[WB: JM9]
Khloe’s POV
“Hey, dadalo ka, ha?”
“Ha? S-Sige,” pilit ang ngiti ko nang tanungin ako ni Ashley na dumalo sa kasal niya na isang linggo na lang mula ngayon. Nagkita-kita kami ngayon nina Lucy na girlfriend ni Raph, Una na nililigawan or girlfriend na yata ni Xhin, Zie na kaibigan at fiancé ni Ethan, at ni Karylle na girlfriend ni Amiel. Nasa mall kami ngayon at kumakain lang naman.
“Kaw, sis, wala pa ba kayong plano ni JM? Balita ko, nauna na ang honeymoon, ah?” kumindat pa sa akin si Lucy.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanila, “h-hindi, ah!” Nag-hmm lahat sila sa akin at sabay-sabay na uminom ng iced tea pero nakatuon pa rin sa akin ang mga mata nila, “pwede ba? Hindi nga.”
“Ang defensive nito,” sabi ni Zie.
“Okay lang namang mag-deny pero pustahan tayo, simbahan ang tuloy niyan,” sabi ni Una na agad ding tinutop ang labi.
“Una,” may himig pamimigil si Karylle.
Nakita kong nagpalitan sila ng tingin. “May sikreto ba kayo sa akin?”
“Gusto niyo pa ba ng pizza? O-order ako, waiter!” hindi man lang nila ako pinansin.
“Hmm,” naningkit ang mga mata ko sa kanila. Pinag-aralan ko ang bawat galaw nila. Inulit ko ang tanong ko sa kanila pero iniiwasan naman nilang sagutin iyon. Mukhang wala nga akong makukuhang sagot sa kanila. “Ahy, ang eewan niyo,” sabi ko sabay tayo. “Magsusulat pa ako, enjoy na lang kayo dito, ciao!” kumaway na lang ako sa kanila.
“Papadala ko na lang ang damit na susuotin mo,” pahabol ni Ashley.
Tinaas ko na lang ang isang palad ko at hindi na lumingon pa sa kanila. Napahaba pa kasi ang pakikipag-chismisan ko sa kanila. Hindi pa nalalagyan ng ending ang sinusulat ko... ang kwento nina Khloe at JM. Papalitan ko sana ang pangalan ng mga character kaso masyado nang mahaba ang nasulat ko at baka magulo pa ang takbo ng kwento kapag baguhin ko ang mga yun.
“Hi, ma, pa,” humalik ako sa pisngi ni mama at ni papa pag-uwi ko. “Magsusulat lang ako sa kwarto,” iniwan ko din sila sa sala.
Ngunit hindi rin naman ako makapagsulat kaya humilata na lang ako sa kama.
Kasal nina Ashley at Ephraim... nakilala ko lang naman sila dahil kay JM na paulit-ulit akong isinasama kapag may outing silang magkakaibigan kasama na rin ang kanya-kanyang partner nila. Si Francis nga lang ang laging walang dala, ang dahilan niya, di daw mauubos ang babae kaya bakit magfo-focus sa isa lang?
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan kong Winnie the Pooh.
Siyempre nandoon si JM. Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan at nagtagumpay naman ako... pero hindi naman pwedeng habangbuhay na ganoon na lang. Magku-krus at magku-krus pa rin ang mga landas namin. Makikita ko siya sa simbahan, malamang. “Gahd, bahala na nga,” pero di ko naman makapa sa sarili ko na nagsisisi akong nagsama kami sa Batangas... kasi kahit papaano, mas gumaan pa ang pakiramdam ko nang masabi ko sa kanya ang dinaramdam ko. Hindi ko pa iyon sinama noong nasabotahe ang debut ko nang dahil sa kanya. Hinintay ko siyang mag-prisinta ulit bilang escort ko, kalilimutan ko talaga yung nangyari noong JS Prom pero wala, eh. Imbes na tulungan akong ihanap ng escort, binubugaw pa niya ang mga yun palayo sa akin.
Nag-isip ako ng mga paraan para makaalis din agad sa kasal nina Ashley para hindi ako magtagal doon. Hindi pa ako handang kausapin si JM.
Nakatulugan ko na ang ganung pwesto na wala man lang naidaragdag sa kwento niya at ni wala man lang ni isang ideyang pumasok sa isip niya kung paano makakatalilis agad sa kasal.
***
Mabilis ang paglipas ng araw, nakuha ko na rin ang damit na sinasabi ni Ashley na isuot ko iyon sa kasal niya. Pare-pareho kami ng disenyo nina Una.
