Prologue

38 11 1
                                    

[Prologue]




Isang malakas na putok ang sumabog kasabay ng pagkamatay ng lahat ng ilaw, isang nakakakilabot na kadiliman ang nanaig sa kapaligiran hindi na magka mayaw ang bawat studyante maging ang mga guro, lahat ay nag panic nakabibinging sigawan hindi alam ang patutunguan sapagkat walang daan na nasisilayan.




______________________________________



"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!"

"Helppp!!!!!!!!"

"Awchhhhhhh"

"Ohhhhhh ahhhh!!"

"Wala akong makita!!!!!"

"Padaan!aw!"

"Turn on the lights!!!"




Kanya kanyang sigawan ng mga tao ang nanaig sa kapaligiran, pababa kami ngayun ng mga blockmates ko galing sa 5th floor kung saan ang classroom namin, sa hagdan nalang kami dumaan dahil maging ang elevator ay hindi gumagana dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente.



Napakadilim wala kaming nakikita nag mistulang bulag ang aming mga mata dahil kahit ni alitaptap ay hindi mahagilap.

"God help us"

"Amen."


"My god is mighty so save...🎶🎵"



Kanya kanyang dasal, ang iba ay napapakanta pa ng Worship song dahil sa kaba.



"San na ba tayo?" Tanong saken ng kung sino "mitch is that you?" Tanong ko naman pabalik dito "Winslayt? Yeah ako to si mitch!" Saad nya "buti nalang nandito ka" dagdag nya pa sabay hawak ng braso ko.


"Wait i think na sa 1st floor na tayo." Saad ko "yeah i think so" kung saan saang pader ako humahawak upang maging gabay saking pag lalakad.

"Announcement! Announcement! Lahat ng students ay pumunta sa gymnasium!"
Isang napakalakas na boses ang nanggaling sa Intercom Announcement ng University ang umalingawngaw.




"Again!! lahat ng students ay pumunta sa gymnasium!!"


"Walang magtutulakan, walang mag papanic!!"


"Walang magtutulakan!!"

Pa ulit-ulit na paalala, ngunit hindi parin ito naging sapat upang kumalma ang mga studyante.


"Tara sa gymnasium daw"

"Wait lang my shoes,aw!"

"Wag ka ngang manulak"


Kasalukuyan kaming naglalakad ngayun, habang napaka dilim padin, hindi ko alam pero feeling ko nasa mga locker na kami banda nararamdaman ko kasi, dahil kahit saan saan ako humahawak.


"Okay come in..! Hinay hinay...huwag mag tutulakan!" Sigaw muli galing sa Intercom announcement.

"Nasa gymnasium na kayo!!"


"Lahat ay umupo!!"

"San tayo uupo?,wait may mga upuan ba dito?" Saad ni mitch "I don't know,basta umupo, daw uupo nalang ako sa sahig!" Bwelta ko sa kanya minsan kase nakakainis din ang babaeng to e, napaka daldal.

"Really winslayt? Sa sahig yuck! I can't ata!!." Maarte namang saad nito, "bahala ka nanga dyan,basta ako kanina pa nangangalay" sabi ko dito, saka ako umupo, masikip ramdam kung umupo na din ang iilang studyante, narinig ko pang romereklamo pa si mitch pero maya mayay naramdaman ko ding umupo na to sa tabi ko.


Dahan dahan na ding kumalma ang bawat tao sa loob ng gymnasium, hanggang sa may mga taong nasa stage ang may mga hawak na flashlight at syang naging ilaw, kahit papano ay may nakikita na din ang mata kung kanina pa puro dilim lang nasisilayan.



Maging ang langit kase ay hindi masilayan dahil maging ito ay madilim din, tila nasa isang kwarto kami na walang ni isang bintana at pintuan maging ilaw daig pa ang brown out sa bahay, hindi namin alam kung baket bigla nalang nagdilim ang paligid, samatalang alas 5 pa naman ng hapon, maging ang mga cellphone namin ay hindi gumagana na sya sanang magiging ilaw namin sa madilim na kapaligiran.



"Okay...lahat kayo ay pumarito muna, walang lalabas dahil hindi nating alam kung anong meron sa labas o baka meron pang masamang mangyari, kaya dito muna kayo sa loob ng gymnasium hanggang sa bumalik ang ilaw...mas okay na dito ng safe kayung lahat.!"


"Again walang lalabas lahat kayo ay umupo lang!!"


Saad ng taong syang may hawak ng megaphone, bilang lang din ang mga taong nasa stage na may hawak ng flashlight upang kahit papano ay may makita naman kami, bukod sa nakakakilabot na kadilimang ito.


______________________________________


Magdadalawang oras na kaming nandito sabi nung mga guro at mga kataastaasan sa school maging ang principal ay dito daw muna kami para mas safe, kanina pa kami umuupo dito ang iba ay natutulog na dahil naririnig ko na ang kanya kanyang hilik ng mga ito, pati si mitch at natutulog na rin at ginawa pang unan ang braso ko.



Gusto ko na rin namang matulog dahil na din sa pagod pero parang may kong anong bahagi saken na ayaw akong patulugin, maya maya pay umihip ang isang malakas na hangin dahilan para maramdaman kung napawi nito ang buhok ko patungo sa gilid ng bahagi ng mukha ko, napa hinga nalang ako ng malalim giniginaw na rin ako dulot ng hamog ng gabi iniyakap ko nalang ang braso ko, sa aking sarili.


Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may maramdaman akong kung ano ang tumama sa mukha ko agad ko yung kinuha gamit ang isang kung kamay, napa kunot nalang ang mukha ko ng malaman kung papel ito, napatingin ako kung saan kahit papano ay may nakikita na din kasi ako dahilan sa liwanag ng flashlight na mukhang malolowbat na dahil nakikita kung pahina na ng pahina ang dalang liwanag nito.


Napasibangot nalang ako sino namang hangal ang magtatapon ng papel sa ganitong sitwasyon, itinupi ko nalang ang papel marahil ay nadala lang yun ng hangin, saktung ilalagay ko na lang sana ito sa bulsa ng suot kong skirt ng may mahagilap ang mata ko, hindi ako sigurado dahil madilim pero sa pag kakakita ko ay isang lalake ang nakatalikod tila isa lang syang anino dahil bukod sa itim ay wala na akong ibang kulay na nakita sa kanya nakasuot sya ng sumbrero at coat na hanggan tuhod habang nakahalukipkip, nakatalikod sya.



Hanggan sa nasisilayan kung unti unting lumilingon ang kanyang ulo, na syang ikinataas ng balahibo ko hindi ko man makita ang mukha nya kahit na tila isang anino lang sya hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba na para bang kinukuha nito ang lahat ng lakas ko, kung titignan ay parang tumitingin din sya ng deretso saken, hindi ko alam ngunit parang nawala ang diwa ko hindi ako makagalaw maging ang pag hinga sa sinisikap ko na, napahigpit nalang ako ng hawak sa papel na kanina dapat ay ilalagay ko sa bulsa ng skirt ko, walang akong nagawa kundi nakatingin lang din dito ng diretso gusto ko mang i-iwas ang mata ko sakanya at lumingon sa iba ngunit tila nasa isang bangungot ako na walang magagawa para sa sarili kundi gumising.




Hindi na ako makagalaw hindi ko na rin maramdaman ang sarili ko hanggan sa nahihirapan na akong huminga na tila ba sa bawat pag titig ko nito ay sinasakal ako dahil pahirap ng pahirap ang pag hinga ko ni wala na akong marinig kundi ang lakas ng kabog ng puso ko, hanggang sa dahan dahan ay nararamdaman ko ng nawawalan na akong ng hininga kasabay nun ay nararamdaman ko na rin ang dahan dahang pagtigil ng tibok ng aking puso, na syang dahan dahang pagpikit ng aking mga mata
'kung ang paglingon pala sayo ang ikakamatay ko,mas pipiliin kung mabulag nalang' kasabay ng pagpikit ng mata ko ay ang nakakasilaw na liwanag at nakabibinging hiyawan ng mga tao, at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.





**********


#Sly Academy

Sly AcademyWhere stories live. Discover now