LOEXIE
NAGISING ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Mukha ni Cideon ang agad na bumungad sa akin
"Good morning." Bati nito
Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Napatakip naman ako sa bibig ko, nakakahiya naman sa kaniya kung maamoy niya ang mabahong hininga ko
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa C.R, tumingin ako sa salamin, gusto kong magmura ng malakas ng makita ko ang madungis kong mukha na may muta pa.
Agad akong naghilamos, wala akong nakitang extrang toothbrush kaya nagmumog na lang ako ng toothpaste. Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay saka pa lang ako lumabas
"I bought foods for you and for Iko," Sabi nito at may itinaas na isang tupperware. "After you ate we'll go home now, ngayon na daw ang discharge ni Iko."
Napatango naman ako bago maupo sa tabi niya at magsimula ng kumain
"Ikaw? Hindi ka kakain?" Tanong ko dito
"Later.." Sagot nito na tila may ibang kahulugan
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Kagaya ng sabi ni Cideon, nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng Hospital.
"Ang pangit ko," Nakasimangot na sabi ni Iko na nasa backseat habang nananalamin sa cellphone ko. "Tita, mukha akong halimaw."
"Kahit hindi ganiyan itsura mo, mukha ka talagang halimaw." Pang aasar ko dito
"Paano ako papasok nito?" Kita ko sa rearview mirror ang pagnguso nito habang nangingilid ang luha. "Siguradong aasarin ako nito."
"Hindi ka naman papasok muna, hihingi na lang akong copy ng mga lesson niyo sa teacher mo." Sabi ko dito
Mabilis pa sa alas kuwatrong nag iba ang mood nito, kunwari pa eh tamad lang namang pumasok.
"What's your plan?" Tanong ni Cideon kaya napatingin ako sa kaniya. "Papasok ka tuwing gabi diba? Paano si Iko?"
"Kaya niya ang sarili niya." Sagot ko dito. "Hindi ko namn puwedeng isama sa bar yan, baka mamaya maagang maglandi yan."
"Ayoko din sumama, ayokong makitang sumasayaw ka habang nanonood mga lalaki." Sabad ni Ilo
Napasimangot na lang ako bago umiwas ng tingin. Ayun din ang ayaw ko, ang makita niya kung paano na lang ako kantiyawan ng mga kalalakihan
"How about stop your job and work for me," Napatingin ako kay Cideon
"Anong work?" Takang tanong dito
"Kagaya ng napag usapan natin kagabi." Sabi nito. "Just pleasure me."
Inilingan ko siya bilang sagot. Kahit pa magpakama ako sa kaniya kapalit ng pera gusto ko pa ding sumayaw sa bar. Malaking halaga ng pera ang kailangan ko, ayokong iasa lahat kay Cideon
Nang makarating sa kanto kung saan ako laging bumababa ay inihinto ni Cideon ang taxi niya
"Samahan ko kayo.." Sabi nito at agad bumaba
Bumaba din ako. Binuksan nito ang backseat at binuhat palabas si Iko.
Nakatingin sa amin ang mga chismosang kapitbahay namin habang naglalakad kami
"Pokpok nga talaga."
"Aba, nakalapirot ng pogi si pokpok."
"Malaki siguro ang bayad sa kaniya nung lalaki."
Mamatay kayo diyan kaka-chismis.
Nang makarating sa bahay ay binuksan ko ang pinto, pumasok kami sa loob. Inilapag ni Cideon si Iko sa upuan
"Uuwi kana?" Tanong ko dito. "Kung pupunta kapa lang bar mamaya, pakisabi kay Uvexiu hindi ako makakapasok. Bukas ko pa maiiwan si Iko eh."
Tumango ito bago lumapit sa akin. "I'll be back later."
Nginitian ko siya. "Sige ingat, salamat din."
Umisang hakbang pa ito at hinalikan ako saglit. Ngumiti ito bago tuluyang lumabas ng bahay namin
Napakagat labi na lang ako habang pigil ang ngiting nakatingin sa pintong nilabasan ni Cideon
Mukhang naaadik na din ako sa halik niya, hindi na ako magtataka kung hanap hanapin kona ang mga labi niya sa susunod
"Kilig na naman siya.." Naputol ang kilig moment ko ng magsalita si Iko. "Boyfriend mo ba siya Tita?"
"Tumigil ka riyan, ang bata bata mo pa." Sermon ko dito. "Chapsouy ulam natin, kailangan mong kumain ng gulat para gumaling ka agad."
"Wala naman nisabi yung doctor kanina." Nakangusong sabi nito
"Sinabi niya sa akin, hindi mo narinig.." Sabi ko dito. "Dito ka lang at magluluto ako, wag kang kilos ng kilos ah?"
Tumango lang ito kaya nagtungo na ako sa kusina. Napangiwi ako ng madatnan ang maduming kusina na tambak ang hugasin
Nagsalang muna ako ng kanin bago ko simulang linisin ang kusina at hugasan ang mga plato. Nang matapos ako ay nagsimula na akong maghiwa ng gulay na gagawin kong chapsouy
Hindi ako gaanong marunong magluto, sakto lang kung matiyaga ang kakain.
Nang matapos akong maghiwa ay nag umpisa na akong magluto, halos mahigit isang oras ang ginugol ko sa kusina bago ako matapos.
Naghain ako bago magtungo sa sala para tawagin si Iko, pero napahinto ako ng makita doon si Cideon na mukhang bagong paligo
"Ang bilis mo naman." Agaw ko ng atensiyon sa kanila
"I miss you." Ngumiti ng malaki si Cideon. Lumitaw ang dimple nito na lalong ikinadagdag ng kaguwapuhan niya.
"Ahm.." Tumikhim ako at umayos ng tayo. "N-Nagluto ako, kain tayo."
Tumayo naman ito at binuhat si Iko. Nagtungo kami sa kusina at nagsiupo
"Yan lang ang ulam namin.." Nahihiyang sabi ko dito. "Hindi din ako magaling magluto kaya baka hindi mo magustuhan."
Sumandok naman ito ng chapsouy at tinikman iyon
"A little bit salty but it's yummy." Nakangiting sabi nito
"Ang alat!" Reklamo ni Iko. "Dapat mag aral kana magluto, paano na lang kapag kinasal kayo ni Tito Cideon? Araw araw ko siyang papakainin ng maalat?"
Sinamaan ko siya ng tingin, epal talaga ito.
"It's okay Iko, as long she will serve herself as my dessert.." Nakangising sabi dito ni Cideon
Ngumisi na lang din yung bata kahit alam kong wala siyang naintindihan. Ako naman dito ay gusto na lang magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya
Pakiramdam ko mamamatay ako kapag si Iko at Cideon ang nagsama.
**********
Merry Christmas po!

YOU ARE READING
The Stripper Moan [COMPLETED]
RomanceWARNING: R🔞 Dahil sa malaking utang ng Pamilya niya napilitan siyang umalis sa trabaho niya bilang waitress, hindi sapat ang kita niya doon kaya naghanap siya ng trabaho na malaki laki ang kita. Pero lahat ng ina-applyan niya ay tinatanggihan siya...