Panimula

41 5 0
                                    








MALAMIG ang simoy ng hangin na dumadapo sakanya. Palubog na ang araw at kitang kita niya ang kay gandang kahel na langit.






Nilihis niya ang kanyang tingin at pinagmasdan ang kanyang kaibigan.







Huminga siya ng malalim at inilapag ang bulaklak na hawak hawak niya.










"Happy Birthday! Para sa'yo yan.", nakangiting saad nito.










Umupo siya sa tabi nito at kinausap.








"Matagal tagal na rin noong nagkita tayo. Kamusta na ba dito?"






"'Wag kang magalala, ok na ok yung pamilya mo. Akalain mo yun? Nauna pang makapagtapos yung kapatid mong si Renzo kaysa sayo? Hay naku."





Inalis niya ang tingin niya sakanya at muling tinignan ang kahel na langit.






"Ito.. ito yung surpresa mo saakin noon... Hindi ko man nasabi sa'yo noon ngunit oo. Ang ganda nga nito. Hindi mo lang alam ngunit ang araw na iyon ang pinakamagandang nangyari saakin noon."







Ngumiti siya ng mapait at muli niya itong pinagmasdan.








"Hindi mo man lang sinabi na birthday mo pala yun.."







"Rio!", tawag ng isang magandang babae sakanya. Lumapit ito sakanya at pinagmasdan rin ang tinigtignan nito.







"Natatatandaan mo pa ba si Taki? Siya yung pinakilala ko sa'yo noon. At sa totoo lang nandito kami ngayon para ipabalitang umoo siya sa proposal ko sakanya. Grabe talaga yung basbas mo saamin ano?", tumawa ito ng mahina at napapangiti na lang rin si Taki.







"Thank you, Rylie. Thank you for everything. You will always be remembered."








Rylie C. Castillo
Born: January 16, 2002
Died: January 16, 2017


















After The Sunset Where stories live. Discover now