CHAPTER 6

311 7 4
                                    

KATH'S POV




"Wayne.." Naiusal ko nalang.

Tiningnan ko sya. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. Dali-dali akong lumapit sa kanya pero hindi sya hinawakan.

"Are you okay?" Tanong ko.

"Wayne, sorry." Paghingi ng tawad ni Clark.

"I'm okay. No need to worry me." Anito at tinalikuran na kami ni Clark

"Ikaw kasi!" Pamimintang ni Clark sa akin.

"Namimintang ka, ah! Kasalanan mo iyon. Hindi ka kasi tumitingin, may patalikod talikod ka pa."

Inirapan nya lang ako habang ako ay sinabunutan sya.

"Aray, ah!" Sigaw nya.

"Ewan ko sa iyo! Bala ka dyan!" Sigaw ko at sinuntok muna sya bago ako tumakbo papaalis.

"Wayne!" Sigaw ko ng makalapit lapit ako sa kanya ng kaunti. Humarap sya at huminto dahilan para mabunggo din ako sa kanya.

"Sorry." Pagpapaumanhin ko. Lumayo ako ng kaunti tas ay tiningala sya. "Okay ka lang?" Tanong ko, nag-aalala.

Blangko nya lang ako tiningnan tsaka ay umiwas ng tingin. "Yes." Sagot niya.

"Galit ka ba?"

"Why would I be mad?"

"Kasi, ano.. ahm.. ano.. ahh.. para ka kasing galit." Nagkanda utal-utal kong pagkasabi.

"Do I look like mad?"

"No! You're not!" Malakas kong sagot.

Tinalikuran nya lang ako at naglakad na papaalis.

Gosh, hindi ko naitanong ang gusto kong itanong.

Hinabol ko siya.

"Wayne," pagtawag kong muli. Huminto siya pero hindi ako nilingon. "Ano.. Nagseselos ka ba?" Kinakabahan na talaga ako at the same time ay nahihiya.

Dahan dahan niya akong nilingon. Kunot ang noo.

Mali atang tinanong ko pa sya.

Natatakot na kaagad ako sa kanya.

"Why would I be jealous?" Pinaningkitan nya ako ng mata. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Yawa! "Do you think that I like you?" Napapikit ako ng mariin.

Tatalikod ako at tatakbo.

Nagsimula na akong magbilang sa utak ko at tumakbo pero hindi ata sumang-ayon ang panahon dahil sa nahawakan niya pa ang bag ko.

"Ano?"

"H-hindi, Wayne. Mali ka ng iniisip?" Bakit may tanong pa..

"You're asking so you wonder. Listen, don't hope because that's not going to happen. I will never like you nor love you even a little bit, bitch."

"Hindi, ah!" Defensive kong sagot at kumaripas ng takbo.

Weeks had passed at mas lalo lang lumala ang nangyayari sa akin, stressed sa school, bogbog sarado pa sa bahay. Simula ng magtanong ako kay Wayne ay mas lumala lang siya lalo. Palagi niya akong ginagalaw at sinasaktan. Pero para sa kapatid ko ay kakayanin ko.

"Napapadalas na yang paggamit mo ng make-up, ah." Ani Clark. Nandito kami ngayon sa park, kumakain ng kwek-kwek.

"Bakit ba?!"

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now