19:22:4:13:19:24

7 0 0
                                    

[Chapter Twenty]

“Anong dala mong snacks?” Malakas na tumawa ang binata sa tanong ni Kheila. “Wala, bakit mukha ba akong may trabaho na? Wala akong pera, ’noh!” Dahil sa sagot ng binata ay malakas siyang hinampas ng dalaga sa braso.

“Noise,” mahinang bulong ni Fujiko habang busy sa pagbubuklat ng libro sa tabi ng bonfire.

“Anong sauce gusto mong ilagay ko rito?” Si Alonee na nag-iihaw ng barbeque habang si Sei ang kumakain ng mga naihaw na.

“Akin, gusto ko spicy!” sagot ni Kheila sa tanong ni Alonee. Tinawanan lang siya ni Alonee.

“Ako na ’yan, Kheila. Spicy pala, hot naman ako, e.” Mapanloko ang ngisi ni Blaise. Lumapit pa siya sa ihawan saka sumagaw ng wet the bed. Malakas ang tawanan ng magkakaibigan.

Lumapit naman si Fujiko sa pinsan bago ito sinipa. Nagkunwari naman si Blaise na natumba dahil sa sipa ni Fujiko. Ngunit nang dapat tutulungan na siyang tumayo, bigla itong nag-twerk. Wala nang mapaglugaran ang saya ng magkakaibigan.

Hindi mabilis na naging maayos ang lahat. Ngunit naniniwala sila na bawat araw ay may proseso ng pagbabago. Nawalan man ng pamilya si Alonee, mayroon pa rin siyang mga kaibigan na ang turingan ay pamilya.

“Gago ka, Blaise nasobrahan ka na sa shot.”

“Minsan lang ‘to! Lapit na midterms!” sigaw nito bago sumayaw-sayaw at tumalon papunta sa dagat. Nagtawanan ulit sila.

Nasa kolehiyo na silang magkakaibigan. Magkakaiba sila ng kurso na kinuha. Ngayong summer ay naisip nilang mag-outing para man lang kahit na saglit malimutan pagiging stress nila sa pag-aaral.


“Kheila, kung ang english ng araw ay Sun.” Hindi tinuloy ni Blaise ang sasabihin.

“Ano?”

“Ano connect?” maging ang mga kaibigan niya ay nambabara sa kaniya dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi ng kaibigan.

“Sun ako nagkulang?” Malakas na hampas ang nakuha niya kay Kheila. Kumuha ng panibagong inumin si Sei saka inabot ito kay Blaise na nakahilata ngayon sa buhangin.

“Kheila, ako na lang kasi,” ani Blaise habang nakahiga sa buhangin. Tumawa lang si Kheila na tila may tama na rin aa ininom na alak. Napapailing na lang ang sin Fujiko, Alonee at Sei na tawa lang ang ambag at kain ng pulutan nilang barbeque.

“Ayoko nga! Sino ka ba?” Kunwari ay naduduwal ang dalaga sa diri.

“Naknampucha idol talaga kita bakit naman ganyan ka lodi. You always makes my heart sakit sakit. Akala ko eurt ’yong manifestation sa fb saka twitter, isama mo na ’yong sabi sa baraha sa tiktok na crush mo rin daw ako!” Humahawak pa si Blaise sa kaniyang dibdib habang sinasabi ’yon.

“Sino ba nagsabi sa ’yong maniwala ka sa TikTok? Ako nga binibigyan ng mixed signals, nagreklamo ba ako?” ganti ni Alonee habang nagpapaypay ito ng iniihaw.  Pasimpleng ibinaba ni Fujiko ang librong binabasa bago tumingin sa direksyon ng dalawa.

“I love you,” ani Sei nang nilingon niya si Alonee na nakabusangot. Unti-unting kumurba ang maliit na ngiti sa labi ng dalaga habang pilit na pinipigilan ito. Nagkunwari pa itong nagigigil sa pinapaypayan niyang karne.

“Sunog na, bhie,” sabat ni Kheila tinutukoy ang iniihaw ni Alonee. Hindi naman kasi siya nakatingin sa karne.

“Ha?” tugon ni Alonee dahil hindi siya makapag-concentrate sa pag-iihaw lalo na nang lapitan siya ni Sei. Mula sa likod niya, niyakap siya nito. Unti-unting inagaw ang pamaypay at siya na mismo ang nagpaypay sa iniihaw.

“U-umalis ka nga! Ako na rito,” sabi ni Alonee.

“Naknampucha buti pa sila sweet,” parinig na naman ni Blaise na ngayon ay nakatingala na sa langit. Mahinang natawa si Alonee. Habang si Fujiko naman ay ibinalik na lang ang tingin sa kaniyang libro. Kahit na nasa bakasyon siya, iniisip pa rin niya ang pag-aaral.

“Cute mo,” bulong ni Sei kay Alonee. Nananatili pa rin na ganoon ang kanilang posisyon.

“Ewan ko sa ’yo.”

“Can I take a picture of you right now?” tanong ni Sei.

“Ngayon talaga? May pawis pa ako!” reklamo ng dalaga bago isinandal ang ulo sa balikat ni Sei. Mabilis na inilabas ni Sei ang cellphone niya mula sa bulsa nito.

“I’m just gonna show Santa what I want for Christmas.”

“Ate, Kuya, may nagpapabigay po nito.” Inabot ng batang babae ang sobre kay Alonee at Sei. Natigil ang dalawa sa ginagawa at agad na kinuha ang sobre. Umalis na ang batang nagbigay.

“The game is not over yet.”

Puno ng malakas na tawanan, kwentuhan at asaran ang gabi. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang taong nakamasid sa kanila. Kanina pa ito nanonood na tila interesadong malaman ang bawat kilos na ginagawa ng magkakaibigan.

Sinistrorsum | ✓Where stories live. Discover now