Chapter 2

26 2 0
                                    

Chapter 2 - La Nueba Unibersidad

Rumi's Point of view

Sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko, maingat akong umupo at hinawi ang kurtina, anong oras na? Napatingin ako sa relo nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong oras na, Oras na ng unang klase!!

Kinuha ko ang papel na nakalagay sa maliit na cabinet sa gilid ko. Binigay ito saakin kagabi bago ako tuluyang makatulog.

Name: Eizlyn Ventajar
Age: 17
Sex: F
Section: Last Section
Adviser: Sr. Adan Navarro
Subjects:
Pre-Calculus / 9:00 AM
Literature / 11:00 AM
Natural Science / 1:00 PM
Philosophy / 3:00 PM

Bakit ganito dito? Ibang iba sa ibang skwelahan. Apat na subject lang? Sa isang subject dalawang oras? Siraulo ba may ari nito.

Last Section? Parang narinig ko na to kahapon eh. Saan ko nga ba to narinig? Aish! Late ka na Rumi kaya mag ayos ka na ng sarili mo. Kaagad akong pumunta sa cr para makapagligo, hindi na ako nag aksaya pa ng oras kaya't natapos kaagad ako.

Titig na titig ako sa uniporme na binigay saakin. Kasya to sakin? Liit eh. Mga sira ulo talaga. Napagpasyahan kong mag civilian na lang wala naman ata iyong problema Lalo na't baguhan rin ako dito. Pagkalabas ko sa dormko ay dinaanan ko ang dorm Rain pero nakalock ito, nakaalis na seguro. Di man lang ako ginising.

Mabuti na lamang at wala ng studyante rito, wala akong kasama sa elevator, pati pagkababa ko sa ground ay wala na rin studyante. Late na talaga ako.

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa skwelahan!! Isang itim na gate ang nasa tapat ko may kalakihan ito may mga nakasabit na rin ditong mga dahon na may bulaklak. Honeysucker at Morning Glory.

Pagkapasok ko dito ay napakalaking mga building ang nasa harapan ko!! San ko hahanapin ang Last Section?! Baka mamaya pa akong gabi matapos kung iisa isahin ko ang classroom dito.

Tumingin ako sa gilid gilid nagbabakasakaling may mapa at nagtagumpay naman ako. May mapa nga. Printed map. Napaangat ang kilay ko ng makita kong nasa pinakadulo ang Classroom ko 3rd floor.

9:27 na nang tumingin ako sa relo ko, huling huli na ako!! Takbo ako nang takbo kaya't napapatingin saakin ang nga studyante sa na nasa kaniya kaniyang classroom, iniisip seguro nila may sira ako sa utak.

Tumaas na ako, ang ipinagtataka ko lang ay bakit walang katao tao dito? Ilang silid na ang nadaanan ko pero wala talagang tao, abandoned building ata ito.

Siraulo ang gumawa ng mapa mali maglagay ng exact place. Ilang sandali ay napagpasyahan ko ng bumaba pero nakakaisang hakbang pa lang ako pababa sa hagdan ng makarinig ako ng mga hakbang. Dahan dahan akong naglakad pataas muli at inilabas ng kaunti ang ulo ko.

Nanlaki ang mata ko ng papunta sa akin iyong lalaking tumatakbo!

"Wahhhhhhh!!!"

"Damn it!"

Bumagsak kaming dalawa. Ang sakit ng balakang ko! Ginawaran ko ng masama ang lalaki ngayon sa harapan ko, matalim din ang tingin nito saakin.

"Why are you here? Girls are not allowed here." May nagsalita sa likuran ko kaya't napatayo ako, nakahawak ako sa magkabilang beywang ko nang makatayo na ako. Lumingon ako sa nagsalita, Nanlaki ang mata  ko ng makilala ko kung sino iyon.

"Tadeo?" Nagkunot noo sya saakin, hindi nya ako kilala. Sabi na nga ba. Pero teka, bakit nandito sya??

"You need to get out of here before Danver sees you." Sino naman si Danver? Papaalis na sana ito sa harapan ko ng hablutin ko ang kamay nya. Pati ang kasama nitong lalaki ay napatigil din. Saglit nyang hinarap ang lalaki at parang may sinabi ito dito kaya't umalis na ito. Kaming dalawa na lang ang naririto.

La Nueba Unibersidad: Last Section Where stories live. Discover now