CHAPTER 10

282 10 1
                                    

WAYNE'S POV

Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang 2nd anniversary namin ni Cassandra. Naligo kaagad ako at nagbihis ng grey trim polo partnered with trouser. Bumaba na akong kwarto para kumain ng breakfast. Nasa dining na silang lahat excluding Kuya. Wala siya, nakakapagtaka naman.

I sat on the chair and got my self a rice and ham, bacon, and egg. I started eating and immediately finish my foods, I was about to stood up when my Mom spoke.

"Wait us in the living room, Wayne."

"M-may lakad pa po ako. May date kami--"

"Please," pagod na pagkasabi niya.

I went to the living room and text Cassandra that I'll be late. So, she wouldn't wait for me in the gate. Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Lolo na nakangiti. Good mood, huh?

"Good morning, apo." Bati nito sa akin kaya binati ko din siya pabalik.

Ngayong araw balak ko na sanang ipakilala si Cassandra sa kanya total na sa legal age na nga rin naman ako. I'm almost 19 years old for pete's sake para pagbawalan niya pa akong magkaroon ng girlfriend.

"Ahm.. Lo, may ipapakilala po pala ako sa inyu mamaya," Sabi ko.

"Sure, wala naman akong gagawin mamaya. I'll just text you the address where restaurant we'll going to meet." Sabi nito kaya napangiti nalang ako.

Lumingon ako sa gilid ko ng mapansin na papalapit na pala sila sa akin. May kakaiba sa itsura nila ngayon. Nawala yung ngiti ni Mommy na palaging bungad niya sa amin. Habang si Dad naman ay seryosong-seryoso lang.

"Since, nandito karin naman. May sasabihin kami sayo, apo." Anang Lolo na nakangiti.

Kinakabahan ka agad ako sa sinabi niya. Anong balita? Bakit parang pakiramdam ko badnews to. Nagpilit ako ng ngiti at tumingin sa kanilang lahat na naka-upo na ngayon.

"You are going marry the daughter of Velazquez's granddaughter--"

Hindi ko na pinatapos si Lolo dahil naiinis ako sa balita niyang dala. May ngiti pa siyang dinadala.

"No!" Sigaw ko. Agad na nagsalubong ang kilay ni Lolo at masama niya akong tiningnan.

"You can't do about it!" Maotoridad nitong pagkasabi.

"Hindi ako papayag na matali sa iba!" Sigaw ko.

"Thundere! Don't raise your voice to your Lolo!" Suway sa akin ni Mommy.

Ito ba ang dahilan kung bakit malungkot siya. Alam ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Cassandra kaya malabong papayag sila sa kasalang ito.

"No one could ever tie me, unless it's my girl." Madiin kong sabi.

"Hiwalayan mo siya." Maotoridad na utos ng aking Lolo. Tumalikod na ako dahil ayaw kong mapagsalitaan ng masama si Lolo.

Narinig ko pang tinawag ako ni Mommy, nang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ay may humawak sa braso ko.

"Anak, makinig ka nakang sa Lolo mo," pakiusap nito.

"Mom, may girlfriend na ako at alam nyu yun,"

"Oo nga at may girlfriend ka pero anak.. pero.. mauuwi parin sa kasal ang lahat."

Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa kabilang gawi. "May mahal akong iba at siguro nga ganon ang babaeng yun." Ang tinutukoy ko ay ang babaeng ipapakasal sa akin.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now