SHOT 4

120 7 4
                                    

Shot 4

Unknown

May auction kaming pupuntahan ni Vegas. Kung sa isa namang Wagner ay pumupunta sa babae ang bentahan, ang pupuntahan namin ay mga alahas. Ang target nitong si Vegas ay ang diamond necklace. Maybe a gift for his lovely mother, Ms. Tianna.

There's other bodyguards of him too. Isa na doon si Caven and Cyles. We have our connected AirPods. Mahirap na at kailangan naming mag-ingat dahil mabibigat na negosyante ang nandirito.

Medyo madilim ang paligid at may liwanag lang sa stage na pagsisimulan ng auction. A lot of bodyguards were everywhere. Nakakatakot ang aura ng mga tao rito. Once you move, the death will eat you. Simple as that.

May isang lalaking naka-suit na puti ang umupo sa sofa na kinauupuan ni Vegas. Naka-dekwatrong upo ito at umiinom sa kaniyang baso na naglalaman ng mamahaling alak.

Gumalaw ang bibig ng lalaki na ikinangisi ni Vegas. Bigla na lang din sumeryoso ang usapan nila pero kalmado lamang si Vegas na nagagawa pang ngumisi.

Unexpectedly, a man with a white suit looked at me. Bumaling din siya agad kay Vegas at may sinabi rito.

Inilayo ko ang tingin at inayos ang tayo.

"Ang ganda rito. Unang subok kong nakarating sa ganitong lugar," dinig kong sambit ng baguhan naming bodyguard. He's 24 years old. No parents. Not in a relationship. Graduate at BSIT course. Dean lister. Poor but good.

"Congrats," Caven sarcastically said and chuckled.

I held my AirPods. "No personal talking," I said which made them quiet.

Nagsimula ang auction. Iginala sandali ang isang diamond necklace na gusto ni Vegas. Lahat ng tao ay gustong makuha ito. May mga nauna pang alahas ba iginala nila pero balewala iyon kay Vegas. Mukhang wala ng kawala ang necklace na ito kay Vegas.

"50 million," the auction was starting.

Inabot na ako ng pagka-buryo. Ang tagal makuha! Halos lahat ay gustong makuha ang diamond necklace na 'yon.

Bigla akong napalingon sa waiter na nasa gilid ko lamang at may hawak na tray ng wine. Kumuha ako doon at nilagok. Nasarapan ako kaya kumuha pa akong muli. Ramdam ko naman ang panonood sa akin nila Caven.

I shrugged my shoulders.

"60 million."

Hindi nagsasalita si Vegas. Mukhang hihintayin niyang makarating sa pinakadulo para makuha ito. Nakakalula ang mga perang sinasambit nila.

"100 million."

"125 million!"

"125 million for Mr. Valain," the front man said. "Objections? I'm starting to count."

Nilingon ko si Vegas na kalmadong nakaupo lang. Nakatitig siya doon kay Mr. Valain na nakatingin din sa kaniya. Kung mapapansin ay mukhang magkasing edad lang ang dalawa.

"200 million. I'm closing the counting," Vegas said then stood up.

Humikab ako. Wow. Nakakaantok pala 'yung wine pero masarap. Nakatayo lamang ako. Nagsisimulang magbulungan ang mga tao dahil nakuha ng boss... ko 'yung necklace! He succeeds! Vegas nga naman.

Humikab ako ulit. Medyo umaalon na ang paningin ko ngunit pinapanatili ko ang tindig ko. May trabaho ka pa, Lys, ha!

I reminded myself. I'm a professional. I avoid doing stupid things.

Napahawak ako sa dingding nang magsimula akong mahilo. Damn. Wine lang 'yon! Hindi hard liquor! Nakakailang baso pa lang naman ako. I shouldn't act like this!

My Gentleman Psycho | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon