Wakas

30 1 0
                                    

PAPADILIM  na kung kaya't umuwi na sila mula sa park kung saan dinala siya ni Rylie. Nasa bus sila ngayon at nagkwekwentuhan habang may mga ngiti sa labi.

"Alam mo ba, may natandaan lang ako. Hindi ko pa yata naikwekwento sa iyo."

"Ano naman yun?", tanong ni Rylie.


•••
10 Years ago

May isang batang lalaki ang naglalakad sa iba't ibang pasilyo ng hospital. Siya ay nawawala at sinusubukan niyang hanapin ang kanyang mga magulang sa maraming tao na naglalakad sakanyang paligid.

"Ma? Pa?" Hanap niya sakanyang mga magulang. Nawala kasi siya dahil sinundan niya ang kanyang doktor na may laging hawak hawak na kotseng laruan.

Maya maya lamang sa paglilibot ng kanyang mga mata ay agad niya namang nakita ang kanyang mama kung kaya't sinubukan niyang tumakbo para abutan ito ngunit agad lamang siyang nabunggo sa isang pang batang babae.

"Aray ko naman!"

"So-Sorry.."

"Magingat ka kasi! T-Teka! Umiiyak ka ba? S-Sorry rin!"

"Na-nawawala kasi ako. B-baka iniwan na ako ni Mama at Papa!"

"Luh! Hindi naman yata ganon. Ito oh! Lollipop. Pwede ka ba niyan? Baka may ubo ka ha!"

"Wala akong ubo.", kinuha naman nito lollipop.

"Hi! I'm Rylie!", pagpapakilala nito.

Inabot niya ang kamay niya kay Rio.

"Hello. I'm Rio Laurence Tuazon." Pagtanggap nito sakanyang kamay.

•••

"Wow! Kapangalan ko siya! Teka nga.. Anong ospital yan?!"

"South Carolina Hospital?", patanong na sagot ni Rio sa tanong nito.

"Teka! Parang diyan pinanganak yung kambal kong kapatid ah!"

"Teka. So pwedeng ikaw yun?"

"Hmm.. siguro?"

Nagkwento pa sila nang nagkwento hanggang nagpaalam na sila sa isa't isa at naghiwalay ng landas.

Ngayon ay nakarating na si Rylie sa lugar nila, tatawid na lamang siya ng highway at ilang lakad lamang ay nandoon na siya sa bahay nila.

Sa paghihintay niya ay nagulat siya noong may nakita siyang batang lalaki na tatawid sa kalsada kahit pula pa ang ilaw ng traffic lights.

Sa pagtawid nito ay may paparating na kotse na maaring masagasa sa bata. Hindi naman siya agad nagatubigli pa at hihilain sana ang bata palapit sakanya ngunit patakbong tumawid ang bata kung kaya't siya ang nahila nito.

At sa pagtingin ni Rylie sakanyang kanyang kaliwa ay kinain na siya ng puting ilaw.







WAKAS




















After The Sunset Where stories live. Discover now