Chapter 3

26 2 0
                                    

Chapter 3 - Killer

Rumi's point of view

"Hey, you okay? it's like you saw a ghost in that position." Nagulat ako ng biglang magsalita so Caleb.

"Siraulo ka." Tumawa ito ng mahalata nyang nagulat ako ng bigla syang magsalita.

Bumalik ang tingin ko kay Danver, bakla to? Tumingin ako sa kanila, bakla sila? Napatingin ako kay Tadeo, bakla rin sya? Does uncle know about that? Is that why he ran away because uncle didn't accept him being gay? Napatuptop ako sa bibig dahil sa mga naiisip

No, this can't be.

Lumingon ako sa gawi ni Caleb, nagtataka na ata sya sa inaasta ko, pigil din ang pagtawa nito. Iniisip ata nito nababaliw na ako.

"What with that face? pfft."

"Are they gays?" I said in lower tone, pero nagkakamali ata ako, dahil narinig iyon ng mga kalalakihan.

"What the hell!"

"Gays? What the fuck?"

"Goddammit bro she said we're gays."

"What the hell are you thinking to accuse us of being gay." Walang ekspresyon ang pagmumukha ni Danver, ginawaran nya rin ako ng masamang tingin, kasalanan ko bang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya kanina?

"Uhm.." Walang gustong lumabas sa bibig ko, nakakahiya. Nakatingin lang ako sakanila, ang iba ay umaangal at ang ingay dahil bakit ko daw sinabihan silang bakla.

"Stop it guys tinatakot nyo sya." Pagsuway sakanila ni Caleb

"As what you said earlier, you're a last section right?" Paninimula ni Danver, kumuha pa ito ng upuan at iniharap ito saakin bago sya umupo roon

"How come the Principal decided to put you here, only those with crimes should be here in the last section." Kagaya ng sinabi saakin ni Tadeo kanina, ang mga taong may krimen ay napupunta sa last section, kung gayon, may krimen silang nagawa?

"Now tell us, what crime have you done?" Napatikom ang bibig ko, wala naman akong ginagawang krimen.

"Wala."

"Liar. By the time I find out what crime you have committed, I will make you bald." Pagkasabi niya non ay umalis na ito sa harapan ko, at ano kakalbuhin nya ako?! Siraulo ba sya?! Iniisip ko pa lang ang itsura ko na makakalbo ako ay hindi ko masikmura.

"Dont mind him."

Lahat sila ay nakatingin saakin, oo nga pala hindi ko pa alam ang mga pangalan nila, si Tadeo, Caleb at Danver lang ang kilala ko rito.

"Uhm can you uh introduce your names so that I can easily familiarize all of you." Sunod sunod namang nagpakilala ang nga ito

"Vincent Atienza." Pagpapakilala ng lalaki na may bulaw na buhok, kaaya aya syang tignan naliban na lamang sa tattoo nyang nasa kaliwang balikat.

"Eryx Abella." Pagpapakilala ng lalaki na may itim na buhok pero may emerald na mga mata, matangkad ito tulad ni Vincent pero mas lamang ang katangkaran nito.

"Ahren Caballero." Kakaiba ang kanyang pamamaraan ng pagtingin, parang hinuhukay nya ang kaluluwa mo sa katawan.

"Jailer Ruiz." May hawak itong dagger sa kanang kamay habang sa kaliwa ay may hawak na mansanas, ayaw nya ba sa kutislyo?

"Keith Alvarez." May pagkakahawig sya kay Ruiz, magkapatid ba sila? Pero magkaiba ang apelyido nilang dalawa.

"Silas Luna." Kung titignan mo ay parang sya ang pinakabata sa lahat, baby face kasi ito, at palaging nakangiti.

La Nueba Unibersidad: Last Section Where stories live. Discover now