Chapter 3

46 8 6
                                    

Chapter 3

Hindi ko na muling nakita si Yuuto matapos siyang magperform pero sa narinig ko sa mga babaeng dumadaan dito malapit sa booth na siya ang bukambibig ay nasa gym siya ngayon nanonood ng laro ng ibang department kung saan napabilang ang kaibigan niya.

Naging abala ako sa pagkuha ng mga litrato sa kada nahuhuli namin na mga estudyante. Saka lang kami nakapagpahinga nung inanunsyo ng Mayor ng seksyon namin na magclose na kami. Masayang masaya sila Kate sa narinig at di mapigilang mapahiyaw sa tuwa. Iniligpit ko na muna ang mga basura at nilinis ang mga kalat bago lumabas ng classroom para sundan sila.

Hindi na ako nakinig sa plano nila kung saan kami papunta. Lumilinga linga ako sa paligid nagbabasakaling makita ko si Yuuto sa kahuli hulihang pagkakataon ngayong araw. Natigil ako at napatikhim nang maramdaman kong inakbayan ako ni Kath. Napatingin silang lahat sa akin.

"Bakit may problema ba?" nagtatakang tanong ko.

Pabirong tinaasan ako ng kilay ni Shan sabay ekis ng kanyang braso.

"Saan mo gusto pumunta? Gusto mo ba magmall tayo at maglaro sa arcades? O gusto mo dun tayo sa may picnic area maganda din dun kaso nga lang di ako sigurado kung konti lang ang mga tao dun. Knowing na may event tayo ngayon baka siksikan na."

"Oo nga. At isa pa pwede namang dumito nalang tayo at manood ng ilang mga event meron pa naman siguro ano?" tanong ni Kath.

"What if sa gym nalang tayo." Pabulong kong sabi hindi ko na dapat sana iparinig yun sakanila pero si Kate malakas na malakas ata ang pandinig niya at narinig niya nang malinaw ang sinabi ko.

"Sa gym daw."

"Really gusto mo sa gym?"

"Bakit? Kasi nandun si Kevin ano?"

"Oy, hindi ah!" mariing tanggi ko.

Kalaunan ay sumang-ayon rin naman kaagad sila sa naging suhestiyon ko. Wala na akong nagawa nang tuluyan na kaming makapasok. Hawak hawak nilang Shan at Kate ang kamay ko na para bang takot na takot silang mawala ako. Sobrang dami ng mga estudyante sa loob ng gym pero hindi naman gaanong siksikan, sakto lang. Nagkagulong nagkagulo ang lahat at medyo maingay ang paligid pero balewala na sa akin yun napunta ang atensyon ko sa gitna ng court.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na tumigil na kami sa paglalakad. May kinausap si Shan na isang lalaki nang titigan ko siya ay saka ko lang napansin na siya pala yung ka mu niya dati. Parang may hindi naiikwento sa akin ang babaeng ito.

"May vacant seats pa ba? Reserved ba itong mga upuan katabi ninyo?" pasigaw na tanong ni Shan sa lalaki.

Ngumiti ito at tumango. "Vacant seats ito saktong sakto apat pala kayong uupo. Nireserve ko sa inyo ang mga toh nabasa ko kasi kaagad ang chat mo."

"Good! Nga pala eto ang mga kaibigan ko sina Kate, Kath, and Av. Pasensya ka na sa abala, Kiro."

"Hi, nice to meet you." Bati nito sa amin na parang nahihiya. Binati rin naman siya pabalik.

Nilingon niya ang lalaking nasa gilid niya nakaupo, tahimik lang. Nakayuko ito abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

"Nga pala eto din kaibigan ko si Yuuto."

Nanlaki ang mata ko nang mag-angat ng tingin ang lalaki. Kapwa kami nagulat nang magkatinginan kaming dalawa. Mabilis kong itinuwid ang pagkakatayo at umaktong may hinahanap sa paligid.

Sobrang lapit lang namin. Halos magkaharap lang kami nakatayo ako sa harap niya tinatabunan ko ang view niya sa court. Umusog na muna ako konti papalapit kay Kate.

"Oh hi Yuuto! napanood namin ang performance mo kanina. You're voice is really good. Congrats nga pala."

"Thank you" rinig kong sabi niya at natawa ng konti.

A Knock To Your HeartWhere stories live. Discover now