ka sa pbb papalabasin ka na ng direktor kahit hindi ka pa nagsisimula."

"Ang harsh niyo naman."

"Ano gagawin mo sa pusa?"

"Iiwan ko nalang dito ano. Di ko pwedeng dalhin papauwi sa amin alam mo namang may hika yung isang Kuya ko. "

"O siya doon mo nalang sa may gate iwan yan. Kawawa naman."

Naglakad na kami patungo sa gate nang makita naman namin ang kausap ni Shan kanina, yung kaibigan ni Yuuto. Kumunot ang noo niya nang mapansin kong may hawak akong pusa.

Nagkamot siya ng ulo at lumapit sa amin para itanong kung nasaan si Yuuto. Sinabi ko naman agad sakanya na bumalik yun sa gym kanina lang para balikan siya at tapusin ang panonood. Pero ang sabi niya ay hindi daw sila nagkita sa gym muli at tinawagan na niya ito pero hindi sumasagot at naubos na ang load niya.

Kinuha ko na sakanya ang number ni Yuuto para ako na ang tumawag dito tutal may load naman ako. Nakita ko pang natawa si Shan sa ginawa ko pero binalewala ko na muna siya. Habang ginagawa ko ang pagtawag ay kinuha ng lalaki ang pusang hawak ko.

"Asan na ba kasi ang amo mo..." wika nito sa pusa.

Tinuro ako ni Kate. " Siya ang amo oh."

Natawa siya ng malakas sa sinabi ni Kate at napailing.

"Si Yuuto ang nagmamay-ari ng pusa na toh. Dala dala niya ito palagi sa school kasi walang makakabantay at magpapakain sa pusa. Kaya nga ako nagtataka paano napunta sayo, Av."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Nakataas ang kilay ni Shan animo'y nahuli ako sa isang karumal dumal na krimen at hinihintay na magsabi ng totoo. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin inabot ko sa lalaki ang cellphone ko sinagot na ni Yuuto ang tawag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Knock To Your HeartWhere stories live. Discover now