LOEXIETANGINA! Sobrang sama ng pakiramdam ko ng magising ako, masakit ang ulo ko lalo na ang katawan ko. Pakiramdam ko nakipagbugbugan ako.
Akmang tatayo ako pero natigilan ko ng may mga brasong humila sa akin, may naramdaman akong hininga sa leeg na ikinalaki ng mga mata ko.
Pakiramdam ko gusto kong mahimatay ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.
"I know you're shock.." Lalo akong nanigas sa kinahihigaan ko ng magsalita ang lalaking katabi ko. "Everything will be okay Loexie."
"C-Cideon.." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "K-Kailangan kong umuwi."
Humiwalay naman ito ng yakap sa akin bago umupo sa kama, gulo gulo ang buhok nito at halatang inaantok pa siya.
Mapupungay ang mga matang tumingin ito sa akin. "Good morning."
Naiilang na umiwas ako ng tingin. "G-Good morning."
Hinagod nito ang buhok niya. Kusang kumabog ang dibdib ko dahil sa posturang nakikita ko ngayon sa kaniya. Hindi ko akalaing makakakita ako ng lalaking ganito ka-guwapo sa umaga.
"You can walk?" Hindi ko alam kung nag aalala ba siya o nang aasar. "Wait, I'll get clothes for you."
Tumayo ito at napatili ako dahil wala siyang suot miski isa. Kitang kita ko ang matambok niyang puwet.
"Why?" Tanong nito at biglang humarap
Mabilis naman akong nagtakip ng mata ko. "M-Magbihis ka nga!"
"Why?" Narinig ko ang pagtawa niya. "You already saw it!"
"Sasampalin kita diyan Cideon sinasabi ko sa'yo!" Gigil kong sabi dito
Sumipol ito. "I already wear my boxer now. Promise."
Dahan dahan ko namang tinanggal ang pagkakatakip ko sa aking mata. Naka-boxer na nga siya.
Lumabas si Cideon ng kuwarto. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kuwarto niya, simple lang, tamang tama lang sa kaniyang nag iisa.
Walang masyadong gamit, parang hindi siya natutulog dito.
Bumukas ang pinto kaya doon napunta ang atensiyon ko. Pumasok si Cideon dala ang panty at bra ko, dala niya din ang pekpek short na suot ko kagabi, may bitbit din siyang white t shirt na halatang kaniya.
Ibinigay niya ito sa akin kaya agad ko yung kinuha. Tinaasan ko ito ng kilay dahil parang gusto niya pa yata akong panoorin
"Labas.." Nakataas ang isang kilay na sabi ko dito
"Why? I already saw that." Nakangising sabi nito
"Labas, tatampalin talaga kita!" Sinamaan ko siya ng tingin
Natawa naman ito at sumusukong lumabas ng kuwarto. Nagsimula naman akong magbihis, nang matapos ako ay bumaba ako ng kama at iika ikang lumabas ng kuwartong iyon
Nadatnan ko si Cideon na nakaupo nakatayo at mukhang hinihintay ako, may suot na itong short at damit.
"Tara na." Lumapit ito sa akin at inalalayan akong maglakad
Dumiretso kami sa labas ng bahay niya at sumakay ng taxi niya. Napapikit na lang ako ng sumagi na naman sa alaala ko ang mga nangyari kagabi.
Kunwari pang ayaw kong magpahawak pero sa isang taxi driver lang naman ako bubukaka. Teka, taxi driver nga lang ba talaga?
Nilingon ko si Cideon, hindi ako naniniwalang isa lang siyang taxi driver. Siguradong may tinatago ang isang ito. Base sa kilos, itsura at pananalita niya ay isa siyang malaking tao na hindi lang basta basta
"Kung tingnan mo ako parang gusto mo na akong kainin." Saglit itong tumingin sa akin. "Loexie, kapag magaling kana at saka tayong mag round two."
"Gago!" Inirapan ko siya. "Sino kaba talaga?"
"Si Cideon?" Patanong na sagot nito
"Hindi mo ako maloloko.." Sabi ko dito na ikinaseryoso ng mukha niya. "Kung may kailangan ka man sa akin, wala kang mapapala."
Ngumisi lang ito.
Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa binababaan ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at hinarap siya
"Sana hindi na tayo magkita.." Sabi ko dito
"Why?" Kunot noong tanong nito
Umiling ako. "Sige na."
Bumaba ako ng taxi niya at dire diretsong naglakad pauwi sa amin. Hindi kona masyadong pinagtuonan ng pansin ang mga chismosa naming kapit bahay
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay walang tao bukod kay Iko na umiiyak
"Problema mo?" Tanong ko dito
"Nipalo ako ni Mama.." Sumbong nito at agad lumapit sa akin. "Nakita niya yung wanhandred ko, ninakaw ko daw yun sa iyo kaya nipalo niya ako. Pati si Papa nipalo ako."
Napatingin ako sa braso niyang may pasa. "Nasaan magulang mo?"
Nagkibit balikat ito. "Hindi pa ako nakain, kagabi pa."
"Sandali.." Kukuha sana ako ng pera sa bag ko pero natigilan ako ng ma-realize na naiwan ko ang bag ko sa taxi ni Cideon
Napapikit na lang ako sa inis.
"You left this.." Gulat akong napalingon sa likuran ko
Nakita ko si Cideon na nasa labas ng pinto namin, hawak niya ang bag ko. Agad ko siyang nilapitan
"S-Salamat.." Kinuha ko ang bag ko sa kaniya. "Puwede ka ng umalis, ma-chi-chismis na naman ako kapag nagtagal ka dito."
"Boypren mo iyan?" Sabad ni Iko. "Buti pinatulan ka?"
"Tumahimik ka!" Sinamaan ko siya ng tingin bago ulit harapin si Cideon. "Salamat dito."
"I'm sure hindi ka makakapasok mamaya sa bar.." Sabi nito. "See you tomorrow then."
Inisang hakbang ako nito at hinalikan sa labi. Bago pa ako maka-react ay agad na itong tumalikod at naglakad paalis.
"Boypren mo nga.." Sabi ni Iko kaya nabalik ako sa ulirat
"Wag mong sabihin kila Mama na may pumuntang lalaki dito ah?" Dumukot ako ng one hundred at binigay sa kaniya. "Yan, bumili ka ng pagkain mo. Ubusin mona yang one hundred para hindi na makita ng Nanay mo."
"Salamat." Tumakbo agad ito palabas
Pumasok naman ako sa kuwarto ko at kumuha ng damit. Lumabas ulit ako at nagtungo sa banyo
"Tangina mo Cideon!" Gigil kong sabi ng makita ang mga chikinini sa leeg ko, pababa sa dibdib
Siguradong isang linggo akong hindi makakasayaw nito. Puta!

BINABASA MO ANG
The Stripper Moan [COMPLETED]
RomanceWARNING: R🔞 Dahil sa malaking utang ng Pamilya niya napilitan siyang umalis sa trabaho niya bilang waitress, hindi sapat ang kita niya doon kaya naghanap siya ng trabaho na malaki laki ang kita. Pero lahat ng ina-applyan niya ay tinatanggihan siya...