Chapter 2

33.1K 684 27
                                        


LOEXIE

    "MAUNA na ako.." Paalam ko kay Uvexiu. "Bukas na lang ulit."

"Ingat ka.." Kumaway ito sa akin. "Text mo ako kapag nakauwi kana."

"Ikaw din." Tugon ko

Tumawid ako ng ibang kalsada at naghintay ng sasakyan. Maya maya pa ay may humintong taxi kaya agad akong sumakay

"Sa kanto lang Gen St." Sabi ko sa driver

"Hi.." Napalingon ako sa driver. "Silver diba?"

"Ah.." Tumikhim ako at umayos ng upo. "C-Cideon?"

"Nagkamot ito ng batok bago paandarin ang sasakyan. "Oo, pauwi na sana ako sa garahe tapos nakita kita."

"Ay pasensiya na hindi muna ako tumingin.." Nahihiyang sabi ko.

"Okay lang.." Sinalubong nito ang tingin ko sa rearview mirror. "Mas maganda ka pala kapag walang make up."

Sanay na ako sa mga ganiyang papuri pero bakit iba ang nagiging dating kapag si Cideon ang nagsasabi?

"S-Salamat.." Umiwas ako ng tingin

Wala na ulit nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa destinasyon ko. Dumukot ako ng pera at inabot sa kaniya

"Libre na.." Sabi nito. "Pagarahe naman na din ako kaya okay lang."

"Nakakahiya naman, kunin mona." Pamimilit ko dito

Umiling ito. "Hindi ko tatanggapin iyan kahit anong pamimilit mo."

"Sure ka?" Tumango ito. "Salamat."

Bumaba na ako ng taxi. Bumusina ito ng tatlong beses bago tuluyang umalis.

Kusa na lang umusli ang labi ko sa isang magandang tingin. Hindi nama ako ganito pero bakit pakiramdam ko natatakasan ako ng bait kapag kaharap kona si Cideon?

"Ito na ba yung love?" Napailing ako sa naisip ko

Love? First time magkita tapos love? Nababaliw na talaga ako

Naglakad na ako patungo sa bahay namin, gaya ng dati ang mga kapitbahay namin ay nakaabang sa pagdating ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Galit ang mga ito sa akin dahil ang mga asawa at Anak nilang lalaki ay nalulong sa bar para lang panoorin ako

"Iyan na ang Anak ni Mary Grace.." Dinig kong sabi ni Aling Maricris sa kapatid niya. "Pokpok na iyan ang may kasalanan kung bakit kami ginuguton ng asawa ko."

"Hindi na nahiya, ang mga kagaya niya ang sumisira sa magandang imahe ng ating mga kababaihan."

Napahinto ako at hinarap ang chismosang magkaptid.

"Ako ang sumisira sa imahe ng mga kababaihan? Baka kayo." Sabi ko sa kanila. "Alam niyo, siguro inggit lang kayo dahil hindi kayo papasang pokpok!"

"Talagang proud ka sa trabaho mo?" Nameywang sa akin si Aling Maricris. "Proud ka na sumisira ka ng Pamilya!? Nakakahiya ka!"

"Share mo lang?" Inirapan ko siya bago pumasok sa gate ng bahay namin

Dire diretso akong pumasok sa bahay, mukhang inaabangan na ako ng Pamilya ko

"Nakikipag away kapa kay Maricris, eh ikaw naman ang mali!" Singhal sa akin ni Mama. "Hindi kaba talaga titino Loexie? Talaga bang paninindigan mo iyang pagiging pokpok mo?"

"Opo Ma." Sagot ko habang tinatanggal ang sandals ko

"HINDI KABA NAHIHIYA!?" Galit na sigaw nito. "Loexie, hindi na kami makalabas ng maayos dahil sa kahihiyan ginawa mo! Laging pinagpipiyestahan ng mga tao dito ang Pamilya natin dahil sa'yo!"

The Stripper Moan [COMPLETED]Where stories live. Discover now