CHAPTER 6

358 14 0
                                    

Author's Note: Sorry for the slow updates, Loves. Masyadong mahina ang signal at medyo busy din ako.

Cara Pov.

Hindi pa rin tumigitigil sa bangayan yung dalawa. Tss naiiling akong tumayo at pumanhik sa kusina, Binuksan ko ang ref at inilabas ang bottled water. Umupo ako sa upuan at muling inalala yung nangyari kanina.

Hindi ko naman napapansin na naghahanap siya ng tatay. O baka magaling lang siya magtago mg nararamdaman? I can even sense the bitterness in his voice while talking to his father.

Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko, He knew what happened years ago. Alam niya pero hindi man lang siya nag ingay tungkol do'n.

But as long as hindi siya mag o-open up about kay Zhairro hahayaan ko na lang muna. Ayoko siyang pangunahan.

And Zhairro? Mukha namang happily married na sila ni Nicole.

"Mommy." Bumaling ako sa may pintuan ng kusina at nakita ang anak ko na pupungas pungas papalapit sa'kin.

Inabot ko ang kamay niya at binuhat para makaupo sa kandungan ko.

"What my baby want?"

"S-sleep po." aniya sa inaantok na boses bago natulog ulit sa dibdib ko.

Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. Kung dumating man ang araw na hanapin mo na sa'kin ang ama mo, hindi ko 'yon ipagkakait sayo. Hindi ko rin maipapangako na mabubuo pa tayo dahil may sarili ng pamilya ang tatay mo.

Binuhat ko siya paakyat sa kwarto niya at dahan dahan na inihiga doon, iniiwasan na wag siyang magising. Pinatakan ko nang halik ang kanyang noo bago lumabas sa silid niya.

Bumalik ako sa sala kung nasa'n ang mga kaibigan ko. Nakahinga naman ng maluwag dahil hindi na nagtatalo ang dalawa. Konti na kang i-ship ko na mga 'to.

Tumabi ako kay Haiah na busy sa pagkain. Ganyan naman siya lagi, hindi daw siya mabubuhay kung walang pagkain. Well, tama nga naman.

Bumaling siya sa'kin nang naramdaman niya ang pag upo ko saka nginitian ng malaki sabay alok ng pagkain.

"Ate kain tayo!" anya at inabot ang isang sandwich. Tinanggap ko naman, nagutom ako ea.

"Ang boring! Gusto kong pumarty tonight." Maarteng saad ni Aliana.

"Ako din, libre niyo muna ako ha. Wala akong pera eh, para naman may silbi kayo sa'kin."_Joana.

Napangiwi ako dahil do'n. Si Cliffer naman ay nasamid sa iniinom niyang juice. Habang si Aliana ay napairap sa kawalan, si Haiah? Heto walang pakialam. Akala mo hindi pinakain ng dalawang araw.

Si Cliffer unang nagreact sa sinabi ni Joana. Napahawak pa ito sa dibdib animo'y nasasaktan.

"Aray naman! Ikaw babae ka negosyante ka na nga nambuburaot ka parin!"

"What? Minsan na nga lang magpalibre nagda-damot pa kayo. Para namang nakakaubos ako ng tatlong case ng beer." Ungot na nakabusangot na ang mukha.

Napa 'Tsk' na lang si Aliana. Maya't maya ay tila may bombilyang sumindi sa ulo niya pumitik pa sa hangin. Tumingin sa sa'kin na may malaking ngiti sa labi, akala mo nanalo sa lotto.

"Call Zairus, Cara. Sabihin mo mag iinuman tayo sa Bar niya."

"No, you tell him. May number naman siya sayo o 'di kaya i-chat mo na lang friends naman kayo sa Facebook." sabi ko dahilan para mawala ang malawak niyang ngiti. She glared at me but I just ignored it anyway.

"You're so... ugh! ang pangit mo ka-bonding!" Kinindatan ko lang siya at ngumisi ng nakakaloko. Alam ko kasing may something sa kanilang dalawa ea.

Naalala ko yung nasa labas kami ng pinto ng Unit ni Zairus kasama ko si Joana at handa ng kumatok nang marinig namin ang halinghing nilang dalawa sa loob.

BLACKWELL SERIES 1: ZHAIRRO CLY POSSESSIONWhere stories live. Discover now