“Hindi ka ba sasabay kay JM?” tanong sa akin ni mama nang katukin niya ako sa kwarto.
“Ha? Ayoko, ma... ahy... what I mean is, hindi pa ako tapos,” hindi ko naisip na pwedeng magsabay pala kami sa pagpunta sa simbahan.
Umalis na si mama sa pinto at bumaba ng hagdan. “JM, hijo, hindi pa raw siya tapos.”
“W-What?” bulong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa ibaba. Nakita kong nakatingin si JM sa direksyon ko, agad akong nagtago, “aisht, nakita niya ba ako?” paulit-ulit ang pag-usal ko, kulang na lang ay magdasal ako dun.
“Oh, nandiyan ka naman pala, tapos ka na? Hihintayin ka na lang daw niya. Susunod na lang din kami ng ate at papa mo pagkatapos nila. Ikaw ang kailangan dun ngayon.”
Muntik pa akong mapatalon nang makita si mama. “Ma, naman.” Kailangan daw, eh, wala naman akong gagawin dun kundi uupo at tatayo ng paulit-ulit.
“Ikaw, bata ka, ha? May napapansin na ako sa inyong dalawa ni JM. Kabait na bata nun, eh, hala, mag-ayos ka na’t nakakahiya naman dun sa tao.”
Wala naman na akong maidahilan pa sa kanya at tapos naman na din akong mag-ayos, nagdadahila na lang talaga ako. “Bababa na po.”
Hindi ko tinignan si JM, diretso lang ako sa labas ng bahay. Ni di ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto, ako na lang ang kusang lumulan doon.
“I just want you to know you’re beautiful,” saad niya.
Alam kong nakangiti siya kahit na di ko siya tignan.
Pumasok na kami sa simbahan, nakita namin si Eph na mukhang kinakabahan. Actually, lahat ng kaibigan ni EPh ay best man dahil walang gustong magpatalo. Nasa tabi ni Eph pati mga magulang niya na parang naiiyak na.
“5 minutes,” narinig naming sabi ng wedding coordinator sabay taktak sa relo niya. Naghanda na ang mga may partisipasyon, pati na rin ang mga tutugtog. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsalita ulit ang wedding coordinator, “the bride’s here.”
Pumailanlang na ang wedding march na sinabayan ng malamyos na tugtugin ng violin. Kitang-kita sa mga mata ni Eph ang pinaghalong inip at tuwa. Mas lalo pang kuminang ang mga mata niya nang makita na niya ang papasok na si Ashley kasama ang mga magulang niya.
Tumingin ako kay Ashley, maya-maya pa ay nagpapalitan na kami ng tingin nina Una, Zie, Lucy, at Karylle. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa direksyon ni JM na katabi ni Xhin, nakita ko silang nagsisikuhan. Parang sila pa ang excited.
Nakarating na si Ashley at ang mga magulang niya sa harap. Mangiyak-ngiyak ang mama ni Ashley pati na rin ang papa niya nang iabot ang kamay niya kay Eph. Naglakad sila papunta sa harapan ng pari.
Napangiti ako, ano kaya ang pakiramdam ng kinakasal? Hindi ko maiwasang hindi mapabuntung hininga. Mangyayari pa kaya sa akin ang ganyan? Maihahatid din kaya ako ni papa sa harap ng altar?
Ilang beses din kaming umupo-tayo dahil parte iyon ng seremonyas bago dumating sa parteng pinakahihintay naming lahat.
“I now pronounce you husband and wife,” nakangiting saad ng pari, “you may now kiss the bride.”
Unti-unting tinaas ni Eph ang belo ni Ashley at tumambad na ang napakagandang mukha ng kaibigan namin kahit na halatang kanina pa pinipigilan ang iyak. Medyo nag-usap pa sila bago bumaba ang mukha ni Eph at tuluyang hinalikan sa labi si Ashley.
Nagpalakpakan ang mga tao dahil doon.
Akala ko ay doon na yun matatapos at picture taking na lang pero nagulat ako nang biglang may tumugtog na piano, parang wala namang ganung parte ang kasal... di ba ending na dapat? And they live happily ever after?
BINABASA MO ANG
What Boys Think: Joshua
ChickLit☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ First book: What Boys Think: Ephraim Second book: What Boys Think: Joshua Third book: What Boys Think: Raphael Fourth book: What Boys Think: Francis EijeiMeyou®