CHAPTER 5

463 18 0
                                    

CARA POV

"Ano? at wala ka man lang ginawa? Cara, that kid is his child, paano kung gumawa iyon ng paraan para makasama ang anak niyo?" Untag sakin ni Aliana matapos niya lagukin ang natitirang alak sa baso.

"Tapos ilayo sayo at hindi na ipakita ng tuluyan si baby pogi, like forever na hmm.." Joana butted in na kakapasok lang at sumalampak sa sofa naka-de quatro pa akala mo ay hindi babae.

I sighed. Minsan naiisip ko din naman 'yon sa sobrang daming what if's na pumasok sa isip ko hindi ko na alam kung saan sa mga what if's na 'yon ang maaaring mangyare.

But Charles hate him, right? So ano pa ang ipinag aalala ko, my child won't let his Dad take him away from me if ever one of those what if's happen though I'm still worried, fuck!

Hindi ko alam kung pang ilang buntong hininga na ang ginawa ko.

In the past 7 years tahimik naman ang buhay ko nagulo lang ulit mula nung magtagpo ulit ang landas namin ng Mabait at mapag-mahal kong ex at ang kaniyang bestfriend---ay mali wife na pala. (Note: the sarcasm)

"Hindi naman siguro mangyayari 'yon. Ayaw nga ni Charles sa kaniya diba?" depensa ko. Pero ang dalawa inirapan lang ako.

"Well... you can say that..." Aliana paused "But sometimes you can't read what on that kid's mind... he can say that he hates his father but somehow deep inside he's still longing for his father's presence, that's what I mean." Pagtatapos niya sabay kagat ng mansanas.

Gamit ang peripheral vision ko ay kita ko ang pag sang-ayon ni Joana.

"Tumpak! galing mo bestfriend... May lahi ka ba'ng manghuhula?" kyuryoso niyang tanong.

Ngumisi lang si Aliana at nagkibit-balikat.

"Just stating the fact, and nope wala akong lahi na manghuhula." aniya.

"Sino'ng may lahi na manghuhula mga ate?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng mahinhin na boses.

It's Haiah the pure and innocent one among the four of us. We treated her like our real youngest sister.

Napakamot sa batok si Joana at hilaw na ngumiti kay Haiah. Alam kasi niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya nalalaman ang isang bagay.

"Wala... Hehe ahh.. ano ahmm... Nagbibiruan lang kami dito diba, Aliana?" utal na sagot niya at palihim na kinurot sa siko si Aliana na ikinangiwi naman niya.

"Oo.. totoo 'yon..." nakangiwi pa din siya. Binalingan niya si Joana at masama itong tinignan. "tangina mo mamaya ka sakin." Bulong niya.

"Ah akala ko may manghuhula sa inyo magpapahula sana ako kung ano nga ba ang magiging buhay ko sa furniture---este fuyture--ay h'wag na lang pala maghihintay na lang ako." Aniya at bahagyang namula. Siguro ay nahihiya na naman dahil hindi niya alam kung ano ang tamang salita na gagamitin.

Humagikhik kaming tatlo kaya mas lalo siyang namula. Oh my pure angel is embarrassed huh?.

"You struggle to find the right words whenever you try to speak in English, yes?" Tanong ko.

She played her fingers and bowed her head down as she pouted her lips. Tumango lang siya.

I slowly nodded. "Gusto mo bang mag aral?"

Hindi pa din siya makatingin sa akin pero kita kong natigilan siya. Ganun din ang dalawang kanina ko pa napapansin na nagkukurutan ay tumigil din.

"G-gusto ko p-pero wala akong pera... A-alam niyo naman na galing akong a-ampunan p-pero elemenntarya lang ang t-tinapos ko k-kase walang pera." aniya at nakayuko pa rin.

"Uh if you don't mind, gusto mo pag aralin kita?"
I asked again. This time nag angat na siya ng tingin sa akin. She blink twice, her lips parted.

"A-ano? a-ako----i...ikaw? M-mag aaral... a-ako?" Her eyes twinkled pero agad din napalitan ng pangamba.

"Oh what's with that face? Akala ko ba gusto mong mag-study so you can find a decent na trabaho?" Nakataas na kilay kong tanong.

"Go grab the opportunity girl, minsan lang mag offer si Conyita kaya tanggapin mo na." Pag alo ni Joana na sinang-ayunan naman ni Aliana.

"Tama madamot iyan sa pera kaya kung ako sayo tanggapin mo na... Mag aral ka hindi lang para matuto ng ibang lenggwahe para na rin makahanap ka ng poging Daddy--este ng magandang trabaho." Ani Aliana tumango-tango pa.

Nahihiya man ay pumayag din agad siya.
"Hayaan niyo kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho ililibre ko kayo, pangako 'yan!" aniya at yumakap sakin na agad ko namang ginantihan.

"I'll find a tutor for you tomorrow bago ka mag enroll sa School." I whispered nakayakap pa din sa kaniya.

"Salamat ate, ha. Babawi ako sayo ate.." aniya na nagpangiti sa'kin.

I heard the two girls faking cough.
"I think we're not belong here.... ang unfair ha sila lang talaga ang nagyakapan? Omy gosh!" Joana said while wiping her imaginary tears, fanning herself as if she just got betrayed by me. Ang drama talaga!

"Ayy, true After nating magpaka-bestfriend? aray ha... pero hindi p'wede join kami sa yakap session na yan." at patalon silang tumabi sa amin saka yumakap ng mahigpit.

"Cliffer Fianco Estevan, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa has been arrived just now, and no one wants to see my handsomeness? Damn alam kong nakakamatay ang kagwapuhan ko pero hindi kayo madadamay kaya lumingon na kayo!" Kahit kailan talaga hindi nababawasan ang pagiging mahangin ng lalaking 'to.

"And you think you're handsome? excuse me?!" Tili ni Aliana at umaktong nandidiri.

Si Cliffer naman ay nagbigay ng daan at yumukod pa ng kaunti.
"You're excuse now, Mi Lady." Pang aasar niya, kumindat pa ang loko kaya hindi na nakapag-pigil si Aliana at binato siya ng mansanas.

Nasalo naman agad ni Cliffer ang mansanas at kinagatan iyon.

"You want me to eat your apple, Mi Lady?" He teased, he even playfully licked his lips.

Aliana looked at him with disgust.
"Can anybody tell me, why the hell did I befriended with you, airy-headed?"

Nilagay niya ang hinlalaki sa kaniyang baba at umaktong nag iisip. "Siguro dahil guwapo ako hehe---Ouch!---aray---hoy-- owwww fuck damn it woman! stop--aray!" Natatawa akong nakatingin sa kanila... Para silang mga batang naghahabulan..

"I will never stop not until you stop being mahangin!!! you kinky little peace of shit!" Gigil na sinabunutan ni Aliana ang buhok ni Cliffer.

"Aray---isa binabalaan kita tigilan mo ako bago pa ako makagawa ng hindi maganda sayo!--ouch, fuck! hahalikan kita outang ina tumigil kana." pagbabanta ni Cliff kaya natigil naman si Aliana at tinakpan ang kaniyang bibig..

BLACKWELL SERIES 1: ZHAIRRO CLY POSSESSIONWhere stories live. Discover now