Chapter 1

47 10 0
                                    

Chapter 1

Winslayt PO'V

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayun ng sasakyan habang nagmamaniho si manong kaloy na syang driver namin marami ng taon, kasama ko naman sina Daddy kuya Rock at ang nakababata kung kapatid na si Jaspher, nakatingin lang ako sa bintana habang naka padlak ng headset sa magkabila kung tenga, ng sa ganun ay hindi ko na marinig ang napaka saket sa tenga na kanina pang halakhak ni Daddy habang kausap si kuya, napa tango-tango nalang si kuya .

Kinikwento nya ang mga karanasan nya noon simula nung bata sya at ng hanggan nagbinata sya, ang mga naging karansan nya sa Sly Academy na syang patutunguan namin ngayun dahil dito daw ako ta-transfer, iwan ko ba kung baket kailangan pa akong e transfer, e ayos lang naman ako sa dating School ko, doon marami akong kaibigan, pati mga guro ay ka close ko din, kilala din ako dun sa sport kung swimming na syang lagi akong nanalo, doon maraming humahanga saken, simula pagka bata sa Oxford University na ako nag aral, ngayun palang talaga ako, pina transfer ni daddy na labag naman sa kalooban ko dahil bukod sa magsisimula naman ako muli ay kalagitnaan narin ng klase mahirap na habulin ang mga lection ng paaralang pag ta-transferan ko. Talagang si daddy lang talaga ang nag pumilit na e transfer ako.

Speaking of daddy!

Nagkikwento padin sya ngayun kay kuya, na marami daw noon babae ang nagkaka crush at nagpapansin sa kanya, marami din daw syang mga girls noon pero tumigil lang sya nung nakilala nya si mommy na syang nakapagpabago sakanya.

"At simula nung makita ko ang mommy mo...i know she's the one..."wika pa ni daddy na animoy nasa tanghalan na nagtutula at damang dama ang bawat katagang binibitawan nya sa kanyang mga sinabi with matching pikit pa sa mata.

Napayuko nalang rin ako, naalala ko bago mawala samin si mommy.

Isang gabi....napakalakas ng ulan kasama ang mga kidlat habang ang bawat puno ay sinasayaw ng malakas na hangin.
sumisigaw si mommy habang umi-ire dahil nanganganak na sya, "nakikita ko na ang ulo ng bata isang ire pa misis!" wika ng matanda na syang nagpapaanak kang mom.

Nakahiga si mom sa kama samantalang kami naman ni kuya ay nasa gilid tumutulong sa bawat bagay na kakailanganin wala kasi si dad dahil nasa ibang bansa pasya at inaasikaso ang mga negosyo lingid sa kanyang kaalaman na ngayun na manganganak si mom dahil sa susunod na buwan pa naman talaga ang kapanganakan nito, limang taong gulang pa lamang ako nun samantalang si kuya rock ay 9years old.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!"

"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!"

Sunod sunod na sigaw ni mom habang umiire, di kalaunan ay may narinig na kaming iyak nang sanggol "lumabas na! Lumabas na! Nailabas muna ang bata misis!!" Masayang saad nag nagpa anak kay mom at nakangiti pa ito, tumingin sya sa sanggol "lalaki ang iyung anak kay gwapong bata nito!" dagdag pa nito tumingin sya kay mom at ibibigay sana ang sanggol ngunit nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha ng makita parang lampara na nauubusan na ng gas ang mga mata ni mom, "misis ito na ang anak mo."wika nito.

Sly AcademyWhere stories live. Discover now