[WB: JM2]
JM’s POV
“Ngiting-ngiti tayo ngayon, ah?” nakangising salubong ni Ethan sa akin pagpasok ko sa bilyaran nila. Nakatambay na naman doon sina Francis, Amiel, at Eph.
“Kumusta naman ang panggagamot mo sa mga tao sa Batanes?” tanong ni Amiel, ngayon ko lang siya di nakitang nagbabasa ng mga libro niya, kung minsan ay pwede mo ng pagkamalang library ang bilyaran sa dami ng librong dinadala ni Amiel doon.
Nagkibit-balikat ako, “okay naman, may isang buwang bakasyon ako,” nag-inat ako at umupo sa billiard table. “Dalawang buwan na pala mula ng huling magamit tong table na ‘to, ah? Ang alikabok na, oh,” puna ko at ngumisi kay Eph. Siya kasi ang huling gumamit ng billiard table, kinalaban niya si Ethan. O si Amiel ba?
“Wag niyo nga akong tignan ng ganyan,” parang nahihiyang sambit niya, “tignan lang natin kung sinong susunod na gagamit niyan. Hindi na tayo tumatanda kaya kung ako sa inyo, sumunod na kayo sa akin.”
Umiling naman si Ethan, “no, thanks, mauna ka na,” pagkuwan ay tumingin siya sa aming dalawa ni Amiel, “oh, kayong dalawa, kayo na ang mauna, huli na ako.”
“Ang bahay niyo na ito, bukbukin na. Ang bilyaran niyo, bukbukin na rin. Ethan, sa susunod, ikaw na ang magiging bukbukin,” natatawang litanya ko kay Ethan. Ang hilig-hilig niya kasi sa mga makalumang gamit.
“Sa tingin ko, mas mauuna si JM kaysa sa akin.”
Napatingin ako kay Amiel, “anong sabi mo?”
“Khloe,” kilala niya si Khloe kasi sa kanya nagtatrabaho ang huli. May-ari kasi ng isang publishing company si Amiel, isa rin siyang Romance writer sa kabila ng pagiging lalake niya. Sa totoo lang, ako ang nagpalakas kay Khloe para lang tanggapin siya ni Amiel ng walang kahirap-hirap, but that is a secret between us boys, hindi yun pwedeng malaman ni Khloe dahil malamang sa hindi, magagalit na naman iyon sa akin at sasabihan na naman akong pinanghihimasukan ko ang buhay niya... thou gusto ko naman talagang pasukin ang buhay niya, siya lang ‘tong paulit-ulit na nagpapalabas sa akin sa bawat subok ko. Tsk, babae nga naman.
“Aha, Karylle.”
Naglabanan kami ng tingin.
“Sina Khloe at Karylle, oh!” sigaw ni Eph.
Agad kong hinanda ang ngiti ko habang si Amiel naman ay nataranta’t umalis. Hanggang sa maisip ko... paano naman makakarating doon si Khloe, eh, malayo ang lugar nina Ethan sa amin?
Kinuha ko ang basahan sa ibabaw ng mesa at binato kay Ephraim na prenteng nakaupo. Tatawa-tawa namang nasalo niya iyon. “Loko-loko ka talaga, Eph.”
“Nasa inyong dalawa ang susunod sa akin,” hinimas-himas niya ang baba niya. “Saan na ba nagpunta ang baby boy natin?” ang tinutukoy niya ay si Amiel.
“Ikaw kasi, pinag-alala mo yung tao,” tatawa-tawa si Francis.
“Kasalanan ko ba kung ma-in love siya sa kapitbahay ni Ethan?”
Natawa kaming pareho. Kawawang Amiel, magmula yata nang makilala si Karylle na kapitbahay nga ni Ethan ay lagi na siyang nawawala sa sarili banggitin lang ang pangalan ng babae. Hindi naman namin siya mailakad kay Karylle kasi nahihiya daw siya, pag nagbinata ka nga naman.
“Ethan, aware ka namang kanina pa nagri-ring yang cellphone mo, di ba?” sabi ko kay Ethan habang nakaturo sa umiilaw na cellphone sa loob ng bulsa niya. Kanina pa kasi iyon nag-iingay.
Lumikot ang mga mata niya, “yung makulit na kliyente lang ito,” sagot niya. Engineer kasi siya kaya normal na lang iyon but knowing Ethan, hindi siya nagpapabaya ng mga client.
“Boys, naiisip niyo ba ang naiisip ko?” mala-B1 na bulong ni Francis sa amin.
Napatawa na lang ako. May idea na kasi kami kung sino ang ‘makulit na kliyente’ ang tinutukoy ni Ethan, iyon ay walang iba kundi ang kaibigan ni Ashley.
Hindi na ako nagtagal doon kasi alam kong ngayong araw na ito magpapasa ng manuscript si Khloe sa pinagtatrabahuan niya.
“Nakahanda lang itong billiard table para sa iyo kapag kailangan mo,” pahabol ni Francis sa akin.
Sumaludo lang ako. Sinumpa ko na noon sa sarili ko na hindi ko gagamitin yung table na iyon para lamang paglabasan ng sama ng loob at mga problema ko. Kaya kong resolbahin lahat ng problema ko, kahit pa tungkol iyon sa puso.
Naisip ko bigla si Khloe. Kilala ko na siya simula pa pagkabata. Magkapitbahay kasi kami, mas matanda lang ako ng dalawang taon sa kanya, she’s only 21. Pero sa buong buhay ko, wala pa yata kaming usapang matino, she always think of me as her enemy and I don’t know why. Kung hindi lang siguro dahil sa mga magulang niyang alam ko at alam niyang botong-boto sa akin ay matagal na akong bumitaw sa nararamdaman ko sa kanya. Yes, I have feelings for her. Real feelings.
I still remember her debut, ni wala siyang partner noon kasi kung hindi sa ayaw ng mga magulang at ate niya ay sinindak ko naman.
“You don’t want me to be happy! Eversince, you don’t want me to be happy! Promises! Promises!” bulyaw pa niya sa akin nang malaman niyang ako ang isa sa mga dahilan kung bakit di siya inalok ng crush niyang kapitbahay lang din namin.
“I want you to be happy, so, be with me!” sigaw ko rin pabalik sa kanya pero di na niya ako narinig kasi nagtakip na siya ng tenga niya at tumakbo paalis.
At sa huli, walang party na naganap at alam kong hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit nangyari yun... so I’m really trying my best to show her the best side of me, pero lagi niya akong hinahanapan ng mali.
Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko, ida-dial ko na sana ang number niya pero eksakto namang tumawag siya. Sinagot ko iyon, “hello? May kailangan ka?” kunwari ay walang pakialam na sagot ko.
“Busy ka ba? Ihatid mo nga ako, baka ma-late pa ako sa pagpapasa,” ni walang siyang ‘please’ na sinabi pero okay lang iyon sa akin.
Sanay naman na akong tinatawagan niya tapos nagpapasama sa kung saan-saan. Minsan, nalalabuan na rin ako kung ano ba ako sa kanya, driver? Taga-hatid at taga-sundo? Madalas nga siguro kaming magkasagutan pero hindi naman iyon personalan. Para lang kaming... magkaibigan na nagbibiruan... but I want something greater than that.
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Joshua
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®