CHAPTER 9

240 11 3
                                    

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para makakain na. Tatawagan ko pa si Zairus para sabihin na samahan kami bukas ni Charles sa Family Day sa School.

Naabutan ko si Nanay Elena na nagtitimpla ng kape. Hindi talaga siya nakakatulog ng hindi nagkakape.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil humarap kaagad siya sa'kin at agad na ngumiti.

"Kain kana ma'am ipaghahain kita. Maupo ka na lang do'n sa hapagkainan."

"Si Charles 'nay Lena.. Kumain na ba?"

"Oho, ma'am, tapos na po! Wala na din po kayong dapat alalahanin sa mga homeworks niya dahil natapos na po namin kanina!" Sigaw niya mula sa kusina.

Ilang sandali pa ay lumabas na ito dala ang isang tray ng pagkain. Agad ko namang iyon inabot, ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

***

Gusto ko na lang iumpog ang ulo ng lalaking kausap ko ngayon. Pasalamat siya at wala ito sa harap ko ngayon kundi at hindi lang untog ang gagawin ko.

His laughter on the other line died down. "Damn baby konti na lang talaga mapagkamalan na kitang may gusto sa'kin."

I rolled my eyes. 'yan nanaman siya sa 'baby' na 'yan.
"H'wag kang assuming! and FYI si Charles ang nagsabi sa'kin na sumama ka bukas!" I hissed.

Tumawa lang ang loko.

"Ikaw ba naman may kaibigan na gwapo at maskulado, habulin pa ng mga babae."

Napakunot ang noo ko. Anong connect ng pagsama niya sa sinabi niya? "Inatake ka nanaman ng pagiging mahangin mo... Anong connect ng pagsama sa pagiging gwapo mo?"

He chuckled again. "Baby, kasi kapag gwapo ang kasama niyo siguradong mananalo tayo sa mga palaro bukas dahil mawawalan sila sa focus... alam mo na dahil sa ka-gwapuhan ko."

Napahilot na lamang ako sa sentido ko. "Ewan ko sayo, Sabihin mo 'yan kay Charles bukas!"

Narinig kong tumikhim siya sa kabilang linya.

"Cara.." Sumeryoso ang boses niya.

"What?"

"Ayaw mo talaga akong pakasalan?" ayan nanaman sa pagiging pilyo ang animal. akala ko naman seryoso na tsk!

"Damn it, Zai! I thought you're being seryoso na, Charles needs you and I tomorrow sa School! Kailangan ko ng final answer mo to make sure na hindi aasa ang baby ko bukas."

"Oo na! H'wag ko lang marinig na mag-conyo ka... jusko po maaga akong mamamatay dahil sa'yo, ea." Reklamo niya. Palihim akong natawa.

I gasped dramatically, "Oh my gosh! I still need you, don't say that you're mamatay early because of me. Ya'know it's nakakahiya if they found out that your cause of death is my Conyo talk." Inartehan ko pa ang boses ko dahilan para marahas siyang mapamura.

"Tang inang 'yan ewan ko sayo! I'm going to sundo-sundo you and Charles bukas ha. Gumising ka ng early para maaga tayong maka-arive." He mimicked my voice making me burst out laughing.

I even clutch my stomach. Jeez.. Ang sarap talaga asarin ng isang 'to ea..

"Ewan ko sayo matulog ka na nga!" Sigaw niya bago ako patayan ng tawag. Iiling-iling kong pinunasan ang takas na luha ko dahil sa pagtawa.

I sighed. Bahala na bukas.

5:30 pa lang ay gising na ako. Kailangan namin agahan ang pagpunta sa School ni Charles para na rin iwas sa trapiko.

Tapos na din akong nagluto ng agahan si 'nay Lena naman ay pinaakyat ko sa kwarto ni Charles para gisingin na siya at ng makaligo na para pagbaba dito ay kakain na lang.

Tinext ko na rin si Zairus na dito na lang mag-agahan kaya sigurado akong maya-maya ay nandito na din 'yon--- And speaking of the devil. Narinig ko ang busina sa labas kaya sure akong siya na iyon.

Lumabas ako para salubungin siya.
There he is standing in front of the door. Naka-sampay pa ang leather jacket nito sa balikat habang nakapamulsa.

"Good morning, beautiful." His voice were raspy yet playful.

Umirap ako sa kanya bago niluwagan ang pagkakabukas sa pinto."Good morning, deretso ka na sa dining area. Pababa na rin siguro si Charles."

I waited for him to come inside, but the rascal just wouldn't budge from where he was standing. I glanced at him again, and I saw his eyes light up, oh no! I know that look!

Before he could even speak, I beat him to it. "Are you coming in or not?" I snapped. But the rascal was already staring at my lips.

"Where's my good morning kiss, baby?" Aniya sa mapang-akit na tono.

Sabi ko na nga ba!

I gave him a glare and forcefully closed the door even though he was still outside. Bahala siya sa buhay niya!

Padabog akong bumalik sa hapagkainan, di kalaunan ay pumasok na rin ang lalaking pinagsarahan ko ng pintuan.

Para itong batang pinagalitan ng nanay at sa pinakadulo pa ng mesa umupo.

Sumulyap siya sa akin na ngayon ay nakanguso na. Tinaasan ko ng kilay kaya umiwas siya ng tingin.

"Para kiss lang eh, damot." Bulong niya ngunit narinig ko pa rin.

Napabuntong hininga na lamang ako't hindi na pinansin pa ang bulong ng bubuyog sa dulo ng mesa.

"Kumain ka na, h'wag kang bumusangot d'yan dahil walang susuyo sayo."

Kita ko ang pag-irap niya, "Don't talk to me. Hindi tayo bati."

Aba't, parang kumausap lang ako ng bata ah. Sa ilang taon kong pagka-kilala sa kanya hindi naman siya ganyan.

Damn, I can't imagine that this thirty one years old man could be this childish.

Ngayon pa lang naaawa na ako sa magiging asawa niya in the future. Hayst.

Oo nga 'no, bakit ba kasi wala pang asawa 'to. Next year mawawala na sa kalendaryo ang edad niya, bakit hindi pa siya mag asawa?

Tanong ko kaya. Nangangati ang utak ko kapag hindi ako nagiging vocal, eh.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Lumingon siya sa'kin saka tumikwas ang isang kilay niya. Ay taray..

"Bakit wala ka pang asawa?" Tanong ko dahilan para mabilaukan siya sa kinakain niya.

Ay, nabigla ko yata!

Mabilis kong kinuha ang isang baso ng tubig  para iabot sa kanya na agad niya rin tinanggap at ininom.

"I know you're hungry, but please don't make it so obvious." I said as I sarcastically tapped his back.

He swatted my hand and gave me a death glare. "Ako kaya magsabi sayo ng ganun habamg kumakain ka? Tignan natin kung hindi ka mabilaukan." He retorted, kaya napangiwi ako.

"Wala namang masama sa tanong ko, bakit ka magugulat? Bakit nga kasi hindi ka pa mag asawa para naman magka-kulay ang color blind mong life?" Curious kong tanong  bago sumubo ng kanin.

He sighed, "Dahil ayaw mo naman akong pakasalan."

This time ako naman ang nabilaukan at siya naman ang nag abot ng tubig sa'kin.

May pag-aalala niya akong tinignan, "You okay? Alam ko naman na gutom ka pero h'wag mo namang ipahalata." Aniya at hinagod pa ang likod ko.

Tangina. So this is how it feels to get choked kapag nabibigla.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Zairus Craige Blackwell, gumaganti ka ba?!" Galit kong sigaw. Inabot ko ang tenga niya saka piningot iyon.

I just let his ear piercing scream echoed throughout the house.




THE END... charizz

A/N: Sorry for the late ud, enjoy!😚😚

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLACKWELL SERIES 1: ZHAIRRO CLY POSSESSIONWhere stories live. Discover now