Chapter 20

35 8 2
                                    

"I didn't hired you" pag kukunwari ko.

"Wag mo nang itanggi. Ikaw lang naman yung pinag bigyan ko ng infos about my experiences" sagot nya.

"So, alam mo pala?"

"Na ikaw ang nag sabi ng mga yon sa kanila? Kaya ako na hired? Oo naman"

Huh? So he actually didn't know? Ang alam nya lang ay ako ang nag pasa ng mga infos para ma hire sya?

"Ahh, oo na. Ako nga yon" sagot ko nalang.

Mabuti narin yun, baka kasi pag nalaman nyang isa ako sa may ari, hindi kami mag kakaroon ng normal na conversation gaya ngayon.

"Ang pinag tataka ko lang, bakit sila agad agad na maniniwala sa sasabihin mo? Baka sobrang taas na siguro ng position mo dito no?" Derederetsong saad nya.

"Hindi naman. At saka isa pa, bakit naman nila iisiping lolokohin ko sila about sa background infos mo"

"Sa bagay"

"Ang galing mo nga eh"

"Hindi naman. But anyway, thank you. Kung hindi dahil sayo baka hindi ako naka pasok dito" sensirong saad nya. Nginitian at tinanguan ko sya."Ano nga ulit ang pangalan mo?"

Nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko, pero sa huli ay sinabi ko rin. But not a complete name.

"Ali nalang"

"Hmm.. Doc Ali. Sounds good" tatango tangong saad nya.

"Do you have a second name?" Tanong ko.

"Wala e"

"Daniel is too long to say. What if nurse D? Or nurse Dan?"

Nakita ko ang bahagyang ngiti at mahinang pag tawa nya.

"Kung saan ka komportable Doc Ali.

"Okay.. oh paano? Una na ako sayo.. marami pa akong paper works" saad ko.

"Sure.. nice meeting you again Doc Ali. Good luck on your paper works" naka ngiting saad nya.

"You too Nurse D!" Ibinalik ko ang ngiti sa kanya bago tuluyang lumabas sa room na iyon.

Wohhh! Ang ganda nyang kausap. Nawala bigla lahat ng iniisip ko.

Pagka labas ng room ay dumeretso ulit sa office ko.

Sumakit ang ulo ko nang makita ang tambak na paper works sa table ko. Hayst.

Dati kaya nag doktor ako kasi akala ko gamot gamot lang. Hindi ko naman alam na marami din palang mga papel na dapat tapusin.

Nakakalahati ko na yung mga papel nang may kumatok sa pinto.

"Please come in"

Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito si Kai.

"Oh?"

"Anong oras ka uuwi?" tanong nya.

I checked my watch before I face him.

"Around 11:00 pm. Why?"

"That late?"

"Marami pa akong paper works. Kailangan na tong matapos agad"

"Do you need my help?"

"Hindi na. Kaya ko na" sagot ko.

"You sure?"

"Yep. Uuwi ka na?" Tanong ko pa habang nag susulat.

"Maya maya saglit"

"Uhmm"

Heart Of A Stranger (Hernandez Siblings #1)Where stories live. Discover now