FIRST SHOT

302 9 4
                                    

A/N: Expect typographical errors and grammar. May mga bagay na hindi ako nag-research at nanggaling lang mismo sa isip ko. Kaya kung may napansin kayong mali o kulang, just let me know. Thank you!

***

First Shot

Warning Them

Have you ever been in a fight or flight situation?

'Yong tipong matatameme ka na lang pero dahil sa sobrang bilis ng oras, napapa-go ka na lang. O kaya napapa-hindi ka na lang.

Mahirap. Mahirap mag-desisyon agad-agad.

Sa sobrang bilis, hindi mo na naisip kung ano ang mangyayari sa 'yo sa ginawa mong desisyon.

Sa gabing maulan. Malamig ang hangin na dumadapo sa iyong balat. Nakakatakot ang liwanag na bumabalot sa kalangitan, isabay pa ang walang tigil na pag-ulan at kulog sa kalangitan.

"Ooh... Nice house, Valermo," bulong ng lalaki na nakaharap sa malaking bahay ng kanyang matalik na kaibigan.

Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na pumasok sa loob dala-dala ang kanilang mga handguns.

Meanwhile, the man remained standing in front of the house as if he would witness the worst action that was only shown in the movie.

Matipuno. Mestizo at matangos ang ilong. Puno ng tapang at awtoridad ang kanyang mga mata. Pantay na pantay ang balikat sa suot niyang coat. Nasa edad tatlumpu pataas lang ang lalaki pero ang itsura nito ay nagsasabing mukha pa rin siyang binata.

Gumalaw ang kanyang panga habang nakapaymewang at naghihintay sa inaasahan niyang mangyari sa mga taong nasa loob ng bahay na nasa harapan niya.

Parang nasa isang palabas, naghihintay sa pinaka-climax ng kwento.

Rain began to fall from the sky but the man didn't care. Bumagsak ang buhok niya nang lumakas ang ulan. Basang-basa at kahit ang mga bodyguard niya ay hindi siya pinayungan hangga't hindi ipinag-uutos ng kanilang amo.

Sa dulo ng kanyang buhok ay nagtuluan doon ang tubig-ulan. Bumaba sa tungki ng ilong hanggang sa bumagsak sa kanyang labi. He can attract anyone with just his face. Whatever he wanted could get in just one snap.

"Sir, the daughter of Valermo is here. What should we do to her?" pagsasalita ng isa sa mga pinadala ng lalaki sa loob ng bahay.

Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. Naglakad siya sa gitna ng ulan papasok sa bahay ng kaibigan. Bakit niya nga ba sinusugod ang bahay ng kaibigan?

Malalaki ang hakbang ng lalaki papasok sa bahay. Sinipa niya nang malakas ang double door ng bahay. Nakagawa iyon ng malakas na ingay at nasira ang pintuan. Mabuti na lang ay walang kapitbahay na maaring mabulabog.

Hanggang sa nakarating siya sa second floor ng bahay. Naglahad siya ng kamay sa isang niyang tauhan para makahingi ng baril. Pumasok siya sa opisina ni Valermo na napapalibutan ng kanyang tauhan. Mahigpit niyang hinawakan ang baril at walang pakandungang tinutok ang nguso ng baril kay Valermo. Magkahalong gigil at galit ang ipinakita niya sa lalaki.

"Please, Santiago! Don't hurt my family!" pagmamakaawa ni Valermo at handang lumuhod para lang hindi masaktan ang kanyang asawa at anak na hawak hawak ng isa sa mga tauhan ni Santiago.

Santiago Wagner. His family is a Mafia. His family is powerful. Kaya nilang pabagsakin ang mga taong humaharang sa kanilang daan at patayin. Wala silang awa. Parang sila ang makapangyarihan sa buong mundo. They have illegal transactions. Drug dealers and whatnot. But whoever can betray them, will die.

"Look what you did, Valermo. You're my friend. My second family... Everything, Valermo," matikas na sinabi ni Santiago at tumawa na parang isang baliw. Natahimik ang lahat dahil sa pagtawa niyang nagdadala ng kilabot. He clicked his tongue and pointed the gun at Valermo's forehead. "Do you know what am I gonna do if someone's betrayed me?" tanong nito sa kaibigan na nagawa nga siyang traydorin para sa sariling kapakanan ng kanyang pamilya.

My Gentleman Psycho | ✔️Where stories live. Discover